Chapter #1: Unang Pagtatagpo
Lexi's POV
Ako si Lexi Thompson, 28 years old, ikalawang anak nina Elisa at Ricky Thompson. Ang pamilya namin ay pang-lima sa pinakamayaman sa buong mundo. Lahat ng gusto ko ay nagagawa ko. Mayroon akong boyfriend, na siya namang pangatlo sa pinakamayamang tao sa mundo. Ngunit nalaman kong niloloko niya ako, kaya nagpaplano akong makipaghiwalay sa kanya.
Habang nilalanghap ko ang sariwang hangin at pinagmamasdan ang karagatan, biglang may humawak sa akin at may bumulong, "Babe, halika na at bumalik na tayo sa tinutuluyan natin."
Nagtaka ako. "Babe?" Mabilis akong humarap sa nagsalita, at laking gulat ko nang makita ko ang isang napakagandang babae. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, at unti-unting bumabaw ang agwat namin. Ramdam ko na ang kanyang hininga—at palapit pa nang palapit...
BOOM!
"Araaay!" Sigaw ko sa sakit ng aking pagbagsak. Kasabay noon, tamang-tama namang pumasok ang nakatatanda kong kapatid upang gisingin ako.
"HAHAHA! Anong nangyari sa'yo at bumagsak ka?" tanong ni Lara, ang ate ko.
Sa sobrang sakit ng likod ko, natagalan akong bumangon. Tinulungan ako ni Ate Lara, pero hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano siya magre-react kung malalaman niyang ang napanaginipan ko ay isang babae—isang babae na muntik ko nang halikan.
Hindi kasi alam ng pamilya ko na bisexual ako. Oo, may boyfriend ako, pero balak ko na siyang hiwalayan dahil nakita ko mismo na niloloko niya ako.
"Malapit mo nang...?" Tanong ni Ate Lara. "Uh... nakalimutan ko na. Sa pagbagsak ko pa lang, nawala na sa isip ko!" Sagot ko na may kasamang tawa. "O siya, bumaba ka na at kumain na tayo." Ani Ate Lara. "Okay, Ate. Susunod na ako. Maghihilamos muna ako." Mabilis akong naghilamos at bumaba na.
"Good morning, Dad! Good morning, Mom!" sabay halik at yakap sa kanila. "Oh, kumain ka na muna, anak, bago ka pumasok sa opisina," sabi ni Mommy. "Okay po, Mom." Tahimik kaming kumakain nang biglang tanungin ako ni Daddy. "Oh, anak, kailan ba ang kasal ninyo ni Michael?" Nabulunan ako sa tanong niya. "Dad naman, bakit mo tinanong 'yan? Nabulunan tuloy ako!" Natawa ang Daddy ko. "Anak, nasa tamang edad ka na. Kailan mo ba kami bibigyan ng apo?"
Kung alam lang nila... Kung alam lang nila na ang hinahangaan nilang boyfriend ko ay isang manloloko. Hindi ko pa ito masabi dahil matalik na magkaibigan ang aming mga pamilya, at kasosyo rin sila sa negosyo. Ayaw kong masira ang pinaghirapan ng mga magulang ko.
"Dad, bigyan mo ako ng panahon para makapag-isip."
"Bakit ka pa mag-iisip? Mabait naman si Michael, masipag, at wala ka nang hahanapin pa." Sagot ni Daddy, tila ipinagmamalaki ang boyfriend ko. "Dad, please, huwag ngayon."
Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang malaman kong niloloko ako ni Michael. Lagi siyang busy at hindi ako pinapansin, kaya nagdesisyon akong puntahan siya sa opisina. Doon, nakita ko mismo kung paano niya hinahalikan ang kanyang secretary.
Totoo, minahal ko siya. Kaya masakit.
Pero kailangan ko nang lumayo. "May problema ba kayo ni Michael?" Tanong ni Daddy. Gusto ko na sanang sabihin, pero mas mabuting makipaghiwalay muna ako bago ipaalam sa kanila.
"Wala, Dad. Busy lang po talaga kami ngayon." Pagsisinungaling ko. "O siya, sige. Kumain ka na muna diyan." Habang kumakain, bigla kong naalala ang napakagandang babaeng napanaginipan ko...
Pagkatapos kumain, nag-ayos na ako para umalis. "Dad, Mom, alis na po ako!"
"Sige, anak, mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"Umalis na ba si Ate Lara?"
"Oo, nauna na siya. Susunduin niya ang boyfriend niyang si Alex." Si Alex ay panganay ng pamilyang Hermes—ika-apat na pinakamayamang pamilya sa mundo. Napakaswerte ng ate ko. Kahit gaano ka-busy ang boyfriend niya, lagi pa rin nitong ipinapakita kung gaano niya ito kamahal.
Minsan, naiinggit ako. May ganun pa kayang tao para sa akin? "Okay, Dad! Mom! Alis na po ako, bye!" Sabay halik sa kanila bago ako umalis.
Sa Java Junction Café
Habang nagmamaneho, dumaan muna ako sa Java Junction para magkape. Tamang-tama, nakita ko ang bestfriend kong si Sofia na papasok sa café.
"Sofia! Wait!" Tawag ko. Dali-dali rin siyang pumasok, at nagyakapan kami. "Good morning to you too, my bestfriend," sarkastikong sabi niya, sabay tawa. "Kung makatawag ka naman sa akin, parang iniiwan kita!"
Hinampas ko siya, at nagtawanan lang kami. Lumapit kami sa counter at umorder ako. "Isang matcha latte for me at isang cappuccino for my friend, please." Biglang tumingin ang cashier at ngumiti. "Isang Matcha Latte—$3.00. Isang Cappuccino—$2.50. Lahat ay $5.50, Ma’am." Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa cashier. "$5.50 lahat, Babe," aniya, sabay ngiti. Nagulat ako. "Ohh, sorry!" Mabilis kong inabot ang bayad, namumula na ako. Nang maghanap kami ng upuan, muling tumingin ako sa cashier. Kumindat siya sa akin. Biglang tumibok ang puso ko nang hindi ko maipaliwanag.
"What… what was that?" Tanong ni Sofia, natatawa. "Whaaaat?!" Nagkunwari akong wala akong alam. "Don’t ‘what what’ me, Lexi! Do you like her? Alam mo namang tanggap kita, kahit sino pa ang magustuhan mo. You deserve to be happy. At halatang-halata na nilalandi ka niya!"
"Kumukuha lang talaga ako ng tamang timing kung paano ko hihiwalayan si Michael. Alam mo naman kung bakit." Totoo. Sinubukan kong mahalin ang lalaki. Pero lagi akong niloloko. At ngayon... may kakaibang nararamdaman ako para sa babaeng iyon.
Evie’s POV
Ako si Evie Smith, 31 years old, ikatlong anak nina Lyka at Richard Smith isang kilalang mayaman. Isa akong independent woman na mahilig mag-travel minsan, pero hindi maiiwasang makahanap ng gulo o minsan ay lapitan ng gulo. Pinalaki ako nang malayo sa mata ng media dahil gusto ng mga magulang ko na magkaroon ako ng tahimik at malayang buhay saan man ako magpunta.
"B***h, gumising ka na diyan at malelate na naman tayo nito!" sigaw ni Kris sa akin. "Five more minutes, b***h," sagot ko, sabay talukbong ng kumot. Pero bigla akong hinampas ng unan ni Kris. "Kanina pa 'yang five more minutes mo! Gigising ka ba o hindi? Gusto mong kaladkarin kita diyan sa hinihigaan mo?" pananakot niya.
"Aaaah! Hito na! Para ka namang mama ko!" sagot ko habang bumangon na rin. "Bilisan mo na at kakain na tayo!" sabi niya bago bumaba. Nagmadali akong maligo, at pagbaba ko ay sumigaw na naman si Kris. "Bilisan mo! Ang bagal mo!" Tumawa na lang ako. "Oo na! Ang ingay mo!" sabay hagikgik naming dalawa.
Magkaibigan kami ni Kris mula pa noong college. Pareho kaming nangungupahan noon, kaya doon kami naging close at kalaunan ay naging best friends. Pagkatapos naming makapagtapos, nagpasya si Kris na umuwi muna sa kanila. Lumipas ang dalawang taon bago siya bumalik sa New York, at simula noon ay nagsama ulit kami sa isang apartment at parang magkapatid na talaga kami.
Habang nagmamaneho si Kris, tinanong niya ako, "Bakit hindi ko nakikita ang mga magulang mo?" Napatingin ako sa kanya. "Sasabihin ko na nga mamaya sa iyo, pero naunahan mo lang ako. Mamaya, pagkatapos ng trabaho natin, sasabihin ko na sa 'yo ang lahat-lahat."
Pagdating namin sa Java Junction, kung saan kami nagtatrabaho, napabuntong-hininga si Kris. "Buti na lang at nakahabol tayo. Lagi na lang tayong late! Baka matanggal na tayo nito, eh."
"HAHAHA!" Tumawa lang ako, kaya hinampas ako ni Kris. "Sorry! Huwag kang mag-alala, hindi tayo matatanggal. Sinisigurado ko sa iyo," sagot ko sabay kindat, saka kami pumasok.
"Evie, ikaw muna sa cashier. Wala kasi si Ella," sabi ni Mika. "Okay, walang problema." Habang inaayos ko ang counter, narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pa iyon pinansin. Maya-maya ay may nagsalita. "Isang matcha latte for me and isang cappuccino for my friend, please." Napatingin ako sa customer at agad akong ngumiti. "Isang matcha, $3.00, at cappuccino, $2.50. So, $5.50 po lahat, Ma'am." Tahimik lang siyang nakatitig sa akin at hindi sumagot. Kaya inulit ko, "$5.50 lahat... Babe!" sabay matamis na ngiti. Napatawa ang kaibigan ng customer, kaya natauhan ang babae. "Ohh, sorry," sagot niya at inabot ang bayad. Bago siya umalis, tumingin muna siya sa akin at ngumiti. Muli akong kumindat. "She’s interesting," pabulong kong sabi sa sarili.
"Do you like her?" tanong ni Kris sa akin. Ngumiti ako nang pilyo. "She’s interesting."
"But you don’t have a chance, Evie. May nobyo na ‘yan," paalala ni Kris. "Ohh, okay," sagot ko bago ihatid ang order ng dalawa. "Cappuccino for my friend and matcha latte for you, Babe." Sabay kindat ko kay Lexi. Tiningnan niya ang name tag ko bago ngumiti. "Thanks, Evie, my friend."
"Walang anuman…" Saglit akong nag-isip bago ipinakilala ang sarili ko. "Ako nga pala si Evie, at ikaw?"
"Ako si Sofia, at siya naman si Lexi—my best friend," sagot niya sabay lahad ng kamay.
Nakipagkamay ako kay Sofia at saka kay Lexi. "Nice to know your name, Babe," sabi ko kay Lexi sabay matamis na ngiti. "See you around, Babe." Bumalik ako sa counter habang pinagmamasdan silang lumabas. Bago tuluyang lumabas ang dalawa, lumingon sila at kumaway. Kumaway rin ako pabalik at kinindatan ko si Lexi bago sila umalis.
"Evie, pinapatawag ka ng boss natin," sabi ni Mika.
"Okay, andiyan na."