Simula
SIMULA
It's my own choice to live with my ex boyfriend.
That's the only solution dahil, pinalayas na ako ng teller sa tinitiran kong apartment dahil hindi pa ako nakakabayad ng upa.
Hindi ako pwedeng umuwi sa amin dahil nandito ang trabaho ko. Kung sa bahay pa ako titira kaylangan kong gumising ng maaga para lang makarating sa pinagtatrabahuan ko. It will take three hours papunta sa opisina kung sa bahay namin ako titira.
Yung ngayon kasi kalahating oras lang nandoon na ako. Hindi pa gaanong matraffic.
Baka yung pagiging late ko pa ang maging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho kung sakaling sa amin ako titira. Kaylangan ko pa naman ng pera ngayon dahil ako ang nagpapaaral sa dalawa kong kapatid, high school na yung pangalawa at elementary namin yunh bunso kong kapatid.
Kaya desidido na akong titira ako sa bahay ng ex boyfriend ko dahil yoon lang ang malapit sa pinagtatrabahuan ko.
Kaya ako eto, nasa harap ng isang napakalaking building, Hunter's Hotel na siya mismo ang nagpatayo niyan without his parents help. Ang yaman niya talaga! Bakit ba kasi kita pinakawalan. Sana nagdalawang isip muna ako at pinakinggan ang paliwanag mo, edi kasal na sana tayo ngayon at may anak na.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng hotel. Pumunta ako sa reception area para tanungin kung anong floor at room ni Eli.
"May i know your name ma'am? Tatawagan ko po kasi siya para sabihin na may bisita po siya ngayon." Tanong sa akin nung receptionist nung tinanong ko na sa kanya kung saan ang room ni Eli.
"Uh...Pwede bang wag mo ng sabihin. Alam naman na niya." Palusot ko dito na sana maniwala.
"Hindi po pwede ma'am eh. Kaylangan po kasi namin na makasigurado na alam niya po na may bisita siyang darating." Sabi ulit ng receptionist.
"Alam naman niya eh." Sabi ko dito.
"Sorry po talaga ma'am, hindi po talaga pwede."Nanlumo naman ako dahil sa sinabi niya. Hays. Saan na ako titira nito?
Umupo muna ako sa waiting area nila at nagiisip kung paano makakaakyat sa room ni Eli. Bakit kasi hindi ko alam yung floor at room niya eh!
Bigla akong nagkaroon ng pagasa ng maalala may contact number nga pala ako ng isa niyang kaibigan. Siguro naman alam niya yung room ni eli. I took my phone from my bag and search for paulo's contact number. When i saw his number i click it and i started to constract a massage.
To: Paulo
Hai! Sorry sa istorbo, may gusto lang sana akong tanungin kung pwede. I'm here at hunter's hotel, do you know what floor and room eli is?
After i typed i sent it to him. Paulo Alvares is Eli's bestfriend for a long time. How do i know? Because i am Eli's long time girlfriend that time.
I look at my phone every seconds waiting for paulo to reply.
When my phone vibrates, i open the massage fast.
From: Paulo
10th. Only his room in that floor. By the way, why are you asking? Makikipagbalikan ka ba?
I replyed "no" to his question before i put my cellphone on my bag.
Naglakad na ako papunta sa elevator. Kinakabahan ako, kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling makikita niya ako.
Pinindot ko ang 10th floor ng makapasok na ako sa elevator. Kinakabahan talaga ako na parang anytime gusto ko na lang mag back out.
Nang tumunog at huminto ang elevator sa 10th floor ay lumabas na ako. Kahit kinakabahan kaylangan ko paring gawin. Dahil siya lang naman ang pwede kong puntahan dahil malayo din ang iba kong kaibigan sa pinagtatrabahuan ko. Mas malapit ang Hotel nila sa pinagtatrabahuan ko kaya ako nakapag desisyon na sa kanya lumapit para tumira pansamantala.
Nang nasa harap na ako ng pintuan ng room ni Eli, nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba itong binabalak ko o hindi na. Pero iniisip ko, saan naman ako pwedeng tumira na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko? Si Eli lang naman kilala ko na malapit.
Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa doorbell. Dahan dahan kong inilapit yung daliri ko para pindutin yung doorbell. Kinakabahan talaga ako! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling makita ko na siya ngayon.
Mabilis namang bumukas ang pinto at nakita ko kaagad si Eli na bagong ligo at naka white t shirt at boxers lang siya habang nagpupunas ng buhok niya gamit ang twalya.
Ang laki ng pinagbago niya simula nung naghiwalay kami. Mas tumangkad siya at nagbuild talaga ang katawan at muscles niya.
"Uh...He-hello" nauuntal kong bati dito. Hindi ako makatingin sa kanya. Bakit kasi ang gwapo niya! Dapat tung mga gantong tao hindi na pinapakawalan. Tanga ko kasi, bakit ko pa siya pinakawalan!
His face went blank when he saw me.
"What do you want?" He asked, still giving me that blank look.
"Uhm..." Bakit hindi ko masabi! Bakit ako pinangungunagan ng kaba?! Ganto ba talaga yung mararamdaman kapag nakaharap ko na yung ex boyfriend ko. Lalo na ako pa yung nakipaghiwalay at ngayon ako pa ang may kaylangan sa kanya. Mukha tuloy akong naghahabol.
"Ano... K-ka-si.. Ah.... ka-si..." bakit ako nauutal?! Pinractice ko na to kanina, kaya dapat hindi ako nagkakaganto.
"What? I still have an unfinished work! Don't waste my time Sophia Alexis!" he said, his facial expression change into anger.
This is the first time i saw him with so much anger in his eyes. Talagang malaki ang galit niya sa akin.
"Pwedebaakongtumirasayo?" There you go i said. sana naman naintindihan niya. Kinakabahan talaga ako na natatakot sa kanya.
"What? Can you make it slow?! I don't understand you." He said forehead creased because he didn't understand what i was saying.
Huminga ako ng malalim bago ulit ulitin yung sinabi ko ng mas maayos kaysa kanina.
"Pwede ba akong tumira sayo?"
04-22-19