Dilim! Napakadilim sa loob ng silid. Kahit mga daliri ko ay hindi ko makita. Wala akong makita. Subalit sigurado ako na katabi ko lang ang taong humila sa akin papasok. Naaamoy ko ang kanyang pabango. Wala akong masyadong alam sa mga pabango, pero nagkataon na alam ko ang isang ito. Naalala kong niregaluhan ko si Charmaine ng isang bote nito noong Valentine’s Day. Lonely Girl ang tawag dito kung di ako nagkakamali. “Hello, pinapunta ako ni Miss Cherry.”, kabado kong sinabi. Nilapat ng babae ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at bigla akong nakaramdam ng kiliti sa buo kong katawan. Malamang ay tall and slender ang babaeng ito dahil abot banda tenga ko ang kanyang bibig pag nakatayo kami. “Alam ko.”, malambing na sagot niya sa akin. Habang nagsasalita ay

