“Ano nga kayang ginawa ni Sir Agaton para tigilan na ako ng ibang mga humahabol sa akin?” tanong ko sa aking sarili habang nagmumuni-muni. Malamang na hindi biro ang ginawa niya para palampasin na akobng mga taong halang ang mga kaluluwa. Sana lang balang-araw makaganti ako ng utan na loob kay Sir Agaton sa kung anong ginawa niya para naman mabawasan naman ang mga utang ko kay Sir. Hindi ko naman siya pwedeng suhulan ng pera at mas mayaman siya sa akin. Hindi ko rin pwedeng bigyan o ipagluto ng pagkain dahil masyado siyang maselan. At bigla na lang ako napasigaw sa gulat ng may may manggulat sa akin mula sa likuran. Para akong aatakehin sa sobrang gulat at takot sa ginawa ng matalik kong kaibigan na tumawa pa pero ng makita na hindi ako okay ay biglang namutla. “Joy, ano ka ba? Humi

