CHAPTER FOUR

1487 Words
RICHEL Lunes ng umaga nagising na naman ako sa alarm clock namin na walang iba kundi ang manok ni Tatay sa labas ng bahay. Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tuluyan dumilat ng aking mata. Nanatili muna ako ng ilang segundo sa higaan ko bago bumangon saka inayos ko na rin ang hinigaan ko. Katulad ng ginagawa ko sa tuwing umaga kumuha na ako ng damit at tuwalya para lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa kusina gising na si Nanay at Tatay at umiinum na ng kape. Parang nakaluto na rin sila ng almusal dahil ang dalawang kaldero naka salang na sa aming pugon. Hindi nila ako nakita dahil nakatalikod sila. Kaya tumikhim ako. "Magandang umaga Nanay, Tatay. Gising na pala kayo?" Masiglang bati ko. "Gising ka na pala anak. Magandang umaga din sa maganda naming anak." Magkasabay na sabi ni Nanay at Tatay kaya tudo ang ngiti ko. Hinawi ko pa ang mahaba ko'ng buhok na parang feel na feel ko na maganda ako. "Naks naman Nag, Tay. Akala naman ni Ate maganda siya. Kayo lang naman ang nagsasabi na maganda si Ate." Napalingon ako sa likuran ko dahil gising na rin pala ang dalawang kapatid ko na kuntrabida sa kagandahan ko. Tiningnan ko sila at inirapan. Tumawa naman si Nanay at Tatay. "Joke lang Ate, alam mo naman na ikaw ang pinaka maganda naming Ate." Natatawang ulit na sabi nila. "Mga panira kayo ng araw ko. Syempre ako lang naman ang Ate niyo." Sungit-sungitan ko'ng sabi. "Si Ate Talaga kailangan good vibes lang tayo Ate. Ikaw kaya ang maganda sa lugar natin dito. Kaya huwag nang sumimangot Ate lalo ka'ng pumapangit este maganda ka pala kapag naka smile ka." Natatawang sabi ni Ren-ren kaya inambangan ko siya ng suntok. "Mga bata kayo talaga oh pinagtulungan niyo naman ang Ate niyo. Halika na kayo uminum muna kayo ng kape para mainitan ang tiyan niyo bago maligo." Yaya ni Nanay. "Magandang umaga Nay, Tay." Bati ni Ren-ren at Ron-ron kay Nanay At Tatay. Lumapit kami kay Nanay at Tatay para mag mano. Pagkatapos nag toothbrush muna kami at maghilamos saka nag timpla ng kape si Ren-ren. "Kakain nalang tayo ng almusal total maaga pa naman. Pupunta ako ng maaga sa bukid dahil umulan kagabi at baka maraming tubig ang palayan kailangan ko'ng bawasan baka mabulok ang palay." Saad ni Tatay. Kaya kumuha na ako ng plato. Kumuha rin si Ron-ron ng kutsara at tubig. Nag sandok rin ako ng kanin at nilagay sa mesa. Bigla ako'ng nagutom sa aming ulam. Talbos ng kamote saka bagoong. Kaya naghugas na ako ng kamay at umupo sa mesa. Nang makaupo kami lahat, nag dasal muna kami para magpasalamat sa panginoon sa biyaya na aming natanggap. Pagkatapos nag-umpisa na kaming kumain. Magana kaming kumain dahil ang sarap ng ulam. "Mga anak may hot dog ako na niluto para sa baon niyo saka may baboy pa kahapon na natira pinirito ko rin para baon niyo." Saad ni Nanay. "Wow ang sarap pala ng ulam namin. Pero kahit ganito lang Nay masarap pa rin." Magiliw na sabi ni Ron-ron. "Oo nga ang sarap ng talbos ng kamote na may bagoong kaya babaon rin ako nito." Ani ko. "Anak dalaga ka na. Saka baka mag amoy bagoong ka mamaya. Hala ka wala talagang magka gusto sa iyo niyan." Pagbibiro ni Nanay. "Bahala sila Nay saka wala pa sa isip ko ang mag boyfriend. Baka paglaruan lang naman ako. Kaya mabuti pa na hindi nalang mag boyfriend. Nakita niyo nga ang nag viral na si ma'am Jessa. Sobrang kawawa, may anak na nga saka walong taon nagsasama pero iniwan pa rin. Kaya ayaw ko nalang mag boyfriend kung ganyan lang naman ang mga lalaki." Nakanguso na sabi ko. "Parang gusto ko'ng sakalin ang coastguard sa ginawa niya kay ma'am Jessa. Kung alam ko lang kung saan siya matagpuan. Sinugod ko na siya." Dagdag na sabi ko. "Hala si Ate isa lang ang sinabi ni Nanay pero parang dalawang chapter na ang sinabi mo." Kantiyaw ni Ren-ren kaya tinaasan ko siya ng aking kilay. "Tsk! Kaya kayo Ren-ren at Ron-ron kapag mag girlfriend kayo, h'wag niyong paglaruan ang mga babae. Dahil ako ang makalaban niyo, saka bawal muna tayo mag girlfriend o boyfriend habang hindi pa tayo nakapag tapos. Kailangan pa namin makapag tapos ng pag-aaral at makapag trabaho ng maayos para hindi na si Nanay at Tatay mahirapan." Saad ko. "Yes ma'am." Magkasabay na sagot ni Ren-ren at Ron-ron. "Mga anak makapag tapos lang kayo at makapag trabaho ng maayos masaya na kami ng Tatay niyo. Saka hindi naman masama mag boyfriend o girlfriend basta alam niyo ang tama at mali. At tungkol sa sinasabi mo na si Jessa baka may nakalaan talaga na tamang tao sa para sa kaniya. Hindi talaga maiwasan na may pagsubok na dumating sa buhay. Pero sa bawat pagsubok na dumating sa buhay duon natin malaman kung ano talaga ang kahulugan ng buhay ng isang tao at duon malaman ang tamang direction ng buhay mo para sa magiging maayos na buhay. Masaktan ka man pero darating ang araw na maghilom ang sakit na naranasan mo, at darating ang tuloy-tuloy na blessings sa buhay mo." Mahabang saad ni Nanay. "Wow da best Nanay in the world." Masiglang sabi naming tatlo at malakas na pumalakpak. "Kaya mahal na mahal ko ang Nanay niyo." Wika ni Tatay na may matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Mga anak bakit napunta ang usapan natin kung saan-saan. Kung tapos ma kayo kailangan niyo nang maligo para maaga kayong makarating sa eskwelahan. Langga ikaw rin para hindi pa mainit. Saka huwag mo palang kalimutan magdala ng kangkong. Isahog natin mamaya sa isda na binili ng kahapon ni Inday at Ren-ren." Bilin ni Nanay kay Tatay. "Manguha ako mamaya langga saka kapag maraming bunga ang sitaw , okra at talong magdadala rin ako." Tugon ni Tatay. "Ayos Tay, para may dadalhin ako bukas sa school." Ani ko. "O siya maligo na kayo. Ako na ang bahala maglinis ng mesa. Hindi naman mahirap kaya ako na dito." Wika ni Nanay. "Maraming salamat Nay." Pasalamat naming tatlo saka lumabas nang bahay papunta sa banyo. Ako ang naligo sa loob ng banyo habang ang dalawang kapatid ko sa puso. Mabilis lang ako'ng naligo at nagbihis na rin. Paglabas ko naka bihis na rin si Ren-ren at Ron-ron. Kaya sabay kami ulit pumasok sa bahay at dumiretso sa aming kwarto para magpalit ng uniform namin. Pagkatapos namin magpalit ng uniform, bit-bit ang aming bag pumunta na kami sa kusina para kunin ang baon namin. Binigyan rin kami ni Nanay ng tig 20 dahil malaki daw ang benta namin kahapon. Si Tatay naka-alis na kaya kay Nanay nalang kami nagpaalam papunta sa eskwelahan. Paglabas namin ng bahay, marami rin kaming kasabay na kapitbahay na naglalakad papunta eskwelahan.. Katulad ng ginagawa namin nagkukulitan lang kami sa daan hanggang sa makarating kami sa eskwelahan ni Ron-ron. Nang makapasok siya sa gate naglakad kami papunta sa aming school. "Ba-bye Ate." "Tandaan mo ang bilin ko saka ni Nanay at Tatay. Sige na aalis na rin ako." Bilin at paalam ko kay Ren-ren. "Ingat Ate, tatandaan ko lang ng sinabi niyo." Tugon ni Ren-ren. Ngumiti ako saka naglakad na papunta sa room ko. Pagdating ko sa room ang ingay ng mga classmate ko dahil wala pa ang teacher namin. Ang iba nagpapaganda. Tahimik ako'ng pumunta sa upuan ko at umupo. Wala pa si Vina na kaibigan ko. Okay naman ang mga classmate ko pero si Vina ang close ko dahil magkasundo kaming loka-loka at pareho'ng walang boyfriend. Ang mga classmate namin puro na may mga boyfriend na classmate rin namin. Ang iba ay sa ibang section. May nagpapansin naman sa amin ni Vina ngunit ekis muna sila sa amin dahil ang priority namin ay ang pag-aaral o dahil hindi pa namin nakikita ang magiging the one namin. Marami ako'ng crush pero mga napanuod ko sa K-drama. Sobrang kilig talaga ako habang nanunuod dahil pakiramdam ko ako ang bidang babae. "Hulaan ko nag de-day dreaming ka na naman sa mga lalaki mo." Nagulat ako ng bigla nalang hinaplos ni Vina ang mata ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Nakangiti ka kasi habang nakatulala. Binati kita pero parang wala kang narinig. Kaya tiyak ang mga crush mo naman na bida sa K-drama ang iniisip mo." Natatawang sabi ni Vina saka umupo sa katabi na upuan ko. "Kanina ka pa ba? Sorry hindi kita napansin. Saka may iniisip lang nuh." Pairap ko'ng sabi. "Tsk! May iniisip daw. Pero nakangiti. O baka may boyfriend ka na at hindi mo lang sinabi sa akin." Aniya habang nakataas ang kilay sa akin. Kaya inirapan ko siya. "Sira anong boyfriend ka diyan? Oo nga iniisip ko ang napanuod ko kagabi. Happy, masaya ka na?" Taray-tarayan ko'ng sabi pero nakangiti. Nag kulitan pa kaming dalawa hanggang sa dumating ang teacher namin kaya naging tahimik kaming lahat hanggang sa matapos ang klasi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD