CHAPTER 10

1038 Words
"Ang kapal din ng mukha mo!" Bulyaw ko saka sinubukang tumayo. "Tss" He smirked and stood up to help me. "Kaya ko na!" Tinakwil ko ang kamay niya. "Okay" He said annoyingly. "Ahh" My foot hurts the moment I tried to stand. " Hindi mo man lang ba ako tutulungan? " Tinitigan ko siya ng masama. "You said you can handle it" He said without looking at me. "Aaahh" I'm so irritated. Nakakairita ang prisensya niya! "Convince me," he said while staring at his nails. "Ano?" I asked full of annoyance.  "Convince me to help you" He explained. "No thanks!" I rolled my eyes and manage to stand up. Binuhos ko lahat ng lakas ko para kumapit sa kama at makatayo. Nagtagumpay naman ako. At nang makatayo ako ay tinalikuran ko siya saka nagumpisang maglakad palayo. "Sino ba siya sa tingin niya? Akala niya ba hindi ko kaya? Oo gwapo siya matangkad at lahat na. Pero hindi sa lahat ng oras magagawa niya lahat ng gusto niya. Kung mga babae niya o kung sino pa man napapaikot niya pwes ako hindi!" Bulong ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Humiga ako sa sofa at saka pinikit ang maga mata. Nagising ako sa sobrang lamig. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko saka napagtantong nasa Kwarto ako ni Tristan. Iginala ko ang aking mata upang makita ang paligid. Nakita ko si Tristan na nakahiga sa kabilang parte ng kama. Tinitigan ko siya saka napansing nanginginig siya. Umusog ako para makalapit sa kanya. Inilapat ko ang kamay ko sa leeg at noo niya. Ang taas ng lagnat niya. Agad kong nilipat ang kumot ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at saka tumayo at inayos ang tungkod ko. Nataranta ako kaya naghanap ako ng gamot at sangkap para maipagluto ko ng sopas si Tristan. Alas Otso na pala. Hindi ko namalayan ang oras kaya nagisip ako ng paraan kung paano dadalhin ang tray ganoong may tungkod ako. Sumilip ako sa labas ng pinto at nakita ko yung kuyang naka uniform. Mukang maintenance siya rito. Agad ko siyang tinawag at nakiusap. Pumayag siyang dalhin ang tray sa kwarto ni Tristan. Habang inaayos ko yung ibang gamit na dadalhin. Hindi ako mapakali, tinawagan ko si Abby para ipaalam sa kanya ang kalagayan ni Tristan. Nag dalawang isip ako pero ginawa ko parin para sa ikakabuti ng lahat. Hindi naman ako dapat ang nandito. Ano nalang ang sasabihin ng magulang ni Abby. Agad kong tinawagan si Kelly para sunduin ako. Mabuti nang walang maabutan si Abby na anino ko para walang gulo. Tinitigan ko si Tristan bago isinara ang pinto. I wish you are mine so I won't be able leave you. I sighed as I close the door. Ilang Araw na ang nakalipas. Bukas na ang pageant. Mabuti nalang at hindi natuloy noong nakaraang araw at baka hindi ako makarampa. Mabuti na rin at gumaling na ang pilay ko. After ng rehearsal, lumabas kami nila Kelly, Trishia at Amber para tignan ang mga booths sa labas. Naka handa na ang lahat. Mas napaghandaan pa kaysa nung nakaraang lingo. Dismayado ang mga estudyante at ibat ibang mga org dahil sa handa na sila. Ngunit agad namang nag paliwanag ang dean ng ibat ibang departamento. Pinuntahan namin ang booth ng club namin para makatulong. Mula sa decorations hanggang sa foods and stuffs. Everything is well-organized. Matapos ang lahat, agad namang nag paalam si Amber at sumunod naman si Trishia. Nag aayos na rin kami pauuwi ni Kelly nang biglang tumawag ang Make-up artist ko. Nag usap lang kami tungkol sa mga gagawin para bukas. "Aila!" Tawag ni Kelly " Oh Kelly" "Kailangan ko pa palang bumalik sa Gym may naiwan akong papers para sa program bukas. Mauna ka nalang para makapag beauty rest ka!" She giggled. " Antayin na kita" Alok ko. " Nako 'wag na may kakausapin din akong kasama ko para bukas. At isa pa I che-check ko yung mga gagamitin kung naka ayos na at yung mga kailangan bilhin. Kaya mauna kana," she said and handed me my things. " Sige na nga. Basta mag text ka ha" sabi ko sabay hatid sa kanya sa gym "oh mauuna na ako ha" Sabi ko sabay alis Habang nagaabang ng masasakyang Jeep, may naring akong nag uusap sa di kalayuan. Hindi ko na tinignan pero rinig ko ang usapan nila. "Babe, lagi nalang ba ganito ang sitwasyon natin?" sambit ng babae "Babe, please wag ngayon" walang ganang sagot ng lalaki "Hanggang kailan ba natin gagawin to? Wala ka nang oras sa akin. Lagi nalang ibang bagay ang inaatupag mo" Sambit nung lalaki at halatang naiinis na ito.  "Mahal na mahal kita okay? Malalagpasan din natin to,"  Maya maya ay may dumaang jeep kaya hindi ko na natapos ang usapan nila. Nilingon ko ang dalawang nag uusap habang umaandar ang jeep. Sasakyan iyon ni Abby. Sigurado ako don. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ako pwedeng magkamali. SI Abby iyon. At lalong hindi si Tristan ang kausap niya. Pero bakit babe ang tawagan nila? At mahal? Is Abby cheating? Pagkauwi ko ng bahay, hawak hawak ko ang cellphone ko. Nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba kay Tristan oh hindi. Kaibigan ako ni Tristan at kailangan niyang malaman ito. Pero Wala ako sa posisyon para sabihin iyon. Problema nila ito kaya labas na ako dito. Part of me na nasasaktan para kay Tristan. But also part of me na natutuwa cause finally may chance na ako kay Tristan. Pero hindi naman ako ganon ka disperada para manira ng relasyon ng iba. At isa pa baka nag kamali lang ako. Baka hindi si Abby yun. Or, mali lang ako ng narinig. I just hope that Abby isn't cheating to Tristan. I was going to sleep when I received a message coming from Abby. "Hi Aila!" "Have you seen me at the school by any chance?" "I saw you earlier. I just hope that you didn't hear us" "Or just in case please don't tell anyone specially Tristan. I'm not asking you to lie but please give me some time to think. Hindi na kita inantay sa personal cause you might tell him anytime kaya tinext na kita." Sunod sunod na text ni Abby. I didn't know what to say. Pinatay ko ang Cellphone ko saka pinikit ang mata. Ayokong makialam sa away nila. Maaga pa ako bukas kaya hindi na ako nag reply at baka humaba pa ang usapan. Maya maya ay nag vibrate ang cellphone ko. "Goodluck to your pageant. You can do it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD