Ricky’s POV
Bago pa ako tumapak sa harap ng pintuan ng anak kong si Lexi, malalim na akong huminga. Mabigat sa dibdib ang damdaming hindi ko agad maintindihan hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pag-aalala.
Alam kong bumalik na si Evie nagkabalikan na Sila. At kahit hindi naging madali ang mga nakaraan, may isang bagay akong sigurado, minahal siya ni Lexi nang totoo. Nakita ko Ang anak ko kung Pano naging meserable ang buhay nang hihiwalayan nito si Evie, pero Wala akong nagawa dahil sa takot dahil alam ko kung Anong kayang gawin ni Michael sa anak ko. Pero ngayon babawi na ako ang laki na Ng utang ko sa anak ko si Lexi.
Kumatok ako. Isang beses, Dalawa, Tapos bumukas ang pinto. Pinagbuksan ito ni Lexi, nanlaki ang mata niya, halatang hindi inasahan ang pagdating ko. Napako siya sa kinatatayuan niya, at sa isang tingin ko lang, alam kong may kaba siya sa dibdib.
“Dad…?” nag-aalanganing papasukin Ang kanyang ama. “Good morning, honey." mahinahon kong bati. Wala siyang naisagot agad. Halatang nag-aalangan kung papapasukin ba ako. Hindi niya alam ay may pinag-uusapan na kami ni Evie.
Ilang araw ang nakalipas, pumasok si Evie sa opisina ko. Matapang, diretso, walang takot sa mata. Hindi siya nakiusap para sa sarili niya, nakiusap siya para sa anak ko. Na magtiwala lng sa kanya pero at gagawin nya Ang lahat to protek my daughter, at ikinagagalak kung malaman iyun.
"Sir, hindi ako perpekto. Alam kong may nagawa akong pagkukulang noon. Pero hindi ko na siya iiwan. Mahal ko si Lexi, at gagawin ko ang lahat para protektahan siya." Pangko nito sa ama ni Lexi na ikinangiti nito ni Ricky. "Good to hear that Evie, please don't leave her again" pakiusap ko Kay Evie. "Masusundo po, I love her so much. Nagkamali ako na madaling sumuko noon pero I will not leave her again." with a sweet smile. Ang mga salitang ‘yon, hindi ko malilimutan.
“Lexi? Sino ‘yan?” rinig kong boses ni Evie mula sa loob. Lumabas siya, nakasuot pa ng puting t-shirt ni Lexi, magulo pa ang buhok, pero still maganda at sexy parin. Matatag ang paningin nang makita niya ako, hindi siya nagulat. Tumayo siya nang diretso, at buong tapang akong hinarap.
“Magandang umaga po, Mr. Thompson,” bati niya, magalang pero may kumpiyansa. “Tuloy po kayo.” Nagkatinginan kami ng anak ko. Si Lexi, litong-lito. “Wait dad hndi kana Galit dahil magkasama kami?!”
Agad na sumagot si Evie at ngumiti. “Oo. Matagal na. Hindi lang niya sinabi sa ‘yo para hindi ka mabigla.” Ngumiti rin ako, bahagyang nahulog ang balikat ko sa gaan. “Matapang ang girlfriend mo, Lexi. Kasing tibay mo rin ng loob at stubborn," sabay tawanan kmi ni Evie. Nanatiling tahimik si Lexi. Nag-aalangan pa rin, pero sa mga mata niya, may kaunting liwanag.
“Honey,” sabi ko, tinapik ang balikat niya, “nakita ko kung paano ka niya pinaglaban. At kung paano ka niya tinitingnan. Hindi ko na kailangan ng paliwanag.” Tumingin si Evie kay Lexi nang puno ng pagmamahal at paninindigan ang tingin niya. “Hindi ko na siya iiwan, Sir,” bulong ni Evie. “Anumang mangyari.” dagdag pa nito, nginitian si Evie. "Don't call me Sir, you can call me tito Ricky." Saad nito Kay Evie. Tumingin ako sa kanilang dalawa. At doon, sa simpleng umagang ‘yon, malinaw ang lahat.
Hindi ko kailangang tanggapin si Evie bilang perpekto. Pero tinanggap ko siya bilang taong handang mahalin at protektahan ang anak ko at napapaligaya nito iyon ang mas mahalaga. “Kung ganon,” sabi ko, pinipigilan ang ngiti, “baka puwede na tayong almusal na aamoy ko na Ang mga pagkain." At sabay silang nagtawanan tatlo.
Nagkatinginan ang dalawa at napangiti na lang silang dalawa, At sa unang pagkakataon, nakita ko silang dalawa na magkasama masaya at ngayon ko lng nakita ang magagandang ngiti ng asking anak, hindi bilang isang pagkakamali, kundi bilang isang simula.
Tahimik kaming kumakain sa mesa nina Lexi. Pritong itlog, sinangag, at mainit na kape. Payak pero masarap ang almusa. Ngunit habang pinagmamasdan ko si Evie na masayang sumasabay sa kakulitan ni Lexi, hindi ko maiwasang maalala ang dahilan kung bakit ako narito. Hindi para sirain ang umaga nila. Kundi para ipaalala kung gaano kaseryoso ang mundong ginagalawan nila ngayon.
“Evie,” tawag ko habang tinatapik ang tasa ng kape. “May kailangan akong sabihin.” Tumigil siya sa pagnguya. Tumingin sa akin. Matapang ang mga mata, pero magalang ang tono. “Opo?” Napabuntong-hininga ako. “ipalala ko lang na ingatan mo ang anak ko.” tumango si Evie sa pagsang-ayon.
“Opo alam ko po, Dahil ayaw niyong masaktan si Lexi kaya, gusto mong itakwil si Lexi dahil sa inaakala mo na titigil si Michael pag nawala na itong mamanahin. Pero Nagkamali kayo dahil alam ni Michael na mahal nyo si Lexi kaya hndi siya tumigil na magakabalikan sila."
Ngumiti ako ng bahagya. “Tama ka, I love my daughter Yun lng magagawa ko to protect her. Pero hindi lang ‘yon." Lumingon ako sa anak ko. “Lexi, alam mo na ‘to, pero gusto ko lang na malinaw sa inyong dalawa. Ang pamilyang Harrington… hindi basta-basta.” Nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan naming tatlo. Tumigil ang tunog ng kutsara sa plato.
“Marami silang hawak. Kapangyarihan, koneksyon, at... impluwensya. At kung tutuusin, Evie, hindi ka nila panig. Sa mata nila, isa kang hadlang.” Sumandal si Lexi sa upuan. “Dad…”
Pero tinuloy ko. “Hindi ako sinasabing layuan mo siya. Alam kong hindi mo na ‘yon gagawin. Pero gusto kong maging totoo ako sa inyo.” Tumingin ako kay Evie. “Bantayan mo ang sarili mo. Kasi hindi lang puso mo ang delikado dito. Minsan, buhay na ang pinapalaro.”
Tahimik si Evie. Ilang segundo. Tapos ngumiti siya. Isang ngiting buo, matatag, at walang takot. “Salamat po sa babala, Tito Ricky ,” sagot niya. “Pero hindi ako takot.” Tiningnan ko siya. “Hindi ako impressed sa tapang lang. Mas humahanga ako sa mga taong handang panindigan ang pinipili nila kahit masaktan.”
Tumango siya. “Handa po ako. Lalo na kung si Lexi ang pinag-uusapan." Nagkatinginan silang dalawa, at sa saglit na iyon, alam ko. Kung anuman ang dumating, hindi sila bibitaw.
Tahimik na bumalot sa pagitan naming tatlo ang huling sinabi ni Evie. Hindi siya takot. At kitang-kita sa mata niya na hindi lang iyon salita may paninindigan iyon.
Tumingin ako sa kanya, tapos kay Lexi. Ang anak kong matagal ko ring hindi maintindihan. “Honey…” mahina kong tawag, bahagyang namamaos ang boses. Napatingin siya sa akin, medyo nag-aalangan. Napayuko ako sandali. “Honey… gusto kong humingi ng tawad.” Nagtama muli ang aming mga mata. “Dahil hindi kita agad tinanggap. Dahil hindi ko agad naintindihan kung paano mo pinili ang magmahal, at gusto kitang protektahan. Kaya ko nagawa yun lahat." Napatingin si Evie sa kanya, tapos sa akin. Halata sa mga mata niya ang pagkabigla. “Hindi dahil babae si Evie. Pero dahil natakot ako. Na baka masaktan ka, na baka hindi siya sapat… pero mali ako. Mali akong hinusgahan siya, at mali akong hinusgahan kayo.” Lumunok ako, pilit nilulunok ang pride na matagal kong kinapitan.
“Evie,” sabay tingin ko sa kanya, “patawad kung hindi kita tinanggap noon. Hindi mo ‘to dapat pinaglaban mag-isa. Dapat mula pa lang, alam mong may kakampi ka.” Natahimik si Evie. Tila nagulat sa sinseridad ng tinig ko. Ngayon lang siguro niya narinig mula sa akin na bukas ako sa buong pagkatao niya. Sa kanila.
Lumapit siya ng bahagya, at mahina pero malinaw ang kanyang sagot. “Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad. Pero salamat, Tito Ricky, Salamat sa pagtanggap.” Nakangiti si Lexi habang tahimik na pinapahid ang luha sa gilid ng mata. “Grabe, Dad… ngayon ka lang ganyan ka-honest,” biro niya, pero may halong emosyon sa tinig. Napatawa ako, sabay iling. “Well, tinuruan ni Evie ang tatay mo ng humility. I guess that makes her even more dangerous.”
“Dangerously lovable,” sabat ni Evie, sabay kindat kay Lexi.
Tumawa kami. Ngayon, wala nang bigat sa pagitan namin. Wala nang alinlangan. At sa mismong mesa kung saan kanina’y may tensyon at kaba, ngayon ay may pagtanggap, kapayapaan, at isang panibagong simula.
(Lexi’s POV)
Pagkasara ng pinto matapos umalis si Daddy, parang may biglang nabunot na tinik sa dibdib ko. Sa wakas… nakahinga ako nang maluwag. Buong buhay ko, palagi kong sinusubukang maging “tama” sa mata niya. Maging anak na hindi magpapahiya, hindi magiging pasaway. At nung una kong sinabi sa kanya na babae ang mahal ko, akala ko tuluyan na akong nawala sa kanya. Pero ngayon… iba ang naramdaman ko. Napaupo ako sa sofa, binagsak ang likod sa sandalan, at saka napangiti. Si Evie naman, tahimik lang na tinutupi ang mga ginamit namin sa mesa. Tiningnan ko siya, Yung babaeng nasaktan ko… ay bumalik. Hindi para lang sa akin, kundi para sa sarili niya at para sa amin.
"Babe,” tawag ko sa kanya. Lumingon siya, may bahagyang ngiti sa labi. “Hmm?”
“Salamat.” Napakunot ang noo niya. “Sa alin?”
“Sa lahat.” Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Sa pagharap kay Dad, sa pagtanggap sa akin kahit iniwan, nasaktan kita at naging duwag. Sa pagmamahal.” Hinawakan niya ang kamay ko, malambot pero matatag. “Hindi na kita bibitawan, Lex,” bulong niya. “Kahit ilang Harrington pa ang humarang.” Napangiti ako, pero seryoso ang puso ko. “Alam kong hindi madali ang mga susunod. Pero ngayon, alam kong andyan ka lagi at Yan lng Ang gusto ko walang nang iba.” Hinila ko siya papunta sa sofa at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang t***k ng puso niya sa dibdib ko, tiningnan niya ako at naglapat Ang aming mga labi. Sa unang pagkakataon, tahimik ang paligid, at Masaya ang pakiramdam.
At sa gitna ng simpleng yakap, alam kong kahit anong dumating… handa kaming harapin na magkasama.