“Tay, ang ganda naman po ng manyika na ginagawa niyo? Ang galing niyo po talagang umukit!” bulalas ko ng makita ang kasalukuyan na ginagawa ni tatay. “Talaga? Pero hindi na sayo ang manyika na ito anak dahil dalaga ka na. Ang manyika na ito ay ibibigay mo sa magiging anak mo sa hinaharap, Joy.” Tugon ni Tatay. “Tay, bakit naman sa magiging anak ko agad? Tay, ang bata ko pa. Fiftteen pa lang kaya ako.” Reklamo ko. Ayoko nga na mag-asawa. Wala sa isip ko ang pagkakaroo ng asawa o anak. Ayoko pa nga na magpaligaw kaya galit na galit ako sa mga lalaki kong kaklase na nagsasabi sa akin na crush ako o kaya naman ay aakyat daw sila ng ligaw sa bahay at magpapakilala sa aking mga magulang. Hindi pa ako ready sa mga ganung bagay. Ang dapat na munang unahin ay ang pag-aaral at hindi iyong mga

