Kabanata 3

1094 Words
Kabanta 3 "Dito ka titira. Hindi ka pwede sa condo ko dahil baka pakielaman mo lahat ng mga gamit ko." sabi niya pagka baba namin ng kotse niya. Pagkatapos namin kumain kanina, iniwan niya muna ako saglit sa loob ng restaurant. Noong una ayaw ko pa kasi hindi pa nababayaran yung mga pinagkakakain namin. Baka kasi takasan ako ni Eli at ako ang magbabayad. Wala pa naman akong pambayad. Biro mo umabot lang naman ng seven thousand six hundred peses lahat ng binili niyang pagkain! Halos pang limang buwang upa ko na rin yon. "Hindi naman ako pakielamera. Tsaka marunong akong lumugar." Sabi ko sa kanya. "I know you Sophia Alexis! Kahit saang bahay ka tumira o pumunta, hindi ka aalis ng walang nahahawakan o nababasag na bagay." sabi niya. "Hindi naman. Talagang na curious lang ako noon sa naka display na kakaibang klaseng vase doon sa bahay ng kaibigan mo." Sabi ko sa kanya. "Nabasag mo pa din." he said bago pumasok sa loob ng napakalaking mansiyon. Oo mansiyon talaga dahil pagpasok ko pa lang napakalaki na agad ng sala niya. Pumunta agad ako sa sofa at umupo. Wow! ang lambot naman ng sofa niya. Humiga pa ako para maramdaman ko kung gaano kalambot at kasarap yung sofa niya. Grabe, ito palang ang sarap ng matulog, paano na lang yung tutulugan ko? Edi mas malambot pa dito. "Ang lambot ng sofa mo dito." Sabi ko sa kanya. Nakahiga pa din ako. Dinadamdam ang lambot ng sofa. "Tsk! Lumayas ka diyan! Hindi pa nalilinis yan. Puro alikabok lahat ng gamit dito pati ang mga kwarto." sabi niya. "Edi ipalinis mo na! Dito ako titira tapos puro alikabok? Pag ako nagkasakit ng Asthma, ipapakulong kita." sabi ko sa kanya. Bumango na ako mula sa pagkakahiga. "That's way you are here. Sayo ko ipapalinis itong buhay bahay. Your first task as my slave, clean my whole house." Sabi niya na ikinanganga ko. "WHAAAT! Ipapalinis mo talaga sa akin itong buong bahay mo?" reklamo ko dito. "Bakit? Do you have a problem with that? If there is, the door is widely open, you can go." he simply said, tinuro niya pa yung pintuan. "Okay! Fine! Oo na! Lilinisin ko na po MASTER itong buong bahay niyo po MASTER!" Sarcastikong sabi ko. "Then, Good! You can start now, i'll only giving you three hours to clean this whole house. When i come back kaylangan wala na akong makitang alikabok sa buong bahay ko." sabi niya bago lumabas ng bahay. Argh!!!!! Tatlong oras? Sa laki ng bahay niya, tatlong oras lang ang ibibigay niya sa akin? Mabuti sana kung my katulong! Pero Wala! Ako lang magisa ang maglilinis nitong bahay! Padabog akong umakyat sa taas, para mailagay na ang gamit ko sa kwarto. Uunahin ko na muna siguro yung magiging kwarto ko bago yung sala. Pag akyat ko sa taas may apat na kwarto ang nandoon. Una kong pinuntahan yung malapit lapit lang sa hagdanan. Dahan dahan ko binuksan yung pintuan kahit alam ko naman na walang tao sa loob. Sinilip ko kung ano yung nasa loob, May dalawang higaan, siguro guest room yon. Pinuntahan ko naman yung sumunod na kwarto, Sinilip ko yung nasa loob, Puro libro, siguro study room yan ni Eli. Minsan nga makapasok diyan. Wala naman sa rules na bawal ang pumasok sa study room niya eh. Sunod kong pinuntahan ang katapat na kwarto nung study room. Binuksan ko yun at sinilip kung ano ang nasa loob. Black and White ang tema ng kwartong ito, siguro kwarto ito ni Eli. Sinarado ko na ulit. Pinuntahan ko naman yung katabing kwarto ni Eli, Pagbukas ko, Plain White Color lang ang tema ng kwarto at my isang queen size bed at study table, ito na siguro yung akin. Pumasok na ako sa loob at binaba lahat ng gamit ko. Pumunta ako sa kama ko at humiga. Tama nga ako, mas malambot ang kamang ito. Siguro masarap mag-ano dito. You know. Tapos kaming dalawa ni Eli. Umiling ako dahil sa kapilyuhang naisip ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko at halatang maraming alikabok, siguro dahil sa hindi na nagagamit. Hindi pa ako nagsisimulang maglinis, pagod na kaagad ako. Gusto ko na lang matulog magdamag. Kaso hindi pwede dahil baka mamaya kapag naabutan niya akong natutulog at hindi pa nalilinis yung kanyang bahay, mapalayas na kaagad ako dito. Bumangon na ako para simulan na ang paglilinis. Kinuha ko yung isang bag ko dahil magpapalit ako ng mas komportableng damit. Pumunta ako sa banya para doon na magpalit. Isang plain white t shirt na medyo manipis na at isang sport short na nasa mid thigh ko lang. Paglabas ko ng banyo tinali ko na yung buhok ko into messy bun. Huminga muna ako ng malalim bago simulan ang paglilinis. Kumuha ako ng basahan para punasan yung side table ko, and daming alikabok. inipon niya siguro ito ng isang dekada. Isang punas ko palang ang dumi na kaagad ng basahan. Paano pa sa sala. Pagkatapos kong punasan lahat ng kaylangang punasan sinunod ko naman yung kama ko, pinalitan ko ng cover at conferter. Sunod kong ginawa, inalis ko lahat ng laman ng bag ko at inayos na ito sa dapat nilang kalagyan. Nang matapos ko ng malinis at maayos ang kwarto ko, bumaba na ako para isunod yung sala. Kahit pagod na ako kaylangan pading linisin lahat. Kapag tinitignan ko ang buong bahay niya konti na lang, susuko na ako sa pagod. Meron na lamang akong dalawang oras para maglinis, umabot ako ng isang oras kakalinis ng kwarto ko, syempre ayoko naman ng maduming kwarto gusto kong lahat malinis. Walang kalat alikabok na makikita. Ang hirap linisin ng sala ni Eli ng ako lang magisa dahil kaylangan ko pang buhatin yung ibang gamit para lang matanggal yung alikabok. Kung alam ko lang na ganito, ipapalinis niya sa akin ang buong bahay, sana di nalang ako pumayag. pero saan naman ako titira kung hindi ako papayag diba? Konti na lang malapit ko ng matapos linisin yung napakalaking sala niya, isusunod ko na yung dinning niya. Binubuhat ko na yung mga dapat ibalik sa kanilang pwesto dahil baka mapagalitan pa ako at di ko sinusunod yung rules niya. Nang matapos na ako, sinunod ko na agad yung dinning, pinunasan ko na lahat ng dapat punasan. Pati lahat ng kaylangang linisin nilinis ko na. Malapit na akong matapos sa buong bahay ni Eli. Meron pa akong fifteen minutes. Siguro magdidilig na lang ako ng halaman. Mas okay na yung magdilig ng halaman kaysa sa makita niya akong nakahiga at nagpapahinga. 04-26-19
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD