RICHEL
Pagkatapos ng dalawang araw at isang gabi namin ni Ante sa barko, sa wakas nakarating na rin kami sa Manila. Inayos namin ni Ante ang mga gamit namin saka hawak kamay kaming bumaba ng barko. Sobrang ingay at siksikan ang mga tao. Hindi lang pasahero kundi may mga tao rin na nakaabang sa barko para kunin ang dala ng mga pasahero. Ang baho ng amoy ng basura, usok ng sasakyan. Nag sisigawan na parang naghahamon ng away. Kumapit ako ng mahigpit kay Ante dahil nakakatakot ang mga tao na nakahubad at maraming tattoo sa katawan. May mga bata din na parang walang ligo at nakahubad rin sila. Ang akala ko maganda ang Manila ngunit hindi pala. Iba kasi ang napanuod ko sa tv. Malaki at mataas na mga building. Malaking mga mall at maraming magandang pasyalan. Pero ito sobra pa pala sa probinsya namin.
"Ante ganito ba talaga sa Manila? Akala ko maganda ang Manila, Ante?" Tanong ko kay Ante nang hindi na ako makatiis. Naisip ko kasi kung bakit nagtagal si Ante dito kung ganito pala ang Manila. Saka naisip ko na baka ang napanuod ko sa tv. Sa ibang lugar pala hindi sa Manila.
"Hindi naman lahat ganito ang Lugar sa Manila, Day. Ganito kasi dito dahil nga daungan ng barko. Kaya siksikan at maraming tao na nag ta-trabaho. Sa gilid lang din ang kanilang mga bahay kaya may maga bata. Sanay na sila sa ganitong buhay. Sa lugar ng mga amo ko, hindi naman ganito. Dahil subdivision at puro mga mayaman ang nakatira. Dito halo-halo ang tao, may mayaman, mahirap at magnanakaw. Kaya higpitan mo ang hawak mo sa bag mo. Baka magulat ka nalang na may bigla nalang kumuha." Bilin ni Ante. Kaya niyakap ko ng mahigpit ang bag ko. Kahit wala naman ako'ng pera, pero nasa loob ng bag ko ang mga picture ng pamilya ko. Nang tuluyan na kaming makalabas sa barko. Mahigpit pa rin ang hawak ko kay Ante papunta sa labas dahil nandun na raw naghihintay ang sundo namin.
"Iyun ang sasakyan natin Day." Turo ni Ante sa isang pula na sasakyan. Kumikinang pa dahil nasisikatan ng araw. Bagong bago at ang ganda. Kaya namilog ang mata ko, saka mabilis ang hakbang ko papunta sa saksakyan. Nang nasa malapit na kami, parang hindi ako makapaniwala na maka sakay ako sa napaka gandang sasakyan. Pangarap ko naman talaga na maging mayaman para magkaruon ng malaking bahay at sasakyan. Pero ngayon sa pag tong-tong ko ng Manila hindi ako makapaniwala na makasakay ako kaagad sa ganitong sasakyan. Ang akala ko trysikel pa rin ang sasakyan namin ni Ante.
"Wow Ante, totoo? Ito talaga ang sasakyan natin? Grabi parang naging instant mayaman tayo, Ante." Mangha ko'ng sabi. Ang ganda at gara kasi ng sasakyan. May driver pa, saka parang social na social ang dating namin ni Ante. Hindi ko alam kung anong klasing sasakyan pero napanuod ko na rin ito sa tv. Iyung sasakyan ng mga artista.
"Sasakyan ng amo ko, Day. Kaya ganyan talaga ang mga sasakyan nila. Marami nga sila na iba't ibang uri ng sasakyan. Makikita mo mamaya pagdating natin sa mansyon. Kaya halika na, pumasok na tayo para makauwi na at makapag pahinga. Hindi ko alam kung nandun ang kambal sa bahay. Kaya tara na." Yaya ni Ante. Kaya malawak ang ngiti ko na tumango. Binuksan ni Ante ang isang pinto sa likod at pinapasok ako. Si Ante naman tumabi sa driver. Pagpasok namin, nakangiti ako na binati ang driver. Ningitian niya rin ako saka tumingin kay Ante. Pero nakita ko na inirapan ni Ante ang driver.
"Hello may labs, na miss kita. Siya ba ang sinasabi mo na pamangkin na maging katulong ng kambal?" Tanong ni Kuya Driver.
"H'wag mo ako'ng matawag na may labs may labs, saka kanino mo naman nalaman na siya ang maging katulong ng alaga ko?" Singhal ni Ante jay Kuya Driver
"Grabi ka may labs, galit kaagad?" Natatawang sabi ni Kuya driver. Pero hindi na siya pinansin ni Ante. Hindi ako pinakilala ni Ante kaya ako na ang kusang nagpakilala sa sarili ko.
"Tsk mag drive ka na nga ang dami mo'ng sinasabi." Singhal ulit ni Ante. Pagkatapos lumingon si Ante sa akin para sabihin na ikabit ko na ang seatbelt sa katawan ko. Kaya ngumiti ako saka tumango.
"Hello po Kuya, ako si Richel po. Pamangkin ni Ante." Pakilala ko.
"Hello Richel, kamusta? Ako naman si Goryo, Gregorio talaga ang pangalan ko pero Goryo ang tawag sa akin. Mabuti sumama ka kay may labs." Magiliw na sabi ni Kuya Goryo. Parang ang cool niya kausap. Dahil kahit kinurot siya si Ante sa kamay, ngumiti lang siya.
"Inday naman pala ang tawag sa akin. Girlfriend mo ba si Ante." Inosenti ko'ng tanong dahil may labs ang tawag niya kay Ante. Malakas na napaubo si Ante at tumingin sa akin. Tumawa naman si Kuya Goryo.
"Pakipot si may labs, kaya ayaw niya pa ako'ng sagutin. Pero nagseselos naman." Natatawang sagot ni Kuya driver.
"G*go." Sigaw ni Ante. Tawang-tawa naman si Kuya Goryo saka pina-andar na ang sasakyan. Lihim din ako'ng napangiti dahil parang magka love life din pala si Ante. Dahil isa ako'ng makulit at parang magaan kausap si Kuya. Muli ko siyang tinanong. Habang nasa byahe na kami.
"Kuya pwedi ba na Angkol nalang ang itawag ko sa iyo? Kasi Ante ko naman si Ante Pia." Nakangiti ko'ng sabi.
"Ok na okay Day. Gusto mo ba ako para sa Ante mo?" Pa ngiti-ngiti na tanong ni Kuya Goryo.
"Oo naman po, kung gusto ka ni Ante." Nakangiti ko'ng sagot.
"Hoy, Goryo mag drive ka nalang at tumahimik. Inday hindi ko siya boyfriend."
"Inday h'wag mo'ng pansinin ang manloloko na ito. Sinabi niya na ligawan niya raw ako, tapos may ka date din na ibang babae. Kaya manloloko ito at laging may reserba." Saad ni Ante.
"Grabi ka may labs. Seryuso ako sa iyo at hindi kita kayang lokohin. Ang nakita mo nuon, nagkataon lang talaga iyun na, nadapa ang babae sa harapan ko. Kaya sinalo ko siya. Kaya napahawak siya sa leeg ko at ako naman sa baywang niya. Pero walang malisya iyun." Paliwanag ni Kuya Goryo.
"Sa baranggay ka na magpaliwanag." Tugon ni Ante. Saka tumingin sa labas ng bintana. Lihim ako'ng napangiti nang napahawak si Kuya Goryo sa kaniyang batok at tumingin sa akin sa salamin ng sasakyan. Kaya ningitian ko siya. Naging tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Namilog ang mga mata ko sa mga nadaanan namin na mga malaki at mataas na building. Maraming mataas din na billboard sa daan. Kaya siguro ito ang mga napanuod ko sa tv. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi at kislap ng aking mga mata sa mga nakikita.
"Grabi Ante, ang ganda pala ng Manila. Ito ang mga building na napanuod ko sa Tv. Dati sa tv ko lang ito mga napanuod. Ngayon, nakikita ko na sa personal." Inosenti ko'ng sabi habang nakatingin pa rin sa labas.
"Iyan ang sinasabi ko Inday. Hayaan mo kapag mag day off ako, isasama kita mamasyal sa mga magandang pasyalan dito." Saad ni Ante.
"Ako ang driver niyo." Singit ni Kuya Goryo.
"Maraming taxi." Sagot ni Ante. Kaya tumahimik nalang si Kuya Goryo. Naging tahimik muli kami hanggang sa lumiko si Kuya Goryo sa malaki at mataas na gate. Tapos huminto siya sa may maliit na parang bahay na may nakatayo na security guard. Binaba ni Kuya Goryo ang salamin ng bintana sa ng sasakyan at kumaway sa security guard. Tinaas ng security guard ang kaniyang kamay hudyat na pwedi nang maka-alis si Kuya Goryo.
"Grabi Ante, ganito ba talaga dito kapag pumasok? Saka bakit may security guard Ante?" Inosenti ko'ng tanong dahil wala naman ganito sa probinsya.
"Ganun talaga kapag sa subdivision papasok Day. Fully secured lahat dahil mga mayaman ang nakatira. Mga pulitiko, business ma, artista lamang ang mga nakatira dito. Kaya bawat pasok at labas ng sasakyan kailangan nilang tingnan para sa seguridad." Paliwanag ni Ante. Kaya napatango nalang ako at tinuon nalang ang mga mata ko sa magandang tanawin sa labas.