"There you are, annoying girl."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Hindi ako makagalaw sa kinaroronan ko. Tama ba ang narinig ko na boses? Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kinatatayuan ko. Sana ay kainin na ako ng lupa. Sumulyap ako at agad na pinulot ang laman ng supot na binili ko. Pagkatapos ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo palayo sa kinatatayuan ng lalaking iyon.
Maliit pa rin ang hakbang ko kahit tumatakbo na ako, kaya agad pa rin akong naabutan ng lalaking iyon.
"Stop running away from me," rinig kong sigaw ng unggoy na 'yun mula sa likuran ko.
Hindi ako nakinig kaya patuloy pa rin ako sa lakad takbo na kanina ko pa ginagawa.
"Or Else, mapipilitan akong ikalat ang picture nating dalawa sa campus ninyo," he threatened me.
Agad naman akong napahinto nang marinig ang salitang iyon. Ano to? Blackmail?
I bit my lower lip, "Uhhm.. " I finally faced him.
"Sino po ba ang kausap ninyo?" I asked him, acted like I didn't know him.
He smirked, and make some step closer to me.
"Fool anyone but not me," he uttered.
"A..ano po yang pinagsasabi ninyo?" I tried to smile as if I don't know what he's talking about.
He took another step.
Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, at para bang nakadikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
"Pasensya na po, aalis na ako," I told him, looking down.
Instead of saying anything, he took another step. This time, we are just inch away from each other. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. I'm not obligated to give a birthday present yet, I kissed him without hesitating. My heart is currently beating so fast, but I still look him anyway.
"Mister, wala po akong alam sa sinasabi ninyo. Kung pwede ay layuan niyo na ako," I politely told him and smiled.
Lumapit pa siya sa akin kaya napapikit ako.
Lord! Patawarin niyo na po ako! 'Wag naman po ganito.
Naramdaman ko ang hininga niyang tumatama sa leeg ko. Kinilabutan ako sa naramdaman ko. Hindi ako ready sa second kiss ko! 'Wag mo ako nanakawan ng halik Unggoy!
"You kissed a wrong man. I'll make sure I won't let you get away with this," he seductively whispered.
I took a gulp of air, to steady myself.
"See you around," he smirked and left me.
"Ahhh!" Tili ko nang makarating ako sa kwarto ko.
I can't believe this is happening to me! Isinubsob ko ang mukha ko sa malambot ko na unan. I wanted to shout right now! Isang kahihiyan lang naman ang nagawa ko. I made a mistake, I think I'll face it. Pumikit ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Nak, alas-otso na. Bumaba ka na at kumain," rinig ko na sabi ni mama mula sa labas ng pinto.
Kinusot kusot ko ang mata ko. Panaginip lang ba ang lahat?
I sighed heavily knowing it wasn't a dream. I look at the clock beside my bed. Nanlaki ang mata ko at biglang nabuhayan nang makitang alas otso na pala. Dali-dali akong bumaba at habang sumisigaw kay mama.
"Ma! Ma!" Sunod-sunod na tawag ko kay mama.
"Oh, anak may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni mama habang nakatingin sa akin mula sa hagdan.
"Ma naman, bakit hindi mo naman ako ginising agad? Gabi na pala, may quiz pa kami bukas at hindi pa ako nakakapag review." Pag-dadabog ko habang nag hahain.
"Mukhang pagod ka at inaantok, kaya hindi na muna kita ginising nak. Masama ba pakiramdam mo? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ma, okay lang po ako. Nakakainis naman kasi. Humiga lang ako saglit nakatulog na ako ng tatlong oras" Matamlay na saad ko, at umupo na sa mesa.
"Hay nako, Ang mabuti pa ay dalian mo na para magawa mo na ang dapat mong gawin" Dagdag niya, habang pinupunasan ang mesa.
Pagkatapos kumain ay agad akong pumunta sa kwarto at kinuha ko ang bag ko. Habang hinahanap ang notes ko, ay bigla ko nalang nasiko ang isa ko pang bag mula sa tabi ko, kaya nahulog at nalaglag ang mga laman nito sa sahig. Tinitigan ko muna ang bag, at napabuntong hininga nalang ako, saka kinuha ang bag at isa isang binalik ang laman nito. Isang malambot na bagay ang nakapa ko kaya agad ko na kinuha iyon.
Iyon ang stuff toy na binigay niya sa akin noong fieldtrip. I bit my lower lip, and smile all of a sudden. Maybe it's time to face what I did. Hindi ko matatakasan ang ginawa ko.
Inayos ko ang gamit at binalik sa pwesto. Ilang minuto na akong naghahanap ng notes ko pero hindi ko mahanap iyon. Hindi ko magagawa ang project ko hanggang wala iyon. Kinuha ko ang phone ko para mag online at makapagtanong sa group chat namin kung may nakakita ba ng notebook ko.
Nakita ko na may limang notification, tatlong messages, at isang friend request. Binuksan ko ang messages. Nakita ko na groupchat ng section namin, groupchat namin nila Kelly, at isang message request.
Hindi ako mapakali sa friend request kaya binuksan ko iyon. Tristan Skyzer De Villa, napakunot naman ang nook o dahil hindi naman pamilyar ang pangalab, kaya binuksan ko 'yon at nakitang..
It was him. Kasama niya ang girlfriend niya sa profile picture niya. I was amazed by the looks of the girl. Ang ganda niya, no wonder she caught Tristan's heart. I suddenly felt insecurity. Napalingon ako sa salamin sa gilid ko. Hindi naman ako gano'n ka pangit hindi din naman ako gano'n ka ganda.
I sighed heavily knowing I had nothing to be proud of. Nilapag ko ang cellphone ko at biglang isinubsob ang mukha sa unan.
Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ko, kaya agad ko naman tinignan ito at nakita ko na si Tristan iyon.
"Hi! Accept my friend request or I'll post our sweet photo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Is he blackmailing me? Agad kong inaccept ang friend request niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Happy?" I replied.
"Ang pangit mo sa profile picture mo!" Panlalait niya.
"Talaga? Nanlait ka pa talaga?! Pasensya na ah? Hindi ako pinanganak na kasing ganda ng girlfriend mo!" padabog akong pumindot sa cellphone habang nagrereply.
Shit! I found myself clicking the send button. Sinampal ko ang sarili ko dahil sa kagagahan nagawa ko.
"Chill, are you jealous?" he replied.
"Wow? Saan ka humuhugot ng kakapalan ng mukha mo ha? Ang Y.A.B.A.N.G M.O!" I replied.
"Ang cute mo!"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniinis, tapos maya-maya ay isang puri niya lang, napapangiti na ako.
"Hey,why did you do that?" he asked.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil malandi ako? Dahil trip ko lang?
"It's just a kiss, a friendly kiss. Does it even matter to you? You asked for a present so I give you one" I replied.
Hindi ko alam kung paano ako nakabuo ng mga salitang sinend ko. Tama nga naman ang rason ko, a friendly kiss.
Nilapag ko ang cellphone sa tabi at nagsimulang mag review. Ilang minuto na ang lumipas, pati na din oras pero walang reply ni Tristan. Tinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Alas onse na, tinignan ko ang phone ko at humiga sa kama para makapagpahinga saglit ang likod ko. Hindi ko ma- refresh ang messenger ko dahil ang bagal ng data. Tinaas ko iyon at baka sakaling makasagap ng malakas na signal.
"Aw!" Napapikit ako nang mag vibrate at mahulog ang phone sa mukha ko.
It was a text message from unregistered number.
"Pumunta ka sa seven eleven."
Nanlaki ang mga mata ko, at napaawang ang bibig dahil sa nabasa ko, at agad na inayos ang sarili bago umupo.
"Who are you?!" I replied.
"Tumatakbo ang oras."
Tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Ano ba'ng pinagsasabi niya?
"What do you want?" I asked.
"'Wag ka na magtanong, kung ayaw mo na.." Iyon lang ang sinabi niya.
Napabuntong hininga ako, at nagdalawang isip. Pinikit ko ang mga mata ko saglit, at agad ko na kinuha ang jacket at ang wallet ko. Dahan dahan lumabas ng bahay, dahil baka makita ako ni mama. Nang maka-labas na ng bahay ay nagmartsa ako habang nag lalakad dahil sa inis. Ano ba ang kailangan niya? Alas onse lang naman ng gabi para sa kalokohan ni Tristan.
Nahabang naglalakad ako ay bigla nalang akong nakapansin na parang may sumusunod sa'kin, kaya binilisan ko ang paglalakad.
"Hi miss," baritono ang boses nito, at agad naman akong napahinto nang marinig iyon. Lumingon ako mula sa likuran ko pera wala namang tao. Medyo madilim na sa parteng pinaglalakadan ko kaya binilisan ko ang pag lakad. Lumilingon ulit ako sa likod habang naglalakad nang may biglang humarang sa harap ko.
"Pare, mukhang naka jackpot tayo ngayon ng biktima." Rinig ko na sabi ng lalaking may edad na.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Bigla akong kinabahan, at nanginginig na ang tuhod ko.
"Sinabi mo pa!" Pagsang-ayon ng kasama niya.
Natigilan ako, at saka lumingon sa likod. May isa pa na lalaki siyang kasama. Kinakabahan ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Naramdaman ko na din ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.
Dahan-dahan silang lumapit at pinalibutan ako.
Sinubukan kong tumakbo at itulak ang lalaking nasa harap ko, pero hindi ako nagtagumpay dahil malakas siya at matangkad.
Nawalan ng lakas ang buong katawan ko habang inaamoy amoy nila ang leeg ko.
"Ang bango mo naman miss," ani ng lalaking nasa likod ko.
"Ang swerte naman namin sayo," dagdag pa ng kasama nila.
"Paalis niyo na po ako, parang awa niyo na po," Maingiak-ngiyak na pag-ma-makaawa ko.
Hinawakan nila ako ng mahigpit, at nagsimulang halikan sa pisngi papunta sa leeg.
Humahagulgol na ako sa kakaiyak, wala akong magawa. Wala akong lakas para makatakas sa dami nila.
"Maaawa po kayo sa akin, 'Wag po," umiling ako at nagmakaawa habang umiiyak, pero hindi nila ako pinakinggan, sinubukan ko na kumawala sa pagkakahawak sa 'kin. Ang lakas nila, kahit ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko, kulang pa rin.
Tinakpan nila ang bibig ko at nagsimualang tanggalin ang jacket ko. Wala akong ibang iniisip kun'di makawala at magbakasakaling may sasagip sa kin.
Gumapang ang kamay niya papunta sa damit ko, at pinunit ito. Pinilit ko na sumigaw pero wala din namang nakakarinig dahil tinatakpan nila ang bibig ko. Sinubukan kong kumawala pero sinuntok nila ang sikmura ko.
Hinang hina na ako, ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko para makawala, halos hindi na ako makahinga dahil sa iyak at pag-ma-makaawa.
Wala akong magawa habang pinupuno nila ng halik ang pisngi pati na ang leeg ko.
Hanggang sa nagsimulang maglakbay ang kamay nila sa hita ko. Hindi ko kaya ang nangyayari, wala akong magawa kun'di umiyak, umiling at magdasal na sana may magliligtas sa 'kin.
Bago pa man tuluyang mapunit ang short ko ay may bigla nalang bumusina at nakakasilaw na ilaw, dahilan para mapahinto sila.
"Get your f*****g hands off with her!"