Chapter 2: The Contract

1591 Words
Ariella's P.O.V Abala ako sa pagliligpit ng mga gamit para dalhin ko sa ospital dahil si Nanay ay may matagal na palang sakit at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Nalilito na ako kung saan ako kukuha nang gano’n kalaking pera para pang-opera kay nanay. May utang pa kami kay Aling Cora at mas lalong lulubog kami sa utang dahil nasa ospital ngayon si Nanay. "Ikaw na muna do’n ang magbantay sa palengke," walang emosyon kung sambit kay Mariel na nangangamba din sa sitwasyon ni Nanay. "Ariella, handa akong tumulong. Sabihan molang ako kung gaano kalaking pera ang kailangan mo para maoperahan na si Nanay," sagot naman niya. "Hindi ko kailangan ang pera mo, Mariel, kaya ko namang maghanap. O siya ikaw ba bahala sa palengke siguro magaling ka naman mag-acting na ikaw ay si ako at kung andiyan si Maiko, sabayan mo na lang." At dali-dali na akong umalis. Hindi ko kailangan ang pera ni Mariel upang maoperahan si Nanay; kaya ko naman, at baka kung hiniraman ko siya ay may kontrata pa. Hinding-hindi ako papayag sa gusto niyang magpanggap na ako siya, ang hirap kaya no’n. Pagdating na pagdating ko sa labas ng kuwarto ni Nanay ay agad akong nataranta sa mga nakikita ko at nabitawan ko ang mga dala ko. May mga nurse sa loob ng kuwarto ni Nanay at parang nagmamadali sila sa mga ginawa nila. "Doc? Ano pong nangyayari?" naguguluhan kong tanong. "I'm so sorry, Ms. Abellar. Kailangan na nating maoperahan ang nanay mo sa lalong madaling panahon, malubha na ang sakit niya. We have to do this as soon as possible para maagapan pa natin," paliwanag ni Doc. At parang matutumba ako sa sinabi niya, wala pa akong naipon at kailangan ko pang maghanap ng pambayad. "Excuse me, Doc," pagtawag ko ulit sa pangalan niya. "Pwede ko bang malaman ang sakit ni Nanay?" tanong ko sa kanya. "Your mother has breast cancer at kailangan natin siyang i-chemotherapy para matanggal ang mga cancer cells na kumakalat, at kailangang mapabilis ang treatment sa kanya," paliwanag ni Doc sa ‘kin. Nagsimula nang tumulo ang luha ko at naaawa na ako kay nanay. Dalawa na nga lang kami, tapos ganito pa ang mangyayari? Dali-dali kong pinuntahan si Nanay sa kuwarto niya at ang dahilan pala kung bakit nandito ang mga nurse at si Doc Alvarez ay namutla pala si Nanay kanina at nagsuka ng dugo. "Nay, lumaban ka ha. Wag mo akong iiwan," malungkot kong sabi sa kanya at sabay hinagod ang buhok niya. "H---Hindi kita iiwan, anak," malungkot niyang sagot. Bumili ako nang makakain sa labas dahil ‘di pa kami nakakapagalmusal mula kanina. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang problema kung paano ko ito malulutas. Saan ako hahanap ng pang-chemo ni Nanay. Ang mahal-mahal no’n. Mabuti lang sana kung iisang session lang e paano kung tatlo? O higit pa? Napadaan ako sa chapel ng ospital at umupo muna ako do’n at nakiusap na sana, pagalingin si Nanay. Hindi ko makakayang mawala siya. Mariel's P.O.V Busy ako ngayon sa pagpapanggap bilang si Ariella at hindi pala ito madali lalo na't magkaiba kami ng personality and communication skills. Lalong-lalo na rito sa mokong na ‘to. Panay kausap sa ‘kin pero tinatarayan ko lang siya. "Ariella! Ang utang n’yo inaamag na! Kailan niyo pa balak na bayaran yan?!" pagsisigaw pa niya sa harap ng paninda at mukhang nakuha pa niya ang atensyon ng mga tao sa palengke. "Pwede ba, ‘wag kang bastos!" pasinghal ko sa kanya. "Kayo na nga may utang kayo pa galit?" sagot naman niya. "Kung gusto mong bayaran ka, kumausap ka nang mahinahon para irespeto ka naman!" sagot ko naman. "Pwes! Bayaran mo ngayon!" "Magkano ba?!" sagot ko. "Nakalimot ka na? Wow!" pagtataray pa niya. "O, sige, ‘wag na lang!" At tinalikuran ko siya. "Bente mil!" sagot niya. At dali-dali ko siyang kinuhaan sa pitaka ko ng bente mil. "O ito!" At inilapag ko sa mga palad niya. Kita ko sa pagmumukha niya ang pagtataka at parang naguguluhan siya. "Ariella!" Pagtawag naman ng isang boses matanda at napalingon naman ako. "Mama, nakabayad na sina Ariella sa utang nila," sambit niya habang nakatingin pa siya sa ‘kin. "Totoo ba ‘yun Ariella?" gulat na lumingon sa ‘kin ang matanda. "Oo po." At tumalikod na ako para ‘di nila mahalata na hindi ako si Ariella. "Hi, bhebhe luvs!" sabay pagkindat na naman sa ‘kin ni Maiko! Nakakadiri! "Bhebhe luvs, tulungan na kita…" At tinulungan niya akong magligpit. Maya-maya pa ay nakauwi na ako at bumili na lang ako ng lulutuin kong ulam para pagdating ni Ariella ay handa na ang kakainin ni Nanay. Nalulungkot ako sa sinapit ni Nanay at gusto ko siyang i-comfort man lang. Gusto kong tumulong. At dali-dali akong tumawag kay Mommy para manghiram ng sapat na pera pambayad sa ospital. "Mom. I need your help," mahinahon kong sambit. "What is it? How's your plan?" mabilisang sagot ni Mom. "I’m working on it, Mom, but I have a problem here," sagot ko naman. "What is it?" "I need to barrow a cash, Mom. Si Nanay kasi, nasa ospital and they don't have enough money para pambayad sa ospital," sagot ko. "Okay, ipapasok ko lang ang pera sa debit card mo," sagot naman ni Mommy at napangiti naman ako. At nagluto na ako ng hapunan at saka babalutan ko na lang si Nanay ng ulam at kanin niya. "Kamusta si Nanay?" Agad kong tanong sa kakarating lang na si Ariella. "Ok lang," matamlay niyang sagot. "Alam kong hindi okay," sagot ko naman. Kitang-kita ko sa malungkot niyang mukha at malaking problema ang iniinda niya. Nakita kong tumulo ang mga luha niya at dali-dali niya itong pinahid. Bigla siyang napatingin sa akin, isang tingin na may kahulugan at parang ang lalim nito. Hindi ko alam kung bakit. Napabuntonghininga siya bago nagsalita. Ramdam ko ang awa at gusto ko siyang yakapin. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. "Lumaban ka, Ariella. Nandito ako, tutulungan kita," pagko-comfort ko sa kanya. "Mariel," pagtawag niya sa ‘kin na ikinatigil ko naman. "Mariel, tinatanggap ko na," sambit niya sa ‘kin na kinakunot ng noo ko. "Tinatanggap?" tanong ko pa. "Oo, tinatanggap ko na ang alok mo na magpanggap na ikaw. Para may pambayad ako sa ospital pang-chemotherapy kay nanay," umiiyak niyang sambit. "Seryoso ka?" At niyakap ko siya nang mahigpit."Ano ba ang sakit ni Nanay?" dagdag ko pa. "Breast cancer at dapat maagapan siya at baka kumalat pa ang cancer cells sa katawan niya," paliwanag niya ito habang pinapahiran ang mga luha niya. "Wala na akong choice Mariel kailangan ko nang tanggapin yan". Dagdag pa niya. "May pera ako ngayon at bukas ipapa-chemo na natin si Nanay," sagot ko at kitang-kita ko ang liwanag sa mukha niya. "Salamat, Mariel." Dali-dali niya akong niyakap. "Ikaw siguro ang ipinadala ng Diyos sa amin upang tulungan kami. Promise, gagalingan ko sa pagpapanggap." Nagtaas kamay pa siya. At pinagplanuhan na namin ang mga gagawin naming. Habang ipinapagamot ko dito si Nanay ay luluwas na siya sa Baryo Uno upang magpanggap. At si Jerome naman, papupuntahin ko na muna dito. "Ako na ang bahala sa pagpapagamot kay Nanay, tutulungan naman ako ni Mommy," sambit ko sa kanya. "Salamat, Mariel, I have to take risk para kay Nanay," sagot naman niya habang nagliligpit ng mga gamit niya. At sinabi ko na sa kanya kung ano ang mga gagawin niya do’n. Kailangang English speaking siya pero may Tagalog naman nang kaunti. At ang focus niya ngayon ay kay Dad at saka kay Jaeden dahil alam naman ni Yaya Medel at Mommy na nagpapanggap lang siya. Tinulungan ko na rin siya sa mga outfit na sinusuot ko; kung anong klaseng fashion ito. Tinuruan niya rin akong magpanggap at dapat daw maldita siya. Pati na rin kung paano siya manumit ay itinuro niya sa akin. Bago umalis ay dumaan muna siya kayNanay para magpaalam. "Nay," pagtawag niya at parang iiyak na naman siya. Tulog ngayon si Nanay dahil hindi siya nakatulog nang maayos kanina at pinakain ko naman siya. Nagulat pa nga si Ariella ba't ang daming groceries daw na pinamili ko at ipinaliwanag ko naman sa kanya na padala ‘yun ni Mommy. Ariella's P.O.V Ibinilin ko na lang kay Aling Gemma ang tindahan para mas lalong makapag-focus si Mariel sa pagbabantay kay Nanay habang nandito pa ako sa Baryo Uno. Kailangan kong tanggapin ito para sa kalagayan ni Nanay. Malungkot man pero kailangan talaga. At nandito ako ngayon sa ospital upang magpaalam kay nanay. "Nay," pagtawag ko sa kanya. "Masakit man pero kailangan kung tanggapin ito, ito na lang tanging paraan para maipagamot ka na." Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko habang nagpapaalam sa kanya. "Dapat lumabas ka ha, dapat pag-uwi ko malakas ka na at nasa bahay ka na." Naghahagulgol kong sambit. "Mahal kita, ‘Nay, kaya gagawin ko lahat." At tumayo na ako upang umalis baka ma-late ako sa biyahe. Tatlong oras pa kasi ang biyahe papunta do’n. Niyakap ko si Mariel at nakita kong nalungkot siya. Alam niya na kailangan ko ‘to. "Tandaan mo ang sinabi ko ha, ako na bahala dito kay Nanay at ako na ang magbabayad ng kakailanganin dito. At ‘pag gumaling na si Nanay, saka ko ibibigay ang pambayad ko sa ‘yo," paliwanag naman ni Mariel. Napakabuti niyang tao at hindi ko alam kung paano siya susuklian. Ito na lang ang tanging paraan ko para masuklian ko siya. "Salamat…" at umalis na ako. Tumutulo ang mga luha ko habang naglalakad palabas ng ospital at ‘di ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. I have to fight, to fight for the sake of my mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD