THIRD PERSON
Mga anak puro nalang kayo trabaho. Kailan niyo kami bigyan ng Apo? Ang tanda niyo na, saka gusto ko na, may hinahabol na bata sa loob ng bahay. Kaya mga anak bigyan niyo na kami ng Apo. Mamatay nalang kami ng Daddy niyo, hindi niyo pa rin kami ma bigyan ng Apo." Pag da-drama ng Mommy ni Jerome at Jerelle. Kunwari nagpupunas pa ng kaniyang luha. Sanay na sanay na si Jerome at Jerelle sa palaging sinasabi ng kanilang Mommy kaya napangiti nalang sila.
Si Jerome at Jerelle ay kambal at isang CEO sa kanilang kompanya. 28 years old at wlaa pa'ng girlfriend dahil priority nila ang trabaho o mas tamang sabihin na hindi pa nila nakita o nakilala ang babaeng nagustuhan nila. Magka mukha talaga sila kaya kung hindi mo titingnan ang palatandaan sa kanilang dalawa hindi mo makilala kung sino si Jerome at Jerelle sa kanila. Si Jerelle ay may nunal sa gilid ng kaniyang ilong na nagpa dagdag ng kaniyang s*x appeal. Samantala si Jerome naman may nunal sa ilalalim ng kaniyang baba na bagay rin sa kaniyang gwapong mukha. Pareho silang gusto sa lahat maliban sa babae. Marami silang naka fling ngunit walang seryusong naka relasyon dahil tanging tawag lang ng laman ang kanilang gusto upang maipalabas lamang ang init sa kanilang katawan. Saka parang hindi pa nila nakita ang babaeng gusto nilang seryusuhin. Close silang dalawa saka sa kanilang Mommy at Daddy. Parang mag barkada lang sila kapag magkasama sila sa galaan o sa bahay. Pero palagi silang kinu-kulit ng kanilang Mommy na mag-asawa na sila para magka apo na siya. Gaya ngayon habang abala ang magkapatid sa pag perma ng mga papelis dumating ang kanilang Mommy sa kanilang opisina at sinabi na gusto niya ng magka apo.
"Mommy bata pa kaya kami? Nasa calendar pa ang edad namin. Saka ang lakas niyo pa kaya ni Daddy. Kaya matagal pa kayo bago kunin ni Lord." Pagbibiro ni Jerelle sa kaniyang Mommy. Malakas naman na tumawa si Jerome kaya kinurot sila ng kanilang Mommy at hinampas sa ulo. Tawa naman ng tawa ang kanilang Daddy na nakatayo sa pintuan. Nang mapagod ang kanilang Mommy sa pag kurot sa kanila, tumigil na rin ito at umupo sa sofa. Sumunod naman ang kambal at ang kanilang daddy.
"Mommy bakit ba kasi nag magmadali ka na magka apo? Wala pa nga kami makita na babae na gusto namin. Saka kung gusto mo ng baby sa bahay, bakit kaya hindi kayo gumawa ni Daddy ng kapatid namin." Pagbibiro ni Jerome kaya kinurot muli siya ng kaniyang Mommy.
"Lintik talaga kayong mga bata kayo. Alam mo naman na matanda na kami ng Daddy niyo. Saka mahina na ang tuhod ng daddy niyo. Kaya kayo nalang ang magbigay ng Apo." Wika ni ng kanilang Mommy.
"Grabi ka sweet heart. Baka gusto mo nang umuwi tayo para malaman mo kung mahina na nga ang tuhod ko. Kaya ko pa nga mag 3 rounds, ikaw lang may ayaw." Pagbibiro ng kanilang Daddy. Kaya sinamaan siya ng tingin ng kaniyang Asawa. Malakas naman na tumawa si Jerome at Jerelle.
"Isa ka pang matanda ka. Pinagtulungan niyo talaga ako porket mag-isa lang ako. Basta Jerome, Jerelle bigyan niyo na ako Apo. Kahit hindi muna kasal, basta may Apo lang ako. Saka Basta hindi higad, kahit mahirap basta matino ayos na sa akin." Pangungulit pa rin ng kanilang Mommy. Kaya napakamot nalang sila sa kanilang ulo. Dahil parang hindi na nagbibiro ang kanilang Mommy.
"Mommy kung sakaling isang babae lang ang magustuhan namin ni Jerome okay lang din ba?" Wala sa sariling tanong ni Jerelle. Dahil ang akala niya, hindi papayag ang kaniyang Mommy. Ngunit nagkatinginan sila ni Jerome sa sinabi ng kanilang Mommy.
"Kung gusto naman ng babae bakit hindi? Basta matino at sure na mahal kayo hindi dahil may pera kayo. Gusto ko Mahal kayo na walang kapalit. At mapagkatiwalaan saka alagaan kayo ng maayos." Sagot ng kanilang Mommy. Kaya napaubo silang tatlo dahil parang dispirado na talaga ang kanilang Mommy na magka apo.
*Grabi ka Mommy seryuso mo talaga? Saka hindi naman yata pwedi na dalawa kami sa isang babae. Ano nalang ang sabihin ng mga tao?" Tanong ni Jerelle.
"Basta kailangan ko ng tagapag mana kaya humanap na kayo. Dahil kapag namatay kami ng Daddy niyo na hindi niyo kami mabigyan ng Apo mumultuhin namin kayo." Pagbabanta ng kanilang Mommy.
"Ikaw lang sweet heart. Mahal ko ang mga mahal natin kaya kahit mamatay tayo na walang apo hindi ako magtatampo. Saka bakit ba na punta ang usapan sa patay? Ang lakas pa kaya natin saka maabutan pa natin ang apo natin sa tuhod. Kaya h'wag nang mag drama sweet heart. Hindi bagay at matanda ka na." Pagbibiro ng Daddy ng kambal sa kanilang Mommy. Kaya tinaasan ng kilay ng Mommy ng kambal ang kanilang Daddy.
"Sa labas ka matutulog ng isang buwan." Masungit na sabi ng Mommy ng kambal sa kanilang Daddy. Kaya biglang bawi ng kanilang Daddy.
"Mga anak narinig niyo ang sinabi ng Mommy niyo. Kailangan namin ng apo kaya bigyan niyo na kami kaagad ng Apo." Seryuso ang boses ng kanilang Daddy
"Takot naman pala. Akala namin Dad kakampi ka namin?" Pagbibiro ni Jerome.
"Kakampi nga mga anak. Pero ngayon mas kakampihan ko ang Mommy niyo ngayon. Kaya sweet heart uwi na tayo. Hayaan na natin ang mga anak natin maghanap ng magbigay sa kanila ng anak. Kahit isang babae lang ang magustuhan nila okay na okay." Malambing na sabi ng Daddy ng kambal sa kanilang Mommy halata na inuuto niya lang ito para hindi na magalit sa kanilang tatlo.
"Mabuti. Dahil kapag hindi sa labas ka matutulog at walang bembang." Sungit-sungitan na sabi ng Mommy ng kambal sa kanilang Daddy.
"Ewwww! Mommy." Magkasabay na sabi ng kambal na parang masusuka pa. Kaya pinag hampas na naman sila sa ulo ng kanilang Mommy. Malakas naman na tumawa ang kanilang daddy at niyaya na ang kaniyang Asawa na lumabas na sa opisina ng kanilang anak para umuwi.
Samantala habang papalapit si Richel sa kanilang bahay, nakita niya si Aling Minda na parang hinihintay siya. Kaya mas lalong kinabahan si Richel. Kanina habang nasa last subject sila ng klasi biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Richel na parang hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Kaya hanggang sa mag uwian parang hindi siya mapakali. Kaya nagpaalam siya kay Ren-ren na mauna nang umuwi at siya na muna ang susundo kay Ron-ron at sabay na silang umuwi.
Mabilis ang hakbang ni Richel palapit kay Aling Minda dahil parang may gusto ito'ng sabihin sa kaniya.
"Richel ang tatay mo dinala sa ospital." salubong sa kaniyang ni Aling Minda kahit hindi pa tuluyan nakalapit si Richel. Parang binuhusan ng mainit na tubig si Richel sa narinig. Nanginginig ang buong katawan niya sa balita.
"Ho, ano po Aling Minda? Anong sabi niyo? Umiiyak na tanong ni Richel. Nanginginig ang kaniyang bibig habang nagsasalita. Parang hindi pa ma propeso sa kaniyang utak ang narinig tungkol sa kaniyang Tatay. Na akala niya baka na bingi lang siya at iba ang narinig niya.
"Mabuti nga nakita siya ni Oscar. Nag araro siya ng lupa nang biglang nagwala ang gamit niyang kalabaw kaya hindi kaagad nabitawan ng Tatay mo ang kalabaw at ang araro. Kaya nadaganan siya ng kalabaw sa ulo at ang dalawang binti niya natamaan ng araro kaya dinala siya sa ospital. Kanina pa nga kita inaabangan. Ako na ang bahala sa dalawa mong kapatid. Nandun na rin ang dalawang kapatid ng Tatay mo." Balita sa kaniya ni Aling Minda. Pakiramdam ni Richel may sumabog na bomba sa kaniyang dibdib. Parang mawalan siya ng malay sa nangyari sa tatay niya.
"Tatay." Sigaw ni Richel. Hindi niya na nagawang magpasalamat at magpaalam kay Aling Minda, dahil sa takot at pag alala sa kaniyang Tatay. Mabilis siyang tumakbo kahit malayo ang ospital sa kanila. Mabuti nalang may trysikel na nag pasakay sa kaniya at hinatid siya sa ospital.