Nagka-ideya ako, ni-redial ko ang cellphone number ng taong naniningil sa akin: “Ako po si Lyndon, pwede ko bang makausap ang inyong Boss?” Pinahintay ako nang saglit ng taong nakasagot. Sandali lamang ay narinig ko na ang boses ni Scarface: “Bro, ok ka ba kagabi?” Natawa lang ako: ”Ok naman ako. Siya nga pala Kuya, bakit pagkagising ko kanina ay nakahiga na ako sa dorm? Sino ang naghatid sa akin pabalik?” Sandaling nanahimik si Scarface bago nagsalita muli: “Nalito na rin ako sa kalasingan kagabi. Tinanong ko sila kanina, ang sabi ay may tatlong kabataan na nagbuhat sa iyo pabalik ng dorm.” Tatlong kabataan? Pihadong sila Kuya Lex iyon. Hindi na ako umimik, may kakaibang pakiramdam ang aking dibdib na mahirap maipaliwanag. Dati, kapang nag-iinuman, kami-ka

