Evie POV Nagising sina Evie at Lexi nang maaga at bahagyang inaantok pa pero parehong may ngiti sa labi. Pagbaba nila mula sa kwarto, sinalubong sila ng mabangong amoy ng kape at toasted bread. “Good morning,” bati ni Evie habang humikab, dumiretso sa dining area. “Good morning, anak. Good morning, Lexi,” sagot ng mommy niya, sabay abot ng tasa ng kape. “Good morning po,” ngiti ni Lexi, sabay hawak sa bewang ni Evie nang bahagya bago ito bumitiw nang mapansing nandoon ang mga magulang. Biglang nagsalita si Mr. Smith, “Evie, hija, can I talk to you for a bit? Sa labas lang ng porch.” Nagkatinginan sina Evie at Lexi. “Sure, Dad,” sagot ni Evie, saka sumunod sa ama. Habang naiwan sa loob, sumilip si Lexi sa kusina. “May maitutulong po ba ako?” “Actually, oo,” sagot ni Mrs. Smith, “dito ka

