CHAPTER SEVEN

1383 Words
RICHEL Araw ng sabado at ngayon ang alis namin ni Ante papunta ng Manila. Isang linggo nanatili si Ante sa amin dahil pinuntahan niya rin ang iba pa naming kamag-anak at gusto niya pa maalagaan si Tatay. Mabuti medyo maigalaw na ni Tatay ang kaniyang mga binti. Kumplito na rin ang pang isang buwan na gamot at vitamins ni Tatay dahil binili lahat ni Ante. Kaya hindi na namomoblema si Nanay. May binigay rin si Ante sa pera kay Nanay para raw allowance nila. Kaya sinabi ko kay Nanay na kapag maka sahod ako ipadala ko kaagad. Ayaw pa sana ni Nanay pumayag dahil baka raw mahirapan ako at baka hindi ko kaya ang trabaho. Pero sinabi ni Ante na hindi niya naman ako pababayaan. Kaya sa huli pumayag na rin si Nanay at Tatay dahil disidido talaga ako na magtrabaho para makatulong sa kanila. Saka nakausap na ni Ante ang kaniyang mga amo na may na nahanap na siya na magiging katulong ng kaniyang anak na kambal. Nag-alala lang si Nanay na baka raw hindi ko kaya ang trabaho dahil ang mga mayaman malaki ang bahay at kailangan talaga malinis na malinis. Alam ko naman ang trabaho sa loob ng bahay kaya sinabi ko na kakayanin ko. Tuturuan lang daw ako ni Ante ng de-kuryente na mga gamit. Kaya pag butihan ko ang trabaho ko para magustuhan ng mga amo ko ang trabaho ko. Dahil sinabi ni Ante na kapag nagustuhan nila ang trabaho may bunos kaagad silang binibigay. Habang nasa labas kami naghihintay ng trysikel na sasakyan namin papunta sa pantalan ng barko. Panay ang bilin ni Nanay sa akin habang nakahawak ako sa kamay ni Tatay. "Anak mag-ingat ka duon, h'wag magpaka pagod at kapag hindi mo kaya ang trabaho , sabihin mo kay Ante mo at umuwi ka dito." Bilin ni Nanay habang nangingilid ang kaniyang luha. "Ate, mag-ingat ka sa Manila. Saka ako ang bahala kay Tatay at Nanay. Alagaan ko sila at hindi ako magpa saway dito." Saad ni Ren-ren na may luha din ang kaniyang mata. "Ako rin Ate, tutulungan ko si Kuya, saka mag-aral po ako ng mabuti." Singit ni Ron-ron saka yumakap sa baywang ko. "Nay, Tay, Ron, Ren, h'wag na kayong mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko, saka hindi naman ako pabayaan ni Ante. Basta Ren ikaw na muna ang bahala kay Tatay. Kapag gumaling na si Tatay pwedi ka na mag-aral ulit. Basta tawagan niyo ako kapag mag problema dito. May cellphone ka naman na bigay ni Ante kaya tumawag ka kaagad." Bilin ko kay Ron-ron. "Ako ang bahala Ate, basag huwag mo rin pabayaan ang sarili mo duon, para hindi ka magkasakit." Tugon ni Ron-ron saka yumakap rin sa akin. Kaya yumakap rin ako sa kanilang dalawa. "Ate, Kuya, hindi ko pabayaan si Inday, parang anak ko na siya at para naman sa Inyo ang pagpunta niya sa Manila. Kaya makaasa kayo Ate na maging maayos si Inday sa Manila. Mga mabait ang amo ko at ang magiging amo ni Inday. Kada day off ko, isasama ko siya mamasyal para malibot niya ang Manila. Basta kung may problema at kailangan kayo tawagan niyo ako kaagad." "Kuya, pagaling ka ha! Ma-miss ko kayo, Kuya. H'wag kang mag-alala kay Inday. Maging maayos si Inday kasama ako." Dagdag na sabi ni Ante. Tumango si Tatay na may luha sa kaniyang mata. Kaya yumuko ako para yakapin siya. "Mag.....mag.....i..i....ingat ka sa a....anak." Mahina at nau-utal na sabi ni Tatay. "Mag-ingat ako Tay para sa inyong lahat. Mahal na mahal ko kayo Tatay. Pagaling ka kaagad Tay." Humihikbi ko'ng sabi. "Pia maraming salamat, Ikaw na ang bahala sa anak namin. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Saka maraming salamat sa lahat na tulong mo. Mag-ingat kayo sa byahe." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Nanay. "Makaasa ka Ate na hindi ko pabayaan si Inday. Mag-ingat din kayo dito." Tugon ni Ante saka yumakap kay Nanay. Nag group hug kami dahil dumating na ang trysikel na kinontak namin kahapon. "Ate ma-miss kita, Ante Ikaw rin. Mag-ingat po kayo." Wika ni Ren-ren. "Maraming salamat, Nanay ,Tatay, Ron-ron, Ren-ren. Alis na po kami." Paalam ko saka binuhat na ang bag ko'ng may mga damit ko. Kunti lang ang dinala ko dahil sabi ni Ante marami siyang damit na kasya sa kin. "Ba-bye Anak, Pia." Paalam ni Nanay. "Ba-bye Ate, Ante." Paalam ni Ren-ren at Ron-ron. Yumakap muna ako sa kanila bago kami sumakay ni Ante sa trysikel. Kumaway pa ako hanggang sa hindi ko na sila nakita. Hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha. Unang beses ko na lumayo sa kanila, pero kakayanin ko dahil para rin naman sa kanila ang pag-alis ko "Day, huwag ka nang malungkot, sa una lang iyan. Hindi naman kita pabayaan, saka magustuhan mo duon. Kada linggo magkita na naman tayo. Saka isang linggo pa tayo mag sasama dahil tuturuan pakita ng mga gagawin mo." Pagkuwan na sabi ni Ante saka pinisil ang kamay ko. "Maraming salamat Ante, medyo malungkot lang Ante dahil unang beses ko'ng lumayo sa kanila. Pero kakayanin ko Ante para gumaling si Tatay at makapag aral muli si Ron-ron. Sayang kasi varsity pa naman siya sa school kahit scholar siya, kailangan niya talaga tumigil para maalagaan si Tatay." Saad ko. "Napaka bait niyo talaga na magkapatid, kaya sobrang swerte ni Ate at Kuya sa inyo. May oras din na maging maayos ang buhay niyo. Manalig lang tayo sa panginoon, saka baka pwedi ka naman makapag-aral sa Manila. Kahit Tesda lang pwedi naman. Hayaan mo kapag medyo tumagal ka sa amo natin, sasabihin ko sa kanila na mag-aral ka, kahit night class lang. Sayang naman kasi kapag hindi mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo." Saad ni Ante, kaya nagpasalamat ako. Gustong-gusto ko rin talaga makapag tapos para maiahon ko sila Nanay sa ka hirapan at ako talaga ang mag-alaga kay Ante kapag tumanda siya, dahil wala naman siyang anak o asawa. Kung tutuusin pwedi pa naman magka pamilya si Ante dahil nasa 30 pa lang naman siya. Pero ang pagka alam ko, na bigo daw si Ante sa boyfriend niya nuon dahil niloko siya. Kaya simula nuon hindi na siya ulit nag boyfriend kahit nagkaruon naman siya ng manliligaw. Nagkwentuhan lang kami ni Ante tungkol sa trabaho niya sa Manila hanggang sa makarating kami sa pantalan. Pagkatapos ni Ante mag bayad sa driver ng trysikel, nagpasalamat kami saka pumasok na sa loob para ipakita ang ticket namin. Alas-dies pa ng umaga ang alis ng barko kaya may isang oras pa kami na hihintayin ni Ante bago makaakyat sa barko. Umupo lang muna kami ni Ante kasama ang ibang mga pasahero. Nagkwentuhan sila na para ba'ng matagal na silang nagka kilala. Tahimik lang ako sa tabi ni Ante habang nakikinig sa kanilang mga usapan. Napangiti nalang ako, dahil kung saan-saan na na punta ang kanilang usapan. Pati ang presidente at away sa Senado hindi nakaligtas sa kanila. Hindi namalayan na isang oras na pala, kaya nang mag announce na pwedi na kaming umakyat sa barko. Nagpaalam na sila sa isa't-isa. Sinukbit ko ang back pack ko at dinala rin ang bag ni Ante. Hinawakan ni Ante ang kamay ko paakyat sa barko. Nang makaakyat na kami, halos maluwa ako dahil nanibago saka natatakot ako dahil unang beses ko'ng maka sakay sa barko. "Nakakatakot pala Ante. Hindi ba ito malulunod Ante?" Inosenti ko'ng tanong. Mahina naman na tumawa si Ante at sinabi na umupo muna ako. Kaya tumabi ako sa kaniya. Dalawang araw at isang gabi ang byahe natin bago makarating sa Manila. Saka hindi ito malunod. Ganun talaga ang maramdaman mo kapag unang beses maka sakay sa barko. Unang beses ko sumakay nuon, hindi nga ako umalis sa higaan ko dahil natatakot rin ako. Lalo na kapag malaki ang alon dahil parang parang sumasayaw ang barko. Pero kapag masanay ka na, parang bahay lang din ang barko." Paliwanag ni Ante. Kaya kahit natatakot ako, tumango nalang ako. Dalawang oras ang hinintay namin bago tuluyan umalis ang barko papunta sa Manila. "Papa Jesus, Ikaw na ho ang bahala sa akin, sa amin ni Ante at sa pamilya na naiwan ko dito. Maraming salamat po, sana ligtas kami ni Ante na makarating sa aming pupuntahan." Lihim na panalangin ko. Nakatanaw lang ako sa dagat habang iniisip kung ano ang magiging kapalaran ko sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD