Chapter 4

3726 Words
The world is very large and a lot of people are in it. To meet him again in a restaurant by chance, then our world doesn't seem so big at all. Hindi ko na nagawang sulyapan pa si Ate para makita ang kanyang reaksiyon dahil titig na titig ako sa lalaking nasa aking harapan na nakasuot ng all black top and trousers at tan colored coat. Nakatitig lang din siya sa akin na parang may gustong sabihin pero hindi matuloy-tuloy. I also want to ask kung paano niya nalaman na Lopéz ako gayong wala naman akong sinasabi sa kanya. Lalo pa akong nagulat nang biglang dumating si Kuya Dex, buti nalang ay kinuha ng hostess ang aming atensiyon bago pa magkaroon ng kung anong eksena. "I'll usher you to your table, Ma'am. This way po." Ngiti niya sa amin ni Ate. Maglalakad na sana ako ng hindi na sinusulyapan ulit si Warayne nang bigla siyang magsalita. "Table for four?" I whipped my head back and looked at him annoyingly. I don't know what he is thinking but this not good for Ate. She still feels bad at hindi ko alam kung ayos lang sa kanya na makasama si Kuya Dex. If it's just him, I can totally survive all throughout without blinking. "Let's talk about your... business proposal." Ngiti niya. "Shall we?" Dagdag niya pa sabay lahad ng kamay sa amin papasok sa loob. Lalo lang lumapad ang ngiti niya pagkatapos ko siyang hindi pansinin at nauna nalang na pumasok sa loob nang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Salad nalang din ang inorder ko gaya ng Kay Ate Serene. Nawalan na ako ng gana na kumain nang maupo ako kaharap ni Warayne na nag-order lang ng kape. I think nang-aasar lang siya but I'm more concern with my Ate. Habang naghihintay kami ay sinusulyapan ko rin si Kuya Dex na busy sa kanyang phone. Sigurado ako na nagkakilala sila dahil sa bar na pag aari ni Kuya Dex na parte ng Aston. Hindi ko lang alam kung alam ni Ate ang tungkol doon. Napansin ko ang obvious na pagtitig ni Warayne sa amin ni Ate Serene nang mapasulyap ako sa kany galling sa pagtingin kay Kuya Dex. Halata naman siguro na magkapatid kaming dalawa, hindi nalalayo ang itsura namin kahit kamukha niya si Papa at ako naman ay si Mama lalo na at pareho na kaming light hair ngayon. Maya-maya pa pagkatapos niya kaming titigan ay nagpakilala siya kay Ate. "...Warayne Saavedra." I wrinkled my nose when I heard him say his name. Sigurado akong natatandaan siya ni Ate dahil siya ang nakita niya sa magazine sa aking opisina noon nang dalawin niya ako para yayain na magdinner. Pinakita niya pa sa akin ang picture at sinabing guwapo siya which is true naman. Guwapo naman talaga siya, mahangin lang. "...bro?" Tawag niya kay Kuya Dex kaya bigla akong napatingin kay Ate Serene na hindi ko mabasa ang ekpresyon. "Serene Lopéz. I'm sure you already know my sister?" Pakilala naman ni Ate sabay ngiti sa akin na makahulugan pero binalewala ko lang. Alam ko na ang ngiting iyon. Iba ang iniisip niya at hindi ko pa naman talagang kilala ang lalaking kausap niya. "So, you're the Lopéz my sister is obsessing about." Tango niya na parang may na-realize. "Nice to finally meet the one who is making my sister crazy, other than me." Natatawa niyang sabi na sinabayan din naman ni Ate. Naalala ko tuloy ang nakaraang post ni Ate sa kanyang i********: account, she tagged a Charity Saavedra. So, close pala si Ate sa kanyang kapatid. Akala ko small world lang, ngayon pala masikip na talaga ang aming mundo dahil may common people connected on both our sides na kaya hindi malayo na magkita rin kami. Kung kaibigan pala ni Ate ang kapatid niya, then she must be nice dahil nagustuhan siyang kasama ni Ate. Well, nice naman si Warayne but.... I don't like mayabang. He is too Mahangin for me. "Uh, do you want some privacy?" Rinig kong bulong ni Ate sa akin at mabilis naman akong umiling sa kanya. Ayoko maiwan kasama ang lalaking ito. Wala naman kaming pag-uusapan at hindi ko naman balak na magstay sa resorts o hotels niya para sa aming team building. Tahimik kami lahat sa lamesa at ni isa ay wala man lang nagsalita hanggang sa matapos kami kumain ni Ate. Sobrang awkward na makita si Ate Serene at Kuya Dex na hindi nagkikibuan. Nagpaalam si Ate na pupunta sa banyo at sinabing hihintayin na lamang niya ako sa labas. Hindi ko na siya napigilan na umalis at sinundan pa siya ni Kuya Dex pagkatapos. I debated whether to follow them or not. Baka kasi kailangan nilang mag-usap at kahit ayoko naman na magstay dito ay naupo nalang ako ng maayos. Kahit sandali lang ay bibigyan ko ng time sila Ate para makapag-usap. "I guess nakahanap ka na ng resort?" Tanong niya. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakita. Na-busy ako sa buhay ko at wala naman din kasi akong nakitang rason para puntahan siya o ano. "Yes." I answered. "Uh, no. Not yet." Pagbago ko ng sagot. He smiled. "I still can't believe that you are a Lopéz." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Is that a good or a bad thing?" Meron bang qualifications para maging Lopèz? Hindi ako informed. Nangiti lang siya at hindi na sumagot pa kaya I fired up another question at him because I am so curious. "How did you know?" "I got curious so I googled Simplicité Publishing." Simpleng sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin at kagat ng kanyang labi. He squared his shoulders and sip on his coffee still not looking at me. Nawala ang yabang na aura niya pero bumalik din nang ngumiti siya kaya napaismid ako. Okay na sana, ngumiti pa. Nakakaloko kasi parang laging may masamang balak. "I have to go, have a good day." Paalam ko nang makatayo sabay talikod sa kanya. Lumabas kaagad ako at hinintay si Ate Serene na magpakita. Ilang sandal lang ay lumabas siya na parang naiiyak at mabilis na hinila ako pabalik sa parking lot. I wanted to ask what happened pero pagsakay pa lang namin ay napahagulgol na siya kaya hindi na ako nagsalita at nagmaneho nalang ng tahimik pauwi sa aming condo. All I wanted was to make her feel better, pero iba ang nangyari. I've never seen her like this, mas grabe pa noong kinausap namin siya ni Ate Hope na umiiyak sa kanyang kuwarto bago siya umalis papuntang Paris. Bago ang weekend ng pagpunta namin sa Children's Village para sa annual Christmas party namin doon ay nagpaalam na si Ate Serene na mauna umuwi sa Hacienda Hermosa. Alam ko naman kung bakit kahit pa iba ang rason na sinabi niya sa amin. Sa tingin ko naman ay makakabuti sa kanya iyon para makapag-isip siya. Naisip ko na rin na i-finalize ang venue ng aming team building bago kami umuwi sa Hacienda Hermosa. Wala na akong time para magpunta pa sa kung saan para lang tignan ang lugar kaya kinuha ko ang card na ibinigay ni Warayne sa akin and dialed the number in front of the card instead the one he wrote at the back. "Good afternoon. Saavedra Worldwide Holdings Incorporated. Chelsea speaking, how may I help you?" She answered on the third ring. "Good afternoon. This is Ace Lopéz from Simplicité Publishing. May I request to have a schedule with Mr. Saavedra?" I asked politely. She said Warayne has a full schedule and I can't have a meeting with him within this week and the next kaya sinabi ko nalang na tawagan ako kapag hindi na siya busy. "If it is not too much, can you please tell him that I called?" "Yes, Ms. Lopéz. Will do po." Magaling na sagot niya. I ended the call with a thank you while looking at the back of the card where Warayne's number is written down. Pagkatapos ng tawag na iyon, alam ko na na hindi ko na siya makakausap dahil sa sobrang busy niya. Mukhang wala akong chance kay Mr. Saavedra at ayoko naman na tawagan siya ng diretso kaya nagbrowse nalang uli ako sa internet ng mga resorts and then I'll just ask for Lloyd's opinion. Magpapabook nalang ako online kapag nakapili na. Kinagabihan ay sinulat ko lahat sa isang papel and saved the sites ng mga napili kong resorts para maibigay kay Lloyd. Hinintay ko na muna ng ilang araw na tawagan ako ng sekretarya ni Warayne pero walang dumating kaya a day before the weekend kung kailan kami luluwas pabalik ng hacienda ay saka ko tinawag si Lloyd para pumunta sa aking opisina. "What?" Tanong niya na tuluy-tuloy pumasok sa aking opisina sabay upo sa blush pink na upuan sa long table. I waved the paper I'm holding at tinitigan lang niya iyon kaya tinuro ko ang papel gamit ang isa ko pang kamay para kuhanin niya at tamad siyang tumayo para kunin sa akin iyon. "Why so tamad?" He gave me a look but I just rolled my eyes. He can't scare me, immune na ako sa lahat ng mood niya. "Help me choose." "Say please." Sabi niya pagkaupo niya habang tinitignan ang papel na ibinigay ko. Hindi ako sumagot at kinain ko nalang ang chocolate na nasa aking lamesa saka sumandal sa aking upuan habang tinitignan siya. Tumingin siya sa akin nang hindi ako nagsalita and I crossed my arms while chewing kaya nailing nalang siya sabay balik ng tingin sa papel. "Why not call Mr. Saavedra instead? Hindi ba nag-offer naman siya na tulungan ka?" Tingin niya pabalik sa akin sabay baba ng papel sa lamesa. "I already did." Sagot ko and flipped my notebook na kunwari ay may hinahanap. "And?" "Busy siya, wala siyang time." "Sabi niya?" "Nakapili ka na?" Pag-iiba ko ng tanong. "Iniiba mo usapan. Ano ba kasing sabi niya? O baka naman hindi mo naman talaga siya tinawagan? Bee, sayang offer niya lalo na kailangan mo ng resort." Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. I tried in the best professional way I can, ayoko na dumiretso sa kanya and treat me something else. Ayoko ng special treatment lalo na galing sa kanya. "Fine, I'll check this out. Balikan nalang kita." Sabi niya sabay tayo nang hindi ko siya sinagot. "Are you on your period?" I asked smiling. Ang sungit niya kasi ngayon sa akin pero kapag siya ang nang-aasar ay tuwang-tuwa siya na napipikon niya ako. Maghapon na hindi ako binalikan ni Lloyd sa aking opisina kaya bago umuwi ay naisipan ko na daanan muna siya sa kanyang opisina para kamustahin. "Bye, Christine!" Paalam ko paglabas ng aking opisina. "Yes, Sir." She answered kaya napahinto ako para lumingon sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Ma'am, Mr. Saavedra po." Naglag pa ako ng kaunti nang marinig ang pangalang Saavedra bago lumapit sa kanya. "Thank you, Christine." Ngiti ko sabay abot sa telepono. "Hello?" "Ace?" He asked in a smooth voice. "Speaking." "You called my secretary." Sagot niya pagkatapos ng ilang segundo. "I did, a few days ago pa. She said that you are busy, but I'm guessing that you are not now?" "Are you free tomorrow?" He asked immediately. "For the uh... business proposal?" He added. "I can't tomorrow. Do you have time next week? Say Wednesday noon?" I asked. "Yes, yes. Of course." "Okay, thank you. I'll just call your secretary then." "Okay. Bye, Ace. I'll see you on Wednesday." Pagbaba ko ng telepono ay sinabi ko kaagad kay Christine ang schedule ko na iyon next week para i-remind niya ako at iurong ang ibang schedule ko sa ibang araw. Pagkatapos noon ay saka ako dumaan sa opisina ni Lloyd ng nakangiti. "Hey, I've searched the resorts and I'm liking-" "He called!" Masaya kong sabi sabay upo sa upuan kaharap ng kanyang lamesa. Mapagtaka niya akong tinignan. "Who called?" "Mr. Saavedra. We'll meet him next week." I smiled. "Oh, good." He gives me a thumbs up and closed his laptop. Sumabay ako kanila Kuya Lorenzo sa kanyang Range Rover pabalik ng Hacienda Hermosa. Dati ay tatlo lang kami na pumupunta nila Ate at ngayon ay nadagdagan na at madagdagan pa in the future dahil there is a baby on the way. Natutuwa ako tuwing nakakalaro ang mga bibong bata sa Children's Village. I like playing with kids, parang nagiging bata rin ako at ang saya lang nila na parang walang problema sa buhay. Putting a smile on their faces makes my heart flutter with joy. Pagod kami lahat na bumalik sa mansyon pagkatapos ng party at hindi na namin inabutan na gising si Lolo Joaquin kaya maaga akong gumising kinabukasan para makausap pa siya bago kami umalis pabalik ng Maynila. We couldn't stay for long dahil lahat kami ay may trabaho pa kinabukasan. Lahat kami boss pero we know that our company wouldn't run itself and that we have a lot of work in progress. "Good morning, Lolo." Masayang bati ko sa kanya nang makita siya sa living area na umiinom ng kape. He smiled when he saw me and greeted me when I hugged him. Na-miss ko siya ng sobra, ayaw naman kasi niyang sumama sa Maynila at gusto niya lang na nandirito sa mansyon. Binabalitaan ko naman siya lagi tungkol sa aking trabaho at kinakamusta ang kanyang kalagayan dito kaya wala naman na akong iba pang maikuwento sa kanya. Niyaya ko nalang siya na mag-golf pero nangiti lang siya sa akin. Alam naman kasi niya na ayaw namin na mabilad doon. Sabay kaming napalingon ni Lolo sa may itaas nang marinig namin ang iyak ni Laurence at ang yabag ng mga paa pababa ng hagdan. Nakita ko si Ate na maputla habang nakakapit sa braso ni Kuya Lorenzo na buhat naman ang umiiyak na si Laurence kaya lumapit ako para kuhanin ang kanilang anak. "Are you okay, Ate?" Tanong ko pagkabuhat sa kanilang anak. Umupo siya sa tabi ni Lolo at hinimas-himas ang kanyang tiyan. "Morning sickness." She answered. Pagkatapos mag-almusal at nang umayos na ang pakiramdam ni Ate Hope ay saka na kami nagpaalam kay Lolo na umalis na pabalik ng Maynila para hindi na gabihin pa sa daan lalo na si Ate Serene ay mag-isa lang sa kanyang kotse. Natulog agad si Ate Serene pagkadating ng condo at ako naman ay nagbasa-basa ng mga draft para sa next issue ng lifestyle magazine bago matulog para tuloy-tuloy na hanggang bukas ng umaga. Sigurado kasi na mahihirapan akong makatulog mamayang gabi kung sakali man na matulog ako ngayon. Baka mapuyat pa ako at tamarin na mag-gym. Bago ako matapos sa aking trabaho ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Ate Serene. Nakita ko siyang nakaporma at nangiti ako nang makita ang pink niyang floral top na suot. If I am going to wear that, it's gonna look cute. Pero sa kanya, it's sexy. "Don't wait for me. Good night, love you!" Kindat niya sabay flying kiss. I smiled and waved at her. She looked happy and energetic again. I pray na maging maganda ang gabi niya ngayon at umuwi na may matamis na ngiti. Ni-remind ko si Lloyd sa aming lakad para i-meet si Mr. Saavedra. Ipinatawag ko pa si Chritine sa sekretarya ni Warayne para i-confirm ang aming meeting dahil baka nakalimutan na naman niya at pumunta ako sa kanyang opisina na wala siya o busy na naman pala siya. Kailangan na namin ang resort or else, walang team building na mangyayari ngayong taon and my people badly need it. Kailangan na rin ng lahat na mag-unwind because of too much stress from publications. I wore a white blouse and tucked it in my yellowish brown skirt that is pleated on one side partnered with a pumps for my meeting later with Mr. Saavedra. I wanna look presentable and professional para seryosohin niya ako. Ginamit namin ang aking Audi papunta sa Saavedra Worldwide Corporate Office. Babalik pa naman kami panigurado sa Simplicité pagkatapos. Itinigil ko sa harap ang aking sasakyan at lumapit kaagad ang valet sa aking kotse bago pa ako makababa. Hindi naman niya ako pinagbuksan ng pintuan at hinintay na makababa. Pagbaba ko ay agad siyang bumati. "Sir-" Sabi niya pero tumigil din agad sabay tingin sa aking sasakyan. "Uh, Ma'am. Good afternoon po." Ngiti niya. "Good afternoon." Bati ko at ngumiti na rin sa kanya. Sabay kaming pumasok ni Lloyd sa building. Lumingon pa uli ako sa labas para tignan ang aking kotse at nakita ko na tinignan ng valet ang aking plate number. Ibinilin na rin kami sa reception kaya dinala kami kaagad sa top floor kung saan ang opisina ni Mr. Saavedra. They were all polite and accommodating. His secretary greeted us when she saw us and asked for a minute para tignan kung handa na si Mr. Saavedra para sa aming meeting. Binalikan naman niya kami kaagad and ushered us inside with a smile. "Good..." Ngiti niya pero nawala rin nang makita niya ang aking kaibigan. "Afternoon." Malamya niyang sabi. "Good afternoon, Mr. Saavedra." I greeted and smiled politely. "Good afternoon, Sir." Bati naman ni Lloyd. He gestured his hand for us to go on his private conference room on the side area and asked his secretary for some snacks and drinks. "I thought you are coming alone." Umpisa niya pagkaupo namin. I am sitting beside Lloyd while he is sitting opposite to me. Napabaling ako sa kanya mula sa aking bag saka lang siya mapanuring tinignan. Wala naman akong sinabi na mag-isa ako pupunta at hindi rin ako informed na one on one pala ang meeting na ito dapat. "I mean, boss to boss business meeting. Is he your assistant too?" Tanong niya pa na parang wala si Lloyd sa aming harapan. I glance at Lloyd who is looking intently at Mr. Saavedra with a chinky eyes and back to him. "He is my Creative Director. I didn't know that this is confidential, I'm sorry." "No, no. It's okay." Sagot niya sabay abot sa akin ng isang folder na makapal. "All domestic resorts that I own are there, including the descriptions and amenities of each resort. You can just browse and choose whatever you like, then I can arrange everything for you." He professionally said. His secretary came in with a tray and put the drinks on the table together with a bread and some cookies. I am tempted to eat but I am cutting back some calories dahil nasobrahan na ako noong isang araw kaya uminom nalang ako tubig. I flipped the first page at agad akong namangha sa ganda ng resort. I looked at the bottom of the page and saw that it is in Palawan kaya inilipat-lipat ko ang pages para maghahanap ng lugar na malapit lang dito sa Maynila. "Uh, I can show you more resorts if you want." Napatingin ako sa kanya at parang gusto ko humingi ng tawad. Mukha kasing mali ang pagkakaintindi niya sa ginagawa kong paglilipat ng mga pahina. It's not that I don't like the place, lahat nga ay maganda and I want to go to each resort that I am seeing. "Oh. Um, I'm just looking for a resort somewhere near Manila." I softly answered. "I have one in Batangas." Sagot niya. "That would do." I smiled. He stretched his hand to me at tutok na tutok ako na tumingin sa kanyang kamay. His hand is so pretty and his nails are very clean. "I'll show you the pictures." Sabi niya kaya napabalik ang tingin ko sa kanyang mukha sabay abot ng folder sa kanya. He flipped the pages and turned it around for me to see. "Here." He pointed at the picture of the resort and showed me the other pictures as well. I looked at Lloyd for his opinion. His arms are crossed while leaning back on his seat and he is looking sharply at Warayne so I kicked his sheen not so obviously and glared at him pagtingin niya sa akin. I find his gesture rude and I don't want Mr. Saavedra to think badly of us because of him. Sinungitan niya lang ako kaya hindi ko nalang siya pinansin pa at tinuon nalang ang aking atensiyon kay Mr. Saavedra na nagsasalita pa tungkol sa resort na pag-aari niya sa Batangas. "..8 hectare secluded property. It's one of the largest resorts in Batangas." Nakatitig lang ako sa mga pictures na kanyang ipinapakita habang pinapakinggan ang kanyang boses na kaaya-aya. I nodded my head at him after he discussed everything about the resort to me. Sa picture pa lang ay nagustuhan ko na iyon kaya he already had my vote on that resort. Hindi naman siguro ako mabibigo dahil I already saw how beautiful his new hotel is, kaya sigurado na maganda rin ang iba pa niyang pag-aari. "Can I book after this year?" I asked. Baka kasi puno pa dahil sa long weekend at madami din panigurado ang nagbabakasyon dahil sa New Year. "Certainly. I can make an arrangement for you." He said very surely. Napangiti nalang ako sa kanya at pinag-usapan pa namin ang lahat ng detalye bago ako nagpaalam na umalis. I'm already giving him a down payment pero hindi niya ito tinanggap at sinabi na roon nalang sa resort ako magbayad kaya hindi ko na pinilit pa. Tinusok ko ang braso ni Lloyd kasakay namin ng elevator pababa. Simula ng mag-usap kami ni Warayne ay hindi na siya kumibo pa at halatang nawala siya sa mood dahil sa kasungitan niya. Pati ako ay dinadamay pa kahit wala naman akong ginawa sa kanya. "That's so rude, Lloyd." Sermon ko pa. Hindi niya ako makapaniwalang tinignan at ilang beses pa na nagbukas-sara ang kanyang bibig bago nakapagsalita. "Me?" Turo niya sa kanyang sarili. "Ako talaga? Hindi mo ba nakita kung paano niya ako pakitunguan? Ni hindi nga niya ako makuhang pansinin e." "Lloyd, wala siyang sinabing hindi maganda. Tinulungan pa nga niya ako, hindi ba? Isa pa, ikaw naman itong may gusto rin na kuhanin ang offer niya kaya hayaan mo na, please." Sagot ko na lalo niyang ikinainis. Mahangin nga kasi talaga si Mr. Saavedra, but at least he helped me. He is nice, iyon lang ay may down side siya. Hindi naman kasi tayo ginawang perpekto ng Diyos. Nobody is perfect in this world but we are perfect in our own imperfections.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD