Lexi POV Habang nasa office si Lexi at nag reresearch for her operation ay biglang nag ring ang Phone nito. "Hello Dad, napatawag ka?" Sagot ni Lexi. "Gusto Dito kayo mag lunch sa Bahay isama mo si Evie at gusto Rin niyang makilala Ang girlfriend mo personally" masayang ipaalam ng daddy niya sa kanya. "Okay daddy sasabihin ko sa kanya" masayang sagot ni Lexi. Ricky’s POV Maagang umaga sa Thompson residence. Tahimik ang paligid, pero abala na ang mga katulong sa paghahanda ng lunch. Nakatayo sa veranda si Ricky Thompson, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang hardin. Tumabi sa kanya ang asawa niyang si Elisa, suot ang paboritong pearl earrings habang nag-aayos ng mesa. "Tumawag ka na ba kay Lexi?" tanong ng ginang. "Oo," sagot ni Ricky. "Sinabihan ko na rin siya na isama si Ev

