Iyon lang ang narinig ko. Dahil doon, alam ko na ligtas na ako. Pinikit ko ang mata ko habang naririnig ko ang bawat suntok na binibitawan ng lalaking nag ligtas sa akin. I was praying and hoping na sana walang mangyaring masama sa kanya..
"Tangina!" Rinig ko ang pagmumura ng lalaki. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa takot, at panginginig ng buong katawan ko.
It was Tristan.
"Bina....binaboy nila ako"
Tumakbo papunta sa kinaroroonan ko si Tristan at tinanggal niya ang suot na jacket saka ibinalot sa katawan ko.
"Shh, please don't cry, nandito na ako, I'll make sure they'll pay for this."
Mas lalo pa akong naiyak nang niyakap ako ni Tristan, kung hindi dahil sa kanya, baka tuluyan na akong na rape. Binuhat niya ako at dinala sa sasakyan niya. Umupo kami sa backseat habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Let's go to the hospital." Utos niya sa driver.
Hinarap niya ako saka nagsalita. Seryoso ang muka niya, at napansin ko din na may pasa siya sa muka at sugat sa gilid ng labi. Nakatingin lang ako sa kawalan habang pinoproseso ang lahat ng mga nangyari.
"Maraming salamat Tristan sa pagdala mo sa anak ko dito. Hindi ko alam kung ano pang mas malalang pwedeng mangyari kung wala ka doon. Hindi ko alam kung bakit alas onse na ng gabi lumabas pa siya," mangiyak ngiyak ang boses ni mama.
"Anak, gumising kana," rinig kong sabi ni mama habang humihikbi. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita si mama at si Tristan sa gilid ng kama.
Biglang pinunasan ni mama ang luha niya at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat sa Diyos at gising ka na anak." Bahagyang napangiti si mama.
"Excuse me ma'am, tatawag lang ako ng doctor," paalam ni Tristan.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Wala akong lakas para magsalita. Sinubukan ko pero hindi ko magawa, iniisip ko pa rin ang nangyari sa 'kin.
"Anak, 'wag ka nang umiyak," pinunasan ni mama ang luha ko.
"Nak, magsalita ka naman. Miss ka na ni mama. Ilang araw ka na dito sa hospital."
Pumasok ang doctor at ilang nurse, at nakita ko din si Tristan.
"Dok, gising na ang anak ko. Bakit gano'n hindi pa rin siya nagsasalita." Humihikbi si mama habang tinatanong ang doktor. Agad namang lumapit si Tristan para alalayan si mama.
"Misis, hindi po madali ang nangyari sa anak ninyo. Maaring may trauma siya kaya hindi siya nakakapagsalita. Ngunit panandalian lamang 'yon. Sa ngayon kailangan muna namin siyang kuhaan ng iba pang test para malaman ang kalagayan ng pasyente.
Lumipas ang ilang araw, umaga't hapon nandito si Tristan. May dalang prutas at kung ano-ano pa. Pagdating niya sa hapon ay gumagawa siya ng homework niya. Minsan pa nga ay dito na siya natutulog sa gabi. Minsan din ay naririnig kong may kausap siya sa telepono at tila ba nakikipagtalo.
Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko.
"Aila! Kung hindi pa pumupunta si Tristan sa room para ihatid ang homeworks mo, hindi pa namin malalaman na nandito ka!" nag aalalang sabi ni Kelly.
"Aila, pagpagaling ka na! Miss ka na naming," malungkot na sabi ni Trishia.
"Kaya nga! May dapat ka pang ipaliwanag!" Sabat naman ni amber habang pinasadahan ng tingin si Tristan.
I couldn't talk so I just stare to what they're doing. Listen to what they say, and smile.
"Girl! magpagaling ka na! Malapit na ang pageant. Inaabangan ka namin!" sabi ni amber habang inaayos ang prutas sa mesa na katabi ng kama.
"Alam mo ba? Ginagrab ni Mitch yung opportunity habang wala ka! Sige ka matatalo section niyo" Trishia chuckled.
I smirked. Okay lang naman sa akin kung si Mitch. I'll be happy for that. Hindi ko naman kailangan sumali sa ganoong klaseng patimpalak.
Matapos ang kulitan at kwentuhan nila sa harap ko ay agad naman silang uwi dahil gabi na at delekado na sa daan. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong araw. Tingin ko ay kahit papaano ay nakalimutan ko na agad ang nangyari sa akin, dahil na rin siguro sa therapy.
Nagising ako dahil sa boses na nag uusap sa loob ng kwarto. Agad kong minulat ang mata ko at iginala sa paligid.
"Sige po tita, ako na po ang bahala dito," rinig kong sabi ni Tristan kay mama saka umalis.
Umupo sa tabi ko si Tristan. Saka binuksan ang mga libro niya. Hanga ako sa taong 'to. Bukod sa suplado at mayabang ay masipag din palang mag-aral.
Akmang uupo ako nang biglang binaba ni Tristan ang binabasa niya.
"You need anything?" tumayo siya at nilapitan ako saka inalalayan akong makaupo. Nilagyan niya ng unan ang likod ko para hindi ako mahirapan.
How sweet.
Hinawakan ko ang kamay niya saka ngumiti. God! Thanks for bringing Tristan into my life. I couldn't imagine myself being raped that night.
Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak matapos maalala ulit ang nangyari.
"Shh." he said, wiping my tears.
"Don't cry hindi kita iiwan. Hindi na mangyayari sayo ulit yun." he assured.
"I'll get you a glass of water okay?" sabi niya saka tumalikod. Humakbang siya papalapit sa malapit na mesa.
"Tristan" I finally uttered.
Tristan accidentally drops the glass he was holding when he finally heard my voice. He was startled. I was waiting for him to say a word, but he made some quick steps in front of me. He wrapped his arms around me. I could feel all his feelings and worriedness he felt. I could smell his perfect scents. I closed my eyes to feel his warm hug, I felt safe.
"Say it again," he requested, then finally took his arms and faced me.
I smiled
"Tristan I'm feeling better," I manage to smile.
"Really?" he asked.
I smiled, "Oo," I assured.
Tristan's face was happy, he really was. I don't know why he's so kind to me, but I like it.
"Gusto ko na sanang umuwi?" matipid na sabi ko.
"Sure, kakausapin ko si doc sa baba. If he allows you, then we'll take you home." he said, and smiled at me.
"Thank you Tristan," I replied, and smiled back at him.
"Tristan, may itatanong sana ako sayo," I added, and bit my lower lip.
"Sure, tungkol saan ba?" tanong niya.
"Why are you doing this? We both know na wala ka namang responsibilidad sa akin. Actually, ako pa ang may atraso sa'yo." I sighed, and looked at him, waiting for an answer.
Matagal ko na gustong itanong 'yon, simula nang ma-hospital ako pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon, at lakas ng loob para magtanong.
He sighed, and smiled. "Because I couldn't just watch you that night, and I didn't even know that it was you. But, thanks to me I was able to save you." He replied.
"Okay, sabihin na nating gano'n nga. Why are you staying here? I heard you last night, on the other line. I guess it's your girlfriend. You had a fight, and I know it was because you're here." I looked down, and heavily sighed.
"You were supposed to take care of your girl and not me. You were supposed to be with her not me. Why are you doing all of these?" I confusedly asked.
"I ..I don't know either," umiling siya.
I was about to speak when someone entered the room.
"Tristan, Magkape ka muna," Mom handed him a cup of coffee.
"Thank you po," he politely said, as he took the coffee.
Nag uumapaw ang ngiti ni mama dahil sa tuwa nang margining niyang nagsasalita na ulit ako.
Nagpaalam lumabas si Tristan at naiwan kami ni mama.
Masaya ako dahil masaya si mama, at bumalik na ang sigla niya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong ko kay Tristan.
"Mama, saan po si Tristan?" tanong ko habang nakatingin kay mama.
Instead of answering, she smiled.
"Ma? asan po si Tristan?" Pag-uulit ko.
"Lumabas anak, aasikasuhin niya daw ang bills para makalabas ka na. Tinanggihan ko nga eh, kasi sobra na ang naitulong niya pero nagpumilit siya," paliwanag ni mama.
"Gano'n po ba?" I sighed heavily knowing Tristan's help was too much.
"Nako anak ha, hindi ka nagsasabi na may kaibigan ka palang Tristan. Kaibigan nga ba? or ka-ibigan?" panunukso ni mama.
"Ma!" saway ko, at bahagyang natawa.
"Bakit? Nakita ko paano ka niya tignan habang natutulog ka. Noong isinugod ka niya dito, yung pagaalala niya, at kung paano ka niya bantayan. Dito na nga siya minsan natutulog. Ginagawan ka pa ng notes!" natatawang kwento ni mama.
"Ma, may girlfriend na po si Tristan. Magkaibigan lang po talaga kami." dipensa ko sabay iwas ng tingin.
"Sige, kung kaibigan lang talaga." biro ni mama, at umiling.
"Ma!" saway ko
"Mabait na bata si Tristan anak. Wala akong nakikitang mali sa kanya. Wag mo sayangin ang pagka-kaibigan ninyo." Paliwanag ni mama.
"Opo mama." Tumango ako at nginitan si mama.
Maya maya ay biglang bumukas ang pinto.
"Oh, Tristan ikaw pala," nakatinging sabi ni mama, habang nakatingin kay Tristan na naglalakad papalapit sa amin.
"Tita, nakausap ko na po ang doktor. Titignan daw po nila ulit ang kalagayan ni Kat."
Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. That was my second name.
"Maraming salamat. Tristan."
"Uhmm Tita, may kailangan po kayong pirmhan sa baba para bukas ay makakalabas na tayo," paliwanag ni Tristan saka ngumiti.
"Oh sige, maiwan ko na muna kayo," paalam ni mama.
"Tristan ikaw na muna ang bahala sa anak ko," bilin ni mama saka tinapik ang balikat ni Tristan bago umalis.
"Kat huh?" I smirked.
"Why? I like your name. It suits you, Kat." He complemented, and gave me an evil smile.
"Whatever!" I rolled my eyes.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at umupo sa tabi ko.
"You don't want me to call you Kat?" he whispered.
Umiling ako. Naiilang ako pag Kat. Mas preferred ko ang Aila.
Nagulat ako ng mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Fine!" he finally said.
"You awe me your life right?" he asked.
"O.. of course!" Diretsyong sagot ko.
Nilapit niya ang pisngi niya sa mukha ko.
"Then can I have at least a kiss?" he pouted.
"Whaaaat?!" Napalakas ang boses ko nang marinig 'yon.
"Well, if you didn't want to. Okay lang naman. Nabugbog lang naman ako habang nililigtas ka." He pouted his lips and heavily sighed.
Napabuntong hininga nalang din ako sa sinabi niya. Is it necessary to kiss him?
Pero iba ang iniisip ko sa nagawa ko. Mabilis kong dinampi ang labi ko sa pisngi niya.
He smiled.
"Isa pa nga," he requested looking at me.
Nanliit ang mata ko sa narinig ko.
"Are you taking an advantage to what you did for me? Kasi kung oo, sana hindi mo naginawa ang bagay na 'yun." I explained.
"Kiss lang naman. Hindi nga kita sinumbatan nung hinalikan mo ako sa EK," panunumbat niya.
"Sige kung ayaw mo talaga, okay lang naman. Ako lang naman ang nag alaga sayo, at gumawa ng assignment mo, pati na rin no.." pangongonsensya niya.
Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin ay nagsalit ako.
"Fine! Last na 'to," napilitang sabi ko, at inirapan siya.
Sa halip na sa pisngi, ay nagulat na lang ako nang bigla siyang humarap nung akmang dadampian ko na ang pisngi niya. Nagtagpo ang labi niya sa labi ko.
Lumakas ang t***k ng puso ko. I was practically at freeze when it happened. We look into each other's eyes. Parang may kuryenteng dumadaloy sa mata niya.
Ang matangos niyang ilong. At ang labi niyang malambot.
SHIT!
Bigla ko siyang tinulak palayo nang marealize ko ang ginawa niya.
"Was that your another FIRST?" he teasingly said, and chuckled.