Chapter1-Sophia
PIA POV
Earth to Pia.. Hello!!
Kanina pa ako salita ng salita dito yun pala wala naman pala akong kausap! nakairap na wika ng kaibigan at officemate niya na si Cassidie.
They were having a break in a coffee shop near their office and as usual they’re sitting on their favorite spot. The spot clearly lets them see the people who are coming in to the shop. But for her, it is the perfect view to observe a lot of things around her.
Napukaw ang kanyang atensyon ng magsalita ulit ang kaibigan. Cassidie was the only officemate she treated as her close friend, although they have a five year age gap, the chemistry between them is definitely evident. Sa maikling panahon ng pagkakakilala nila ay naging palagay na agad ang loob nila sa isa’t-isa.
“Omgeeee, sobrang kinikilig talaga ako kay Troy, he is so manly, every sane woman would surely fall for him” dreamy na sabi ni Cass habang nakatingin sa cellphone nito. Si Troy ang favorite PBA player nito.
“Well maybe, except for me I guess”, pormal na pahayag niya sa tinuran ng kaibigan.
“Weh? so that means you are insane! Talagang nagtataka na ako sayo friend, tomboy ka ba?” humahagikhik na turan nito.
“Huh? Di lang ako nagkagusto sa Troy na yan, insane and tomboy agad?What’s with this world? Should every girl fall for a handsome guy like him? Nope, thanks, masaya na ako sa mga oppa na napapanood ko” nakairap na wika niya.
“Well ano pa nga ba, masyado kang obsess sa mga Korean Drama mo eh”, nakangusong wika nito at nagpatuloy sa pag babrowse sa phone nito.
Tinapos lang nila kainin ang inorder nilang blueberry cheese cake and coffee before they headed back to their office.
Since pareho sila ng unit, pareho din ang floor level nila, They were already in the elevator ng mapansin nila na may pinagkakaguluhan sa labas ng building nila. Hindi na nila nakita kung sino at ano ang pinagkakagaluhan dahil sumara na ang pinto ng elevator.
Nang makabalik na sila sa kani-kanilang work station napansin niyang may nakapatong na chocolates sa keyboard ng computer niya. Even without looking at the note, she knew kung sino any nagbigay nun sa kanya. Bitbit ang chocolates lumapit siya kay Aaron, ang IT sa unit nila. Mabait naman ito kung tutuusin, masipag at may looks din naman. But she can’t feel her heart skip a beat kaya naman walang dahilan para paasahin niya ito. One of her principles in life is to never take other people’s feelings for granted. Dapat ang damdamin ng kahit na sino ay pinapahalagahan, isinasa-alang alang at hindi basta-batsa sinasaktan. Kaya whenever she has a suitor and she knew na walang pag-asa ay sinasabihan niya agad ang mga ito na tigilan ang panliligaw, agad-agad. So ayun na nga, lahat naman talaga na turn-down niya.
“Uhm, Aaron”, tawag niya sa binata, lumingon naman agad ito at nagsmile sa kanya, pero bigla rin nawala ng makita nitong hawak niya yung chocolates. “Maraming salamat sa chocolates, kaya lang di ko alam kung tatanggapin ko ito or not”. First, i wanna say sorry pero hindi ko kayang tugunan yung nararamdaman mo para sakin. Pangalawa, i can offer you my friendship though but you cannot hope beyond that”.
“Ano kasi, alam ko naman na yun ang sasabihin mo eh” nagkakamot ng batok na sabi nito, halatang nahihiya rin ito sa kanya. Pero you can keep the chocolates and salamat sa friendship. Di pa nga ako nakakapagsimula friend zone agad” natatawang turan nito.
“Sorry ha, ayaw din naman kasi kitang paasahin sa wala eh, at para habang di pa ganun kalalim ang nararamdaman mo di kita masasaktan ng sobra, so friends?inabot niya ang kamay niya dito.
Nakangiti ito ng tanggapin ang hand shake niya, ibig sabihin may puso siyang naisalba sa posibilidad na pagkawasak. Di pa man sila natatapos ay biglang may dumukwang sa hawak niyang chocolates. Si Cass, na mahilig sa chocolates. Ipinakilala niya ang dalawa at sabay na silang bumalik ni Cass sa mga upuan nila.
“Hayyy grabeh ka talaga, lahat yata ng nanligaw sayo dito busted agad di pa man nakakapagsimula. Wag ka kasing pa nice para di ka nila magustuhan, para sakin na lang sila lumapit”, humahagikhik sabi nito. “Pero seriously, wala kang gusto, wala rin akong alam na crush mo maliban kay Lee Jong Suk at Lee Minho, wala ka ring boyfriend, so anong klaseng heart meron ka friend?
Natatawa na lang siya kay Cass, but then she can’t tell her friend that once in her life, she was a girl who deeply admired someone only that he was out of her league.
TERRENCE POV
“Hey man, it’s nice to see you back”, masayang bati sa kanya ni Marik saka siya inabutan ng baso ng alak, Marik Alonzo was his former basketball teammate and classmate since high school.
“So kelan ka dumating?I heard you are taking over the family business”, tanong ni Jin, isa rin ito sa mga classmate niya nung high school.
“How’s life in the States? tanong naman ni Troy, sumusubo ito ng cake na nasa mesa, matakaw pa rin ito as usual.
These are his friends since high school, they all played basketball then, but currently si Marik at Troy na lang ang naglalaro professionally. He just arrived from the States, doon siya namalagi after quitting basketball seven years ago.
“Kuya Terrence! Na miss kita!”, patakbong sigaw ng dalaga na kararating pa lang galing sa school. Niyakap siya nito at kinurot sa pisngi. Nabigla siya ng makilalang si Freya yun, nakababatang kapatid ni Marik na parang kapatid na rin niya, but she was all grown-up now, dalagang dalaga na ito.
“Freya, you’ve grown, nakangiting bati niya sa dalaga saka ginulo ang mahabang buhok nito.”I can’t believe you’ve lost weight, marami pa naman akong pasalubong na chocolates para sayo” pangangasar niya sa dalaga at pasimpleng kumindat.
Umismid ito saka nagsalita “Look ,I’m not a baby anymore, so you can’t just mess my hair okay and I don’t eat chocolates anymore! nakaungos na wika nito saka nagmartsa na umalis patungo sa hagdan paakyat sa kwarto nito.
“She’s all grown-up man, baling niya kay Marik, “you better be ready for a wave of suitors, kantiyaw niya sa kaibigan. He missed this. He missed his friends. He misses the times they used to be together.
“Well they’re all dead once they try to make a move on her”, seryosong wika nito saka nagptuloy sa pagsasalita. “So what made you decide to come back? I thought you were staying there for good”, pag-iiba ng mga ito sa usapan. He knows that they are curious why he is back after losing contact for almost seven years.
“I don’t know, I was just pulled back here, the family needs me and I have some unfinished business I needed to deal with”, his eyes gleamed dangerously while his voice remained calm as he sip from his wine. “Well anyway, news travel fast. How about you guys, what’s new? pag-uusisa naman niya sa mga ito.
Nagtinginan muna ang mga ito bago nagsalita si Jin “Well a lot of things happened you know, and I don’t know if you are still interested or if you wanna know, but have you heard that they’re getting an annulment?”, alanganing wika ni Jin saka ito tumingin kay Marik at Troy.