Lexi POV
Tumunog ang cellphone ni Lexi.
"Hello, Dad. Napatawag ka?" sagot ni Lexi sa ama nito. "Umuwi ka ng bahay! May pag-uusapan tayo tungkol sa pakikipaghiwalay mo kay Michael ngayon na!" galit na sabi ng kanyang ama. Napabuntong-hininga na lang si Lexi. "Okay, Dad," sagot niya bago ibaba ng ama ang tawag.
Wala na siyang nagawa kundi sabihin na ang totoo sa kanyang mga magulang. Tamang-tama naman na natapos na rin si Evie sa pag-oopera.
"Are you okay?" tanong ni Evie nang mapansing mukhang may problema si Lexi. "I will be fine. Uuwi na ako dahil pinapatawag ako ni Dad. Nalaman na niya na nakipaghiwalay na ako kay Michael," sagot ni Lexi, sabay malalim na buntong-hininga.
Tinitigan muna siya ni Evie bago lumapit at niyakap ito upang pagaanin ang loob niya. Hindi inaasahan ni Lexi na aakapin niya rin ito pabalik, ngunit nangyari ito nang kusa. Ramdam niya ang ginhawang dulot ng yakap ni Evie, lalo na nang marahan nitong hagurin ang kanyang likod.
"You will be fine. Sabihin mo sa mga magulang mo ang totoo—na sinasaktan ka ng lalaking ‘yon," bulong ni Evie bago sila bumitaw sa yakapan.
Biglang sumingit ang isang nurse.
"Doc Smith, congrats! Tagumpay ang operasyon! Siya ang pasyente naming malabong mabuhay pa nang matagal, kaya tumakas para makakain muna ng masarap bago siya mamatay. Gusto rin niyang puntahan ang apo niya para magpaalam, pero nailigtas mo siya!" masayang saad ng nurse kay Evie.
"Congrats sa ating lahat! Hindi ko naman magagawa iyon kung wala kayo. Kaya salamat at dahil sa inyo, naging successful ang operation," tugon ni Evie. "Kayo na ang bahala kay Lola. Ito ang calling card ko—kung ano man ang kailangan niya, tawagan niyo ako. Paki-contact na rin ang kaanak niya."
Tumango ang nurse at sumagot, "Okay, copy, Doc!" bago ito umalis. Muling lumingon si Evie kay Lexi. "Tara na, ihahatid na kita sa inyo," saad niya. "Wag mo na akong ihatid. Alam kong pagod ka tatlong oras kang nasa operating room," nag-aalalang sagot ni Lexi.
Pero hindi pumayag si Evie. "No, I want to. Wag ka nang tumanggi. Gusto kitang ihatid sa inyo. Wag kang mag-alala, okay?" sagot nito, sabay ngiti. Napangiti na rin si Lexi, pilit pinipigilan ang kilig na nararamdaman. "Okay," sagot niya, at magkasabay silang lumabas ng ospital.
Tahimik na nagmamaneho si Evie nang biglang basagin ni Lexi ang katahimikan. "Evie, bakit hindi ka nagtatrabaho sa hospital?" tanong ni Lexi. Napangiti si Evie sa kanya.
"I used to work in Japan, but I resigned last month. Nagpahinga muna ako sandali at pumasok sa Java Junction," sagot nito. "Oh, okay. Then, balak mo bang magtrabaho dito sa New York? I can help you. Ang galing mong doctor," saad ni Lexi.
"Salamat sa offer, pero bago ko magpasyang magtrabaho ulit sa hospital, kailangan ko munang malaman… gugustuhin kaya ng magiging girlfriend ko ang pagiging busy ko bilang doctor?" sagot ni Evie habang tinitingnan si Lexi. Sa narinig na iyon, may naramdamang kirot sa dibdib si Lexi. "Magiging girlfriend? Sino naman kayang maswerteng babaeng ‘yon?" tanong niya sa sarili.
Biglang huminto ang sasakyan sa gitna ng traffic.
