Chapter 3: Ariella as Mariel

1497 Words
Hatinggabi nang makarating ako sa bahay nina Mariel. Nalula ako sa taas at sa laki ng fence at gate. Maging ang bahay ay sobrang laki din. Mayaman pala talaga ang umampon kay Mariel. Ang laki at ng ganda ng kanilang bahay pero bakit gano’n? Hindi siya malayang magmahal ng taong gusto niya. Masuwerte pa rin siya. Pero hindi niya ikakailang gusto rin niyang makaranas ng marangyang pamumuhay. Kabadong nag-doorbell ako, at hindi nagtagal ay may lumapit na naka-unipormeng matanda. Ito na siguro ang mayordoma na si Medel, ang nakakaalam ng sikreto ni Mariel. "Ma'am Mariel! Nagbalik ka na!" At dali-dali niya itong binuksan ang gate. "Nasa dining sila ngayon at nag-aalmusal." Habang papalapit ako sa pintuan ng bahay ay lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. "Mabuti at nakauwi ka na, nag-alala nang husto ang mommy at daddy mo. Saan ka galling, Ma'am?" Tiningnan ko lang si Yaya Medel na kunot-noong nagtanong sa ‘kin at dumiretso na. "Sorry," nakayukong sabi niya. "Okay lang, Yaya. Kinakabahan lang ako dahil galit si Daddy." "Mukha namang hindi," singit pa niya. "Tara na, samahan na kita sa kanila," dagdag pa ni Yaya Medel. At parang nakahinga ako nang maluwag at parang napawi ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko talaga kayang magsinungaling, e. Nakokonsensya ako. Pero kailangan kong magsinungaling para kay Nanay. "Good morning, Mommy---Daddy," pagbati ko sa dalawang mag-asawang nakaupo at kumakain. Tanging sa picture ko lang sila nakita. Tensyonado akong humalik sa pisngi ni Mommy. Sabi ni Mariel, sasanayin ko na raw na tawagin silang mommy at daddy. "Masaya ako at bumalik ka na, anak." Niyakap ako ni Mommy. "Miguel, nandito na ang anak natin," singit pa ni Mommy kay daddy na abala sa pagkain. "Sige na, puntahan mo na ang daddy mo," singit pa ni Mommy at parang gustong-gusto na niyang pumunta ako. Kabado akong pumunta kay daddy at hinalikan siya sa pisngi. “Huwag mo nang uulitin ‘yan, Mariel. Pinag-alala mo ako at muntik na akong mapahiya kay Madam Brudette," sambit niya at sabay hinalikan ako sa noo. "Patawad, Dad," maikli kong sagot. At biglang nakahinga ako nang maluwag at bati na si Mariel at ang daddy niya, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka biglang malaman niya na hindi ako si Mariel at natatakot ako na baka sa oras na ito ay mabubuking na ako. Ano ang gagawin ko? I’m scared of what will happen next. "Sige na, Maria, mauna na ako at may meeting pa ako." Biglang tumayo si Daddy upang halikan kami sa noo at napatigil siya at tumingin sa gawi ko. Biglang tumayo ang balahibo ko dahil sa pagtingin niya sa ‘kin, kumakabog nang mabilis ang dibdib ko. "Nakapag-isip ka na ba, Hija?" pagtanong niya sa ‘kin. "Yes, Dad…" Tumingin ako sa kanya, mata sa mata, pero parang nakokonsensya ako at natatakot makipagtitigan sa kanya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko. "Gusto ko ring maging proud ka, Dad, and I will do all of my best just to make you both happy," paliwanag ko naman. "I love you, Hija. Masaya ako at pumapayag ka na." Hinalikan niya ako at niyakap nang mahigpit. "This is all worth it and you will not regret at the end." Iyon lang at umalis na siya. Umakyat muna ako sa kuwarto at do’n nagbihis. Napamangha ako sa kuwarto ni Mariel, ang laki ng walk-in closet niya. Meron din siyang collection ng mga sari-saring kagamitang pambabae. May kolelsyon siya ng sapatos; ang daming pagpipilian at meron din siyang koleksyon ng heels. May 2inches hanggang 12 lahat ito ay bago at may price tag pa. May relo, croptops, may jewelry room din siya at may mga pabango din. Halos napapanganga na lang ako sa dami nito; ni-isa ‘di man lang nagpadala sa ‘min? Ang kuripot niya naman. Natigilan ako nang biglang may kumatok sa kuwarto at dali-dali ko naman itong binuksan. Nakita ko si Mommy sa labas ng pintuan. "Hija," sabi niya pagpasok at agad na isinara ang pintuan. "Halika ka dito," dagdag pa niya at napaupo kami sa kama. "Bakit po, Tita?" kunot-noo kong tanong. "Your mom is already okay at kakatapos lang niyang maoperahan kahapon." Napangiti naman ako. "Pinadalhan ko na siya ng groceries at pinabuksan ko na ang tindahan n’yo," dagdag pa niya. "Salamat po talaga, Tita, hulog kayo ng langit sa ‘kin. Salamat po talaga," naiiyak kong sabi. "Job well done, at ang galing mong umarte kanina. Nakuha mo ang pagiging Mariel," sagot niya naman. "But you should do this for Mariel, okay?" singit pa niya. "Okay po. Promise, gagalingan ko po." Parang andali-dali ko lang sabihin na gagalingan ko pero kinakabahan naman ako. "Kailangan na nating i-set ang wedding nang mas maaga para makaalis na si Mariel," sagot niya naman. "Okay po." "Oh, ito muna ang gagamitin mo at para makatawag ka do’n sa nanay mo." Binigyan niya ako ng isang box na may lamang cell phone at napa-wow ako nang buksan ko ito. 'Iphone X' ang laman at ang ganda-ganda. "Siya nga pala, kailangan kay Medel ka lang makipag-usap at alam niya naman ang lahat," dagdag pa niya. Alam ko naman na alam ni Yaya Medel ang lahat dahil ikinuwento na sa ‘kin ‘yun ni Mariel pero hanga pa rin ako sa cell phone na hawak ko. First time kasing makahawak ako nito. Alas-dose na pero hindi pa rin ako makatulog dahil naninibago ako sa kama ni Mariel; ang lambot-lambot at parang hindi pa sanay ang likod ko. Nag-dial ako at tinawagan si Mariel. Gusto kong kamustahin si Nanay. "Mariel-?" pagtawag ko. "Kamusta kayo diyan?" dagdag ko pa. "Eto okay na si Nanay at makakalabas na kami, ‘wag kang mag-alala, nandito naman si Jerome." At lumiwanag naman ang mukha ko nang marinig kong makakalabas na si Nanay. "O, ba't gising ka pa? Mag-beauty rest ka muna," alalang tanong niya. "E kasi, naninibago ako dito sa kuwarto mo," paliwanag ko naman. "O basta, alam mo na ang gagawin mo." "Oo," mabilis kong sagot. "At tsaka bati na kayo ng dad mo, masaya na siya," nakingiti kong sambit sa kanya. "Salamat, ipagpatuloy mo lang ‘yan, Ariella hangga't hindi pa kami nakakaalis ni Jerome," sambit pa niya. "At saka bukas na pala kami magkikita ni Jaeden at ng mga Dela Luna," sagot ko naman. "Basta, alam mo na ang gagawin mo. Sige na, matulog ka na." At agad niyang pinatay ang cell phone niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising at tumungo sa dining room kung saan nandoon na sina Dad at Mommy. Muling bumilis ang t***k ng puso ko at parang nahihiya't natatakot na naman ako. Pinilit kong ngumiti at kinalma ang sarili ko. "Morning, Dad!" At sabay na hinalikan ko si Daddy sa noo, mukhang nasasanay na akong tawagin siyang Daddy. "And of course, Mommy!" At ngumiti ako sabay hinalikan siya sa noo. Ramdam ko ang pagngiti ni Mommy pero pinilit ko na lang na pabayaan alam niya rin naman ang lahat kaya sasakay na lang siya sa mga plano ko, or else dalawa kami ang mananagot kay Tito Miguel. "Hija, are you ready for tonight's dinner?" nakangiting tanong ni Daddy. "Yes, Dad," komportableng sagot ko. "Bilisan mo ang pagkain mo, Mariel at aalis tayo," singit naman ni Mommy. "Saan tayo pupunta?" kunot-noo kong tanong. Mukhang mapaparangalan akong 'Best Actress of The Year' dahil ang galing ko na sa role na ‘to. "Pupunta tayo sa salon ng kaibigan ko," paliwanag niya naman. At mabilisan akong kumain para maaga akong makapagpaganda. Hindi na kasi ako nakapag-salon. Ngayon lang siguro ulit dahil busy na ako sa palengke lalo na't maraming gulay ang dumadating tuwing weekend. RG'S P.O.V Masiglang gumising si Jaeden upang makapaghanda para sa una nilang pagkikita ni Mariel. Mukhang hindi na talaga aatras sa laban si Jaeden at tuloy ang pamamanhikan niya at talagang hinding-hindi niya bibiguin si Lola Brudette. "Mukhang handang-handa ka na para mamaya, ah?" nakingiting sambit pa ni Jake habang nagkakape. "Yes, bro, I’m so excited," nakangiting sagot ni Jaeden. "Haha! Parang ayaw mo na ‘ata sa opisina," natatawang sambit ni Jake. "Yeah, it's true. I’m fuckin’ bored at my office. Sino ba naman ang lalaking magpapatakbo ng DL’s Fashion? Kung hindi lang talaga mapilit si Lola hindi ko talaga hahawakan ‘to," sagot naman ni Jaeden. "Naalala ko pa ang sabi ni Lola sa ‘kin," dagdag pa niya. "You have to marry a girl now, apo, para may mag-handle na ng DL's Fashion. Ang tagal nang ‘di nakapaglabas ng bagong design ang kompanya." Excited nang pakasalan ni Jaeden si Mariel para may humawak na ng kompanyang hindi naman nababagay sa kanya. May sariling kompanya rin siyang pinapatakbo kaya hindi na niya kayang asikasuhin ‘yun at saka hindi siya nag-aral ng fashion designing para makapagtahi. "Nakakabakla, bro," maiksing sagot ni Jaeden. "Oo nga naman. Dapat bilisan mo na ang pag-process. Mabuti na lang at hindi sa ‘kin pinahawak ‘yun. Hahaha," natatawa pa niyang salita. "Tssk." At umalis na lang si Jaeden. Excited na ang Dela Luna's Clan na makipagkita sa mga Bartolome at halos lahat ay naghanda na. Paano kaya ito haharapin ni Mariel? Mananatili pa rin kaya ang kasinungalingan o mapuputol na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD