Chapter 3

3450 Words
I grabbed the latest issue of our hospitality magazine and the previous one where the top bachelors where featured after work and went straight to the supermarket to stock some foods and all other things in the condo. Matagal-tagal din akong hindi nakapamili dahil sa sobrang busy at ako nalang din naman ang nakatira sa condo. Madalas ay hindi na rin nagagalaw ang mga nabibili ko dahil maghapon naman ako sa opisina, dinner nalang pero puro gulay, prutas, o biscuits nalang ang kinakain ko. Daig ko pa ang may alagang mga bata sa mga pinamili kong biscuits, candies, and chocolates. As much as I want to stop eating sweets, I just can't. It's my stress reliever and guilty pleasure. I'll just have to double my work out if I ate beyond my set limit per day. After my healthy dinner, I snatched one pack of my gummies in my secret stash in my room and go back outside to lounge at the very relaxing balcony na pina-renovate pa ni Ate Hope noon bago siya ikasal. I sat on the rattan swing hammock, placing the magazines on my lap and my gummies. I leaned back to stare at the night sky. The condo is so peaceful. Hinahanap ng ilong ko ang amoy ng mga nilulutong pagkain ni Ate Hope at ng tainga ko ang matamis na boses ni Ate Serene. I miss my sisters but I'm happy for them and I already accepted that someday, this would happen. May sarili ng pamilya si Ate Hope at si Ate Serene naman ay nabuo na ang kanyang pangarap sa Paris. She found what she really love to do, at alam kong babalik siya para isa niya pang pinakamamahal na nandito sa Pilipinas. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking pagda-drama. I don't know why I feel so sentimental right now. At kung tatawagan ko pa si Lolo Joaquin ay lalo lang akong malulungkot at baka pati siya ay mag-alala. Binuksan ko nalang ang gummies ko and set it aside beside my lap and started reading the latest issue magazine while eating one gummy per page. Maigi kong tinitigan ang bawat litrato ng Aston Hotel mula sa exterior hanggang sa mga iba't-ibang facilities nito sa loob. The poolside is what I really love the most, and if I would have time to do R&R, I would definitely stay in Aston Hotel to have the experience. On the next page, the bar named Saudade is featured. It's connected to the hotel, thus it's also expected to an elite bar. I didn't know that it is owned by Kuya Dex until we featured it in our magazine. Matagal akong walang balita sa kanya simula ng umalis si Ate Serene, it's good that he is also striving hard to reach for his dreams. Isa nalang ang kulang sa kanilang dalawa. I moved on to the next magazine after seeing Aston Hotel and flipped it on the page where the list of bachelors are. Nasimulan ko na ito noon, hindi ko palang talaga ito nakukuhang matapos. Nakakalungkot pa na wala ang binoto ko sa listahan na ito. Am I that bad at choosing a guy? Pangit ba ang taste ko? Tamad kong nililipat-lipat ang mga pahina hanggang sa makarating na ako sa wakas sa top 5 and it started with Mr. Saavedra. He looked so handsomely good in the pictures pero may mayabang talaga siyang dating na ikinatu-turn off ko. But, those perfect jawline.... I popped in two gummies in my mouth as I read his profile. I already know his name, Warayne Saavedra. Iyon ang pakilala niya sa akin. 27 years old turning 28 this year, the new owner of the Saavedra hotel chains taking over after his father who just retired 2 years ago. No wonder he has kayabangan aura. He is born with a silver spoon in his mouth. In two years' time, kasama na kaagad siya sa listahan ng Eligible Bachelors. Yeah, why not? He has the looks, money, and the skills of being an entrepreneur. But, does he have a good heart? "Really??" Reklamo ko nang wala na akong nakuhang gummy. I closed the magazine and crumpled the empty plastic of my gummies. Sobrang bitin, parang hindi naman ako nakakain. I'm tempted to open another one pero pinigilan ko nalang ang aking sarili at natulog na lamang. Better to be safe than die from sweets overdose. Kinabukasan ay naghanda kaagad ako para pumunta sa bahay nila Ate Hope. Sometimes on a weekend kapag walang ginagawa, usually on Sundays ay naka-ugalian ko na ang dumalaw sa kanilang bahay lalo na ngayon na may nilalaro na akong baby. The gate opened as I arrived at ipinasok ko ang aking sasakyan papunta sa garahe. Sinalubong at binati naman ako ng kanilang guard pagbaba ko ng aking kotse. Noong una ay nagulat pa ako na may bigla nalang umaaligid na mga tao sa akin, pero makalipas ang ilang buwan ay nasanay na rin ako sa kanila everytime I go here or meet Ate somewhere. Kuya Lorenzo also offered me to have a bodyguard pero tinanggihan ko. Maganda naman ang security sa condo and I'm always keeping a low profile. Hindi naman din ako madalas lumabas and I love my privacy, hindi ko na kailangan ng bodyguard. Lagi naman namin na nakakausap ni Ate Hope si Ate Serene online at napag-usapan namin ni Ate Hope ang sorpresang sinasabi niya sa amin na malapit ng dumating. She doesn't want to give any clues pero pareho ang hula namin ni Ate Hope. "Babalik na talaga siya." I nodded my head in agreement. Wala naman ng iba pang nakakasorpresa kung hindi ang pagbabalik niya. Everyone misses her already and I'm excited na mayroon na uli akong makakasama sa condo, hindi na ako mag-iisa at malulungkot. "Who will be back?" Singit na tanong ni Kuya Lorenzo habang papalapit sa amin sa living room buhat si baby Laurence. "Secret." Sabay namin na sagot ni Ate sabay tawa namin pagkatapos. Maghapon din akong nagtagal sa kanilang bahay at umuwi pagkatapos magdinner sa kanila. It wasn't long before I fell asleep. At work, I started planning again for a team building. We have done this last year before the opening of my publishing company and now that we are growing and that there are new employees, with the addition of stress from the last magazine issue that we published, I believe it's time for another team building. Team building events are a must. Whatever your company and no matter how big or small, your business will be more productive when your team is happy. Nagpatulong ako kay Lloyd na maghanap ng lugar na pwede naming puntahan that is best for this kind of events. Yung may malaking space that can accommodate us all, has a lot of activities offered, and has good facilities. "Why not do it at Aston?" He suggested. Aston is a very good place but for me, it isn't fit for a team building activity. It's more for relaxation and.... alone time? I don't know, but one thing I'm sure is that it's not in the options. Baka magyaya pa silang mag-bar at mag-casino nalang kapag doon kami nagpunta. I've searched resorts in the internet and list all places that I find fit for our event. I'll make a booking once I have already scouted the places. Madalas kasi ay maganda lang sa picture at iba naman ang itsura sa personal. Nagpasama ako kay Lloyd on the weekend going to the resorts that i've listed. Kotse ko na ang dinala ko as I feel safe driving it lalo na sa mga long distance travel at mas komportable ako rito. Halos lahat naman ay sa Batangas kaya pinili ko na roon na lamang. Hindi rin ganoon kalayo sa Maynila so I can just rent a bus for everyone. We've been to 4 different resorts pero wala pa rin akong napipili. Nakuha ko ng magreklamo kay Lloyd dahil sa init at gutom kakalakad. "Ikaw naman nagdi-drive. Stop at the nearest resto so we can eat. Huwag kana maghanap ng eat all you can, kahit saan pwede na, order ka nalang ng madami. Good for 10 ganon." I pursed my lips and think of foods that I want to eat hanggang sa makabalik na kami ng Maynila. I parked my car to a restaurant at lumabas ng walang kibo sa aking sasakyan. Sa lagay kong ito, baka malugi ko na ang eat-all-you-can restos. "Bee..." Tawag ni Lloyd na nakasunod sa akin. I ignored him and asked the host for a table for two. I followed him inside and stopped midway when I saw someone familiar. "Ace!" "Sshhh!" Bawal ko pagharap ko sa kanya. Baka marinig siya ni... "Mr. Saavedra?" Lloyd surprisingly said. Napapikit ako at dahan-dahan na humarap kay Mr. Saavedra. "Ace." He smiled. "Warayne." I awkwardly smiled back. Inayos ko ang bangs ko sabay lingon kay Lloyd. I know we look haggard already, nabilad at napag-pawisan na kami buong araw at hindi na kami mukhang presentable. "Working on a weekend?" Warayne asked. "Naghahanap lang ng resort para sa team building sa kumpanya ni-" "Oh!" I reacted sabay turo sa may malayong banda. Sabay pa sila na napalingon doon at hinanap ang aking tinuturo. Wala naman talaga akong nakita, I just want to stop my friend from talking too much. I don't want Warayne to know that I own Simplicité Publishing. When people knew that I am Ace Lopéz and that I own Simplicité Publishing, nag-iiba ang tingin nila sa akin. I don't want people to treat me differently just because I have money or simply because our family is known in the industry. I don't want anyone to think highly of me, ayoko na nagbabago ang pakikitungo sa akin ng mga tao. I am just me. Simply me. "I thought I saw someone familiar." Sabi ko. "Iba pala." Dagdag ko pagbalik nila ng tingin sa akin sabay iwas ko naman ng mata sa kanilang dalawa. Tumikhim si Warayne saka ngumiti sa akin ng tignan ko siya. "If you need a resort, I can help you with that." He said. Kumurap lang ako at hindi nagsalita. Wala naman tulong si Lloyd para matakasan ko itong mahangin na lalaking ito na nasa aking harapan. Parang gusto niya pa ang naririnig niya, because in the first place, Aston na agad ang sinuggest niya sa akin. Nilabas niya ang kanyang wallet saka may kinuha na isang card. Nagtawag pa siya ng tao sa restaurant saka sumenyas ng kung ano at may iniabot naman sa kanya na bolpen. May isinulat siya sa likod ng card saka niya iyon ibinigay sa akin na kunot noo ko naman na tinignan nang mahawakan ko na. "That is my personal number. Call me so we can talk about it. I'm sure your boss will be delighted." Ngiti niya na lalong ikinasama na aking mukha. "I can give an 'Ace' discount." "Hundred percent discount?" Biro ko. If he would say less than that, I will punch him in the face. I will not accept a small discount because hindi ako basta-basta. He said Ace, so dapat tapat ang ibibigay niya. Ngumuso-nguso siya para pigilan ang kanyang mayabang na ngiti. "How about we talk about it over dinner?" He asked and I just looked at him without blinking. "A business proposal dinner." He added. "I'll think about it." I answered and rubbed my stomach. "Because I can't think of anything else but food right now. I'm super hungry." Napatingin siya sa aking tiyan pero agad din na binalik sa aking mukha ang kanyang tingin saka ngumiti. "Of course, I wouldn't want you to starve. I'll wait for your call." Presko niyang sabi. With that, he left us in peace at mapagtaka naman akong tinitigan ni Lloyd pagkatapos. "What was that about?" Nagkibit ako ng balikat saka ko hinila nalang ang kanyang braso at dinala sa aming lamesa. I don't know what he was asking, ang gusto ko nalang gawin ngayon ay ang kumain. At kung hindi pa ako makakakain ngayon ay makikita na nila ang dark side ni Ace. Hindi nila gugustuhin na gutumin ako. "Finally, hindi kana badtrip." Lloyd said. I smiled at him while swaying my head lightly from left to right. Sumusubo ako ng cheesecake at excited ako na tikman kauwi ang pina takeout ko na keto chocolate donuts. Umiling-iling lang siya sa akin habang pinagmamasdan ako. Alam niyang gutom na ako kapag bad trip na ako at sobrang saya ko naman kapag nakakain ko na ang mga desserts na masasarap. Pero Lloyd knows that I hate anything unplanned, sobrang stress ko sa mga ganoon at nawawala talaga ako sa mood. Gusto ko laging handa, plantsado ang lahat. Hindi ko na nasundan pa ang pag-scout ko ng mga lugar para sa aming team building dahil na-busy na naman ako sa publishing at sa madaming trabaho na tinatapos. Malamang ay sa katapusan na iyon mangyayari, on the holidays para hindi apektado ang aming monthly issues of magazines. Ilang linggo lang din ang binilang ko bago umuwi si Ate Serene ng Pilipinas. Mag-oopen na ang Flâner dito at siya pa mismo ang model. Nahulaan na namin ni Ate Hope na uuwi siya pero hindi naman namin naisip na magakakaroon na rin pala ng brand niya rito. We are so excited for her at pupunta pa kami ni Ate Hope sa opening ng kanyang store. She sent me her flight details a month ago pa kaya ngayong araw ng pagdating niya ay hindi na ako pumasok sa trabaho ng umaga para masundo siya sa airport. An hour before her arrival ay dumating na ako sa airport and sent her a message. Hindi na ako nagulat na sobrang daming tao na naghihintay sa labas para makita siya. She announced her arrival in her i********: kaya pinagkaguluhan ng mga tao. Matagal siyang nawala pero hindi pa rin nabawasan ang charm niya sa mga tao. I'm amazed how well she handle this kind of crowds and the attention. Ako nga ay kulang nalang pilitin na maging bula para lang hindi mapansin, but it's so hard dahil sa buhok ko pa lang na sobrang light ay agad na na napapansin ng mga tao. Ito yata ang una nilang tinitignan bago ang kung anong parte sa aking katawan. I tried coloring it black noong teenager pa ako pero nahuli ako ni Ate Serene saka siya nagsumbong kay Ate Hope at Lolo Joaquin. Agaw pansin kasi at gusto ko lang na katulad ng sa iba na brown or black lang. Lolo said that I should love myself and accept what God gave me kaya hindi ko na ito pinakialaman pa. Nang makita ko na lumapag na ang kanyang sinasakyan na eroplano ay agad akong naghintay sa waiting area sa labas para salubungin siya. Mukha pa siyang nagulat paglabas niya dahil bahagya siyang natigilan habang nakatingin sa mga tao sa gilid pero mabilis din na nakabawi at matamis na ngumiti. She hugged me so tight pero hindi ako nagreklamo at niyakap nalang din siya ng mahigpit. "Love the hair, Ate Serene." Bati ko sa kanyang bagong kulay na ice blonde hair at malapad na ngumiti. Hindi na ako nag-iisa ngayon at mas pukaw atensiyon pa ang kanya. Bagay naman niya kahit anong kulay ng buhok at lalo lang siyang naging fashionable sa pananamit. Mukha na siyang hindi Pilipino, nakuha na rin niya ang accent doon. Inihatid ko siya sa condo at saka ako nagpaalam sa kanya na papasok na muna ng trabaho para makapagpahinga naman siya. Tomorrow we will surprise her, kind of, dahil alam naman niya na sa bahay nila Kuya Lorenzo ang dinner to welcome her back here in the Philippines. "Kamusta Ate mo na crush ko?" Silip ni Lloyd sa aking opisina. "Ayun, hindi ka pa rin niya crush. Hindi nga niya alam na nag-eexist ka." Sagot ko. Masama niya akong tinignan at tinawanan ko lang siya. College pa lang kami noong inamin niya sa akin na crush niya si Ate Serene. Madalas pa noon ay iniiwasan ko siya dahil feeling ko ay ginagamit niya lang ako para mapalapit kay Ate, pero hanggang tingin sa malayo lang pala siya. Ayaw naman niya na ipakilala ko siya dahil crush lang naman daw. Though alam naman nila Ate na may Lloyd akong kaibigan. "Shoo!" Taboy ko. "Trabaho bago-" "E ikaw? Saan si crush mo ha?" Putol niyang asar sa akin. "Wala akong crush." I said rolling my eyes at him and continued typing on my laptop. "Ano ka, Abnormal? Lahat tayo may crush, bee. Aminin mo na kasi na crush mo ko." Ngiti niyang aso sa akin. I glared daggers at him. "Leave me be or i'll cut you in two." Inis kong sabi at mabilis naman siyang umalis sabay ngiti ko. Lloyd is my bestfriend at kahit anong asar ng lahat sa amin ay hindi talaga kami madedevelop sa isa't-isa. He is like a brother, who is also a friend, and many more to me. Alam niya rin iyon sa sarili niya. Pero sabi nila, huwag magsalita ng tapos so, I'll just keep it to myself. Dinatnan ako ni Ate Serene na nagkakape sa umaga and I offered to help her run errands. Sumaglit pa siya sa aking publishing dahil gusto niya raw itong masilip saka rin nagpaalam na umalis pagkatapos. Balak ko rin naman talaga siyang ihatid pabalik sa condo dahil kailangan kong mauna sa kanya mamaya sa bahay nila Kuya Lorenzo. Bukod sa welcoming party namin para kay Ate Serene ay nagulat din kaming lahat sa balita nila Ate Hope tungkol sa kanyang pagbubuntis. Sa wakas ay magkakaroon na ng kalaro ang aking pamangkin at dadami na ang malalaro kong bata. Sa opening ng store ni Ate Serene ay ang publishing ko ang kanyang napiling paunlakan para i-feature ang grand opening ng Flâner. Gaya ng dati, ako lang din ang nakakuha ng rights para ipakita ang kanyang store sa Paris. I know na bias iyon but what can I say? Blood is thicker than water. Pagdating ng mga empleyado sa Flâner para mag-ayos ay sinabayan na rin namin sila sa pag set-up ng aming gamit sa itaas. The interview will happen on the 2nd floor where the mini event space is. "Bug! Will you sit still?" Saway ko. Kanina pa siya upo-tayo na hindi mapakali sa sarili niya. Hindi naman siya ang kumukuha ng mga litrato, at mas lalong hindi naman siya ang mag-iinterview sa Ate ko pero akala mo siya ang haharap. "Excited lang ako." "Whatever." Walang pakialam kong sagot. "Die-hard fan." Bulong ko pa pagkatapos. Madami pa akong skincare na bigay ni Ate Serene pero isang katutak pa rin ang binili ko sa kanyang store. Mapili ako sa mga skincare products ko pero now that there is Flâner, magiging loyal na ako rito. I love Ate Serene's products at hiyang ko naman iyon. Sa nagdaang araw pagkatapos ng opening ng store ni Ate Serene ay napansin ko na lagi siyang lumalabas sa gabi. I know how she likes going to bar, pero may mga panahon na napapansin kong malungkot siya kaya alam ko na hindi party ang pinupunta niya roon. Ayoko nalang magsalita dahil alam ko naman na alam niya ang ginagawa niya. Mas iniisip ko tuloy siya kaysa sa aking kumpanya. She isn't the type of woman who will show her weakness to others. Madalang ko lang din siya makita na hindi nangingiti at tahimik. At alam na alam ko ang ngiti niya sa akin sa mga nagdaang araw ay malungkot kaya kahit hindi ako into shopping spree ay kinulit ko siya na lumabas. She needs to unwind or kahit malibang lang saglit. "Fine, get dressed now." Suko niya sa aking pagpapa-awa. Mabilis akong pumasok sa aking kuwarto saka nagsuot ng damit na mabilis suotin dahil baka magbago pa ang kanyang isip na sumama sa akin. I hastily run back to the living room wearing my black plain sleeveless top tucked in my white square pants while holding my YSL body bag to wait for Ate Serene to finish dressing up. Lumabas siyang maganda sa kanyang kuwarto at sinabing lazy outfit daw iyon. Whatever she calls it, lahat ay bagay niya dahil magaling siyang magdala ng damit. Ilang oras din kami na naglibot ni Ate sa mga shops. May mga nabili rin naman siya pero natalo ko siya sa pamimili ngayon. Kailangan ko na rin ng mga bagong damit at kahit halata na wala siyang gana ay hindi ko iyon pinapansin. "I'm hungry, Ate. Let's eat." Aya ko sabay hila nalang sa kanya papunta sa isang restaurant. "Lopéz?" Rinig ko habang kausap ko ang hostess. Sabay kaming napalingon ni Ate Serene roon at kumunot kaagad ang noo ko pagkakita sa kanya. What a small world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD