RICHEL
Nang may nangyaring aksidente kay Tatay, dalawang buwan siya sa hospital bago nakalabas. Nagpasalamat kami na ligtas na si Tatay at maraming tumulong sa amin. Pero problemado si Nanay kung paano na kami sa araw-araw at ang mga gamot ni Tatay. Na benta namin ang mga hayop at sakahan para sa hospital ni Tatay. Hindi na rin muna kami nagpatuloy sa pag-aaral ni Ren-ren dahil hindi kaya ni Nanay na alagaan si Tatay. Dahil hindi rin pwedi sa kaniya ang laging pagod at baka siya naman ang magkasakit. Ayaw rin sana ni Ron-ron mag-aral ngunit sinabi namin na magpatuloy siya at kami nalang muna ni Ren-ren ang titigil.
Hindi kasi si Tatay maka bangon dahil bali ang dalawa niyang binti. Saka hindi pa magaling ang kaniyang ulo. Kaya kailangan buhatin para makaupo. Si Ren-ren at Nanay Ang nagpa paligo kay tatay. Ako naman ang naglilinis ng higaan ni Tatay. Naawa na ako kay Nanay dahil kahit hindi niya sinasabi alam ko'ng iniisip niya kung saan kami kukuha ng pagkain namin sa araw-araw at gamot ni Tatay. Saka kailangan pa bumalik ni Tatay sa hospital para sa check-up. Nakahihiya naman kasi na aasa kami sa mga kapatid ni Tatay dahil may mga anak na rin sila. Sapat na, na tinulungan nila kami n'ong nasa hospital si Tatay.
Palagi ko si Nanay nakikita na nakatulala habang umiiyak. Hindi niya pinapakita sa amin, pero palagi ko siyang nakikita. Kaya sobrang naawa ako sa kaniya.
"Nanay, maghahanap ako ng trabaho kahit ano para makatulong Nay. Kaya huwag na kayong malungkot Nay. Kaya natin ito Nay, manalig lang tayo sa panginoon." Kausap ko kay Nanay isang gabi nang makita ko siya sa labas na tahimik na umiiyak. Ganito si Nanay gabi-gabi kapag alam niyang tulog na kami. Maingat siya na lumabas ng bahay umiyak para hindi namin siya makita.
"Anak, paano na tayo? Kayo? Anak gustuhin ko man na makapag aral kayo, pero hindi ko kaya dahil sa Tatay niyo. Pasensya mga anak kung ganito ang buhay natin. Kung wala sana ako'ng sakit, sana ako ang magtrabaho para sa inyo." Umiiyak na sabi ni Nanay. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.
"Nanay may awa sa atin ang diyos. Magtiwala lang tayo Nay, na tuluyan ng gumaling si Tatay. Saka okay lang naman kami ni Ren-ren na hindi muna mag-aral. Kung hindi ngayon, pwedi naman sa susunod na. Kaya huwag ka nang umiyak Nay, baka ikaw naman ang magkasakit. Dalawang buwan rin na wala ka'ng maayos na pahinga at tulog." Naluluha ko'ng sabi.
"Tutulong po ako bukas sa tindahan ni Aling Lita Nay. Nakausap ko siya kanina nang bumili ako ng sabon sa tindahan. 200 daw ang sahod ko at kapag Hindi maubos ang mga ulam na paninda pwedi ako magdala. Kaya ayos na iyun Nay." Dagdag na sabi ko, habang pinupunasan ko ang kaniyang luha.
"Maraming salamat anak. Napaka swerte namin ng Tatay niyo sa inyo. Na may mga anak kami na mabait at masipag. Mahal namin kayo mga anak." Umiiyak pa rin na sabi ni Nanay.
"Mahal din namin kayo ni Tatay, Nay. Halika na may, pasok na po tayo. Gabi na, saka mahamog na dito. Baka hinahanap ka na ni Tatay." Yaya ko kay Nanay. Pilit ang ngiti ni Nanay saka hinawakan ang kamay ko.
"Tara na anak, sisikapin ko na hindi ako magkasakit para hindi ako dagdag problema." Masigla na sabi ni Nanay. Kaya ngumiti ako, saka pumasok na kami ni Nanay. Pagdating namin sa kwarto nila Tatay, mahimbing ng natutulog si Nanay kaya nagpaalam na ako kay Nanay na papasok na rin sa kwarto. Pagkahiga ko sa kama, pagkatapos ko'ng magdasal. Hindi nagtagal nakatulog na rin ako kaagad.
Nagising ako na medyo tanghali na dahil napasarap ang tulog ko. Hindi ko rin narinig ang tilaok ng manok ni Tatay. Siguro kasi medyo napagod ako kahapon dahil ang Marami ako'ng nilabhan. Tinali ko muna ang buhok ko saka inayos ang higaan ko. Pagkatapos lumabas na ako ng kwarto. Napaawang ang labi at nanlaki ang mata ko ng makita ko'ng sino ang nakaupo sa maliit naming sala. Kaharap niya si Tatay na nakaupo sa wheel chair, at Nanay habang nag iyakan sila. Hindi ko nakita si Ren-ren at Ron-ron. Pinunasan ko ang aking luha dahil hindi ko rin mapigilan tumulo dahil sa scenario na nakita ko. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko tinawag si Ante Pia.
"Ante!" Malakas ko'ng sigaw. Kaya napatingin sila sa akin. Kumaway ako saka mabilis na tumakbo muna sa kusina para mag toothbrush at hilamos. Pagkatapos tumakbo ako ulit papunta sa sala at mahigpit na niyakap si Ante Pia. Siya ang kapatid ni Tatay na nag ta-trabaho sa Manila. Walang asawa si Ante kaya malaki ang tulong niya sa amin. Nagpadala nga siya ng twenty tawsan n'ong nasa hospital si Tatay.
"Ante, na-miss kita. Ante mabuti naka dalaw ka sa amin, kay Tatay. Anong oras ka dumating, bakit hindi mo ako ginising Nay." Naluluha ko'ng sabi.
"Kamusta kayo dito? Mabuti gising ka na? Kararating ko lang din."
"Pasensya at ngayon lang ako naka punta. Nasa bakasyon kasi ang mga amo ko n'ong may nangyari kay Kuya. Kaya hindi ko maiwan ang mansyon ako ang inaasahan ng mga amo ko. Saka hindi ako naka advance nuon dahil nahihiya ako dahil nasa bakasyon nga sila. Kaya twenty tawsan lang ang naipadala ko. Nang makauwi ang mga amo ko, nagpaalam ako na bisitahin ko muna kayo at sinabi ko ang nangyari kay Kuya. Kaya binigyan ako ng mga amo ko ng pera para daw itulong. Kahit na sinabi ko na advance ko nalang sana, pero bigay lang daw nila kaya hinatid ko na at para makita rin si Kuya saka kayo. Dalagang dalaga ka na, Inday. Na-miss ko kayo. Saka marami ako'ng pasalubong sa inyo. Ang sa mga pinsan mo , pinahatid ko muna kay Ren-ren at Ron-ron. Nagpa bili na rin ako sa kanila ng isda na pwedi masabawan " Umiiyak na sabi ni Ante Pia.
"Maraming salamat talaga Pia. Napaka bait mo sa amin. Sobrang nakahihiya na sa iyo." Humihikbi na sabi ni Nanay.
"Sha.....Sha....la.....mat...Pi....a..." Nau-utal at paos na sabi ni Tatay habang umiiyak rin.
"Ate sino ba ang magtutulungan kundi tayo. Malaki rin ang naitulong ni Kuya sa amin n'ong nawala ang mga magulang namin. Siya ang tumayong Nanay at Tatay namin kaya huwag ka nang mahiya Ate." Humihikbi na sabi ni Ante saka bumaling kay Tatay.
"Kuya basta magpa galing ka ha? Tutulungan ko kaya hanggang kaya ko." Saad ni Ante
Malakas ako'ng umiyak saka mahigpit ulit na yumakap kay Ante. Sobrang bait niya talaga, sobrang nakahihiya na rin dahil parang lahat ng sweldo niya na punta sa amin. Kaya kapag tumanda siya, hindi talaga namin siya pababayaan kahit anong hirap sa buhay. Nanatili muna kami nagyakapan habang may mga luha pa rin. Pinunasan ni Ante ang luha ni Tatay saka mahigpit na niyakap.
"Na-miss kita Kuya, Ikaw rin Ate." Muling sabi ni Ante.
"Ante pwedi ba mag trabaho sa amo mo? Oagkuwan na sabi ko.
"Baka kasi pwedi ako duon Ante." Muling sabi ko.
"Sigurado ka? Ang kambal na anak ng amo ko, lilipat sila sa kanilang condo. Bago ako umalis, nag-usap sila, na kapag pumayag daw ang kambal na may katulong. Papayagan sila ni Ma'am. Baka daw kasi gusto ng kambal lumipat sa condo para magdala ng babae kaya gusto ni ma'am na may bantay ang kambal. Ayaw kasi ni ma'am na pinaglaruan nila ang mga babae. Saka ayaw ni madam na magdala ang kambal ng babae kung sino-sino lang." Saad ni Ante kaya nagliwanag ang mata ko. Napatingin si Tatay na parang sinasabi na huwag na ako'ng mag trabaho. Ayaw na ayaw kasi ni Tatay na magtrabaho ako. Ayaw niya nga na magtrabaho ako sa bukid, at mag benta ng mga gulay. Pero ako lang talaga ang mapilit.
"Anak, baka hindi mo kaya ang trabaho, baka mahirapan ka anak." Wika ni Nanay na may pag-alala.
"Nay, kailangan kitang tulungan. Nakahihiya na umasa tayo sa mag kapatid ni Tatay. Oo tinutulugan nila tayo, pero may mga pinsan din ako na pinapaaral nila Nay. Kaya kakayanin ko, Nay." Saad ko habang hawak ko ang kamay nila ni Tatay.
"Ante magkano ang sahod kung sakali na mag trabaho ako duon?" Tanong ko, para malaman ko kung kasya ang sahod ko sa mga gamot ni Tatay at sa kailangan dito sa bahay.
"Ang umpisa sampong libo, pero kapag nagustuhan ng mga amo natin ang trabaho natin. Dinagdagan nila." Namilog ang mata ko sa narinig. Dahil malaki ang sahod. Kaya nakiusap ako kay Nanay at Tatay na sasama kay Ante. Sakto ang sampong libo para sa gamot ni Tatay. Libre naman ang iba dahil bigay ni Mayor.