"I don't know… pero maswerte ang babaeng iyon kung ikaw ang magiging girlfriend niya," malungkot na sabi ni Lexi, sabay tingin sa labas ng sasakyan. Nakita iyon ni Evie. Ayaw niyang nakikitang malungkot si Lexi. Alam niyang hindi pa oras para sabihin ang nararamdaman niya, pero hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kung aminin niyang gusto niya si Lexi. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Evie. "Are you okay?" tanong niya. "Yes," tipid na sagot ni Lexi.
Tahimik ang buong biyahe.
Pagdating sa destinasyon, nagsalita si Evie. "Andito na tayo." Tinitigan siya ni Lexi at ngumiti. "Thank you sa paghatid sa akin." Nagkatinginan silang dalawa, habol-hininga, nakikiramdam sa isa’t isa. Si Lexi ang unang bumawi ng tingin at lalabas na sana ng sasakyan nang biglang hawakan ni Evie ang kanyang kamay.
Napatingin si Lexi kay Evie, at bago pa niya namalayan, dahan-dahang lumapit si Evie at hinalikan siya sa labi. Nagulat si Lexi sa ginawa nito at hindi agad nakaresponde, kaya tumigil si Evie. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, siya naman ang hindi nakapagpigil—hinalikan niya rin si Evie pabalik.
Nagtagal ang halikan nila, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Lexi. "Hello, Dad. Wag kayong mag-alala, nasa labas na ako ng bahay," sagot niya sa ama. Pagkatapos ng tawag, lumingon siya kay Evie. "I'm sorry, kailangan ko nang pumasok," saad niya.
"Okay," sagot ni Evie, sabay halik sa pisngi ni Lexi. Ngunit bago pa makalabas si Lexi, hinila niya si Evie pabalik at muling hinalikan ito sa labi. Tumagal ang halikan nila ng halos dalawang minuto bago sila naghiwalay. "Ohh… wow!" natatawang sabi ni Evie. Natawa rin si Lexi. "Text me kapag nakauwi ka na," tugon niya.
"Okay," sagot ni Evie, sabay halik sa noo ni Lexi.
Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Bago pumasok sa bahay, huminto sandali si Lexi at pinagmasdan si Evie hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Habang naglalakad papasok, hindi niya mapigilang hawakan ang kanyang mga labi at napangiti.
Pagpasok ni Lexi sa bahay, agad siyang lumapit sa kanyang mga magulang.
"Hello, Dad. Hello, Mom," bati niya, sabay halik sa pisngi ng mga ito. Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ama. "Maupo ka," malamig na saad ng kanyang ama. Umupo si Lexi, kinakabahan sa kung ano ang pag-uusapan nila.
"Bakit ka nakipaghiwalay kay Michael?" diretsong tanong ng kanyang ama. "Dad, he cheated on me, so I decided to break up with him," sagot niya nang matapang. "Pumunta si Michael dito at humingi ng tawad sa ginawa niya. Hindi mo ba siya mapapatawad? Ilang taon na rin kayong magkasama," saad ng kanyang ama, pilit siyang hinihimok.
"I'm sorry, Dad, but he cheated on me. Hindi ko siya babalikan," sagot niya, halos mangiyak-ngiyak na.
"Ano na lang ang sasabihin ni Gerald? Alam mong matagal na naming pinangarap na makasali kayo sa pamilya nila. Humihingi na nga ng tawad si Michael, at hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Gerald kapag nalaman niyang hiniwalayan mo si Michael," patuloy ng kanyang ama.
"Pero, Dad, I don't love him anymore! Matapos niya akong lokohin, sa tingin mo babalikan ko pa siya? Hindi! Ayoko na sa kanya!" mariing sagot ni Lexi. "Honey, hayaan mo na ang anak natin. Michael cheated on her. Sa tingin mo, hindi niya uulitin ‘yon?" sabat ng kanyang ina, pinagtatanggol siya.
"No! Nakikipagbalikan siya. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng mga Harrington. They have a dark side, honey, so please, huwag ka nang dumagdag pa," sagot ng kanyang ama, halatang may takot sa boses.
Tumayo si Lexi at tumingin nang diretso sa ama.
"No, Dad! Hindi ko babalikan si Michael! Alam mo kung bakit? Sinaktan niya ako!" galit niyang sigaw, sabay pakita ng pasa sa kanyang braso. "Kita mo ‘to? Kagagawan ito ni Michael! So, no!" Pagkasabi niya noon, agad siyang tumalikod at tumungo sa kanyang kwarto.
"Lexi, bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos!" galit na sigaw ng kanyang ama, ngunit hindi siya lumingon at tuluyang pumasok sa kanyang silid. Sa loob ng kanyang kwarto, humagulgol si Lexi. "Bakit ayaw niyang tanggapin ang desisyon ko? Anak niya ako, pero mas pinagtatanggol pa niya si Michael kaysa sa akin," bulong niya sa sarili. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang text mula kay Evie.
Evie: "Nakarating na ako sa apartment ko." Napangiti ng bahagya si Lexi at agad nag-reply.
Lexi: "Mabuti naman. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka."
Maya-maya, biglang tumawag si Evie. Nagdalawang-isip si Lexi kung sasagutin niya, pero pagkatapos ng ilang ring, sinagot din niya ito. "Hello," sagot niya, basag ang boses dahil sa pag-iyak.
Narinig agad iyon ni Evie.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ba naging maganda ang pag-uusap niyo ng mga magulang mo?" nag-aalalang tanong nito. Huminga nang malalim si Lexi bago sumagot. "My dad… ayaw niyang makipaghiwalay ako kay Michael. Hindi ko alam kung bakit siya takot sa mga Harrington. Sinabihan niya akong makipagbalikan kay Michael."
Lalong lumalim ang pag-aalala sa boses ni Evie. "Anong sinabi mo?" naghihintay Ng sagot ni Lexi. "Sinabi kong ayaw ko nang balikan si Michael. Sinabi ko rin na niloko niya ako at… sinaktan niya ako. Pero kahit ganoon, gusto pa rin ni Dad na makipagbalikan ako sa kanya. Hindi daw namin alam kung anong kayang gawin ni Uncle Gerald kapag nalaman niyang hiniwalayan ko si Michael."
Narinig ni Evie ang takot sa boses ni Lexi.
"Huwag kang mag-alala. I will protect you, okay? Magpahinga ka na. Susunduin kita bukas at ihahatid kita sa office mo. We will talk, okay?" Gusto sana ni Evie na puntahan si Lexi ngayon din, pero alam niyang ligtas naman ito sa bahay nila.
"Okay, Evie. See you tomorrow," sagot ni Lexi, medyo kalmado na.
"Goodnight, my princess," tugon ni Evie bago ibaba ang tawag. Pagkatapos maligo, humiga na si Lexi. Hindi pa rin siya makapaniwala na mas kinakampihan pa ng ama niya si Michael kaysa sa kanya. Ngunit sa kabila ng sama ng loob, naalala niya ang nangyari kanina sa sasakyan—ang halikan nila ni Evie.
"What a kiss," bulong niya sa sarili habang hinahawakan ang kanyang labi. Ramdam pa rin niya ang lambot ng labi ni Evie, dahilan para mapakagat siya sa sarili niyang labi. Maya-maya, dinalaw na siya ng antok. Kahit may hindi magandang nangyari ngayong araw, hindi na niya iyon inisip. Sa tuwing naiisip niya si Evie, parang nawawala ang lahat ng problema niya.
Evie's POV
Habang nagmamaneho pauwi, hindi mapigilan ni Evie ang sarili na mapangiti. "Oh my, oh my… did we really kiss?" bulong niya sa sarili, sabay kagat sa labi. Napatawa siya nang mahina. Dahil sa sobrang saya, napakanta na lang siya habang nasa biyahe.
Have I ever told you,
I want you to the bone…
Have I ever called you,
When you are all alone…
And if I ever forget,
To tell you how I feel…
Listen to me now, babe,
I want you to the bone…