Simplicité Publishing's Hawaiian New Year party will happen later. It's a post party since January 1st had already passed. May foods lang, some drinks, and a DJ to liven up the party. And in addition, a fireworks display will happen at midnight that I'm looking forward to besides the food.
Ate Serene wiggled her index finger at me when she saw me packing my jean shorts and green leafy blouse the night before going here in Batangas. She rummaged my dresser pero walang pumasa na hawaiian outfit sa kanya kaya she let me borrow one of her thousands of clothes na hindi pa niya nasusuot ever.
Someone knocked on my door while I'm braiding my long hair sideways. Hawak ang dulo niyon ay naglakad ako para buksan ang pintuan.
"Uh..."
Napakurap-kurap si Lloyd nang makita ako suot ang aking vintage style floral hawaiian buster halter top and long green skirt that match the color of the leaf on my top with a long slit on the right side. Sinilip pa niya ang aking kuwarto na parang may hinahanap.
"Where is my friend?" He asked.
Bahagya ko siyang inirapan saka na ako bumalik sa banyo para ituloy ang aking pag-aayos, leaving the door wide open para pumasok siya sa loob. Narinig ko pa siyang natatawa-tawa pero hindi ko nalang pinansin.
"Bee, you look great." Rinig kong sabi niya.
I tied my hair at the end saka ako lumabas ng banyo. I saw him lying on the bed looking at the ceiling.
"You can't fall in love with me Mr. Lim. Hindi kita type at hindi tayo talo." Biro ko gaya ng ginagawa niya sa akin paminsan.
His eyes fall on mine and he grinned. "Of course."
Sabay kaming nagpunta sa beachside area kung saan ang aming party. String lights light up the whole area and there are several long tables on the sides, leaving the middle part open for dancing.
Everyone clapped when they saw us coming. Si Lloyd ay para pang kakandidato sa pag kaway at ako ay nakangiti lang sa mga tao habang nakahawak sa kanyang braso.
"Iba si Ma'am, may pasabog." Niña teased.
Nahiya ako kaya tinakpan ko kaagad ang aking midriff at pinagdikit ang aking mga paa para hindi makita sa slit ng aking suot na skirt ang aking legs. Hindi ako sanay na magsuot ng mga ganito sa maraming tao, pero kung sila Ate lang ang kasama ko at wala ng iba ang makakakita sa akin ay ayos lang. Kahit two-piece swimsuit pa.
Everyone mingled while eating all sort of foods and I just listened to their banters while sitting at one corner of the table eating fruits.
"Buti nga nasagot ni Sir Lloyd yung riddle e." Sabi ng isa.
"Magaling kasi ako." Singit ni Lloyd na umupo sa aking tabi sabay abot s akin ng isang platito na may pakwan.
"Magaling mandaya." Sagot ko naman na ikinatawa ng lahat.
Sunud-sunod pa ang naging asaran hanggang sa lumalim na ang gabi at may nagyaya ng sumayaw. Hindi pa muna ako sumunod sa kanila and I made my way to the buffet table at nagkakain ng kung anu-anong finger foods.
Habang nakatayo sa may lamesa kung saan ang mga pagkain ay tinitigan ko ang mga empleyado ko na masayang nagsasayawan. Halos wala ng nakaupo at ang gulo na sa bandang gitna.
Nangiti ako lalo nang maglakad papunta sa akin ang pinaka kuwelang lalaki sa Simplicité na si Jason. May pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman habang papalapit sa akin then he bowed and extends his hand in front of me.
Ayoko naman siyang ipahiya at ayos din naman na makisaya sa kanila lalo na at nagkakatuwaan ang lahat kaya ibinigay ko ang aking kamay sa kanya saka niya ako dinala sa gitna.
They gave us space and formed a circle, leaving me and Jason inside. Kumembot-kembot siya sa aking harapan kaya natawa nalang ako at hindi na nakasabay sa kanya kakatawa. He is really into his spirit at binubuhay niya ang crowd sa tuwa.
Sumunod naman ang ibang employee na lalaki at sinayawan ako na puro kalokohan lang naman ang ginawa.
"Siyempre, save the best for last!" Sigaw ni Jason.
Lumapit sa akin si Lloyd na nakangiti and held my hand. Akala ko we are going to slow dance pero bigla niya akong inikot ng inikot hanggang sa mahilo na ako. Hindi ko na nabilang kung ilang beses pero muntik ko ng makalimutan ang pangalan ko sa sobrang hilo.
"Aahhh.." Hawak ko sa aking ulo sabay pikit.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat para hindi matumba at rinig ko pa ang pagtawa niya. Nang maayos na ako ako ay binukas ko ang aking mga mata sabay tingin ng masama sa kanya. Pasalamat siya hindi ako bayolenteng tao kung hindi ay may tarak na siya sa ulo ngayon.
Tumigil naman siya sa pagtawa nang makuha ang aking tingin at hinikayat nalang ang lahat na magsayaw. I stayed for a while and danced with the others pero hindi rin ako nagtagal at naupo nalang sa tabi. I can work out for hours but I couldn't dance in a party like this for hours.
Suddenly, I heard the microphone screeched and the music stopped kaya napatingin ako sa harapan.
Lloyd is holding the microphone and he called me to stand in front and say something in regards to our team building kaya lumapit naman ako ng walang reklamo sa kanya.
"I feel so lucky to work with you all." I started and someone cried exaggeratedly making all of us laugh. "No. Honestly, I look forward to every day knowing that all of you are going to be at Simplicité working your butts out to help me."
"Thank you for giving us job, Ma'am!" Someone shouted and I smiled.
"Everyone here is positive, inspiring, creative, and intelligent. I'm constantly amazed by the incredible work you do. For staying up late to iron all the details for our next issue. So, thank you and I hope that all of you enjoyed our team building and that you learned a lot from this outing. Don't be a stranger at work and remember, teamwork makes...."
"the dream work!!" Sabay-sabay na sabi ng lahat.
We did a group hug after at nagpaalam na muna ako na magbanyo pagkatapos ng aking speech. Itinuloy naman nila ang party at hinihintay ko naman ang fireworks.
Pabalik na sana ako nang maakit ako sa swimming pool where I can also see the beach side. It's an infinity pool at mula rito ay kita ko rin ang mga ilaw kung saan ang party namin. I can still hear the music but it is very faint.
Tinanggal ko ang aking sandals and I pulled my skirt up to sat on the side of the pool, dipping both my foot on the water then I looked at the calm sea.
I remember telling Ate Hope when I was fourteen that whoever man would bring me to a beach would be the one for me. Isn't that ludicrous? As simple as that is my basis, but what do I know then about true love?
"Although you seem content, you also seem quite alone over here. Can I interrupt your reverie?"
Napalingon ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses na iyon. Bahagya akong natigilan nang makita si Warayne. He is wearing a shorts and a blue button down shirt.
Alam ko na kanya ang resort na ito, but I didn't expect to see him here kung kailan ako lang mag-isa at walang katakas-takas sa kanya. Napakatahimik pa sa lugar, walang katao-tao sa malapit.
I shyly looked back at the water and then I felt him nearer, until he is already sitting beside me. He also put his feet in the water.
"Aren't you enjoying your party?" He asked softly.
Napatingin ako sa may mga ilaw, mukha naman na nagkakasiyahan pa silang lahat. I'm sure that we have achieved the goal for this team building. I can say it's really a positive one that will make great outputs at work.
"So, you're leaving tomorrow?"
I looked back at him to see that he is already looking at me. His hazel eyes like mine shimmer from the light at the post, at ang maitim niyang buhok ay ayos na ayos pa rin.
Tumango nalang ako sa kanya saka tumingin ng diretso sa dagat.
"Did you watched the sunset? I hope you did. It's breathtaking."
Umiling naman ako ngayon. We are too busy with our activities na hindi ko na naisipan na panoorin ang sunset. Sayang at aalis na kami bukas ng lunchtime and I won't be able to see the breathtaking sunset he is talking about.
Matagal na walang nagsalita sa amin at ako ay nakatingin lang sa malayong dako ng dagat, hanggang sa maalala ko na kailangan ko nga pala siyang pasalamatan uli dahil sa ginawa niyang pabor para sa akin.
Napatingin siya sa akin nang balingan ko siya. He looked at me seriously at inunahan ako na magsalita.
"I'll see you tomorrow morning for breakfast?"
Napakurap ako sa kanyang tanong. I don't quite understand his question. Our breakfast is delivered at our villa everyday. And I didn't expect him to say that of all things.
"For your checkout. Let's just meet tomorrow in this restaurant, kay?" He added, pointing at the restaurant at our back.
I haven't paid yet dahil sabi sa akin sa frontdesk ay sa pag check out ko nalang ito bayaran. I guess he handles big check like this. Then he must be traveling from place to place very often if that is the case.
"Okay, Mr. Saavedra."
"Okay." He nodded still looking intently at me.
Naputol lang ang aming tinginan nang biglang may pumutok na fireworks sa itaas. Sabay pa kaming tumingala roon.
I was mesmerized by it. The sudden bright, moving sparks they emit are compelling to watch and seem mysterious because we're so unused to light of that type travelling directly into our eyes.
Hindi naalis ang mga mata ko roon hanggang sa mawala ang kahuli-hulihang kulay sa langit. Pagkatapos niyon ay bigla kong naisip na matagal na pala akong wala sa party. They must think that I already bailed on them.
Inalis ko ang aking mga paa sa pool and carefully stood up carrying my sandals over my torso to hide it.
"Tomorrow?" Tanong niya pagkatayo.
I nodded. "Yes. Good night, Mr. Saavedra."
"Ace?" I heard my friend's voice from somewhere.
Tumalikod na ako kay Warayne para daluhan ang aking kaibigan nang marinig ko pa uli siya na tawagin ang aking pangalan.
"Good night, Ace. Don't trip yourself."
Lumingon ako sa kanya and gave him a genuine smile saka na ako nagmadaling maglakad para puntahan si Lloyd.
"Aahhh!"
Sigaw niya ng bigla akong sumulpot sa kanyang harapan.
"Sshhh!" Saway ko. "Maiistorbo mo ang ibang guest na nandito."
"Walang villa na malapit dito at wala ng ibang tao sa paligid." Sagot naman niya.
I pursed my lips and rolled my eyes internally. "I don't care, and you'll never know, baka may nagtatago lang diyan. Halika na nga." Hila ko sa kanya.
"Saan ka kasi galing? Hindi mo na naabutan yung hinihintay mo buong araw." Sabi niya habang nagpapatinaod sa aking hila.
"Sa banyo. Nakita ko naman, nasa may pool lang ako."
"Anong ginagawa mo roon?" Tanong niya sabay hila sa aking kamay.
Tinignan niya ang aking mga paa at tumalikod sa aking harapan, bending his knees a little. He carried me going back to the party at sumama ako sa ibang grupo ng mga empleyado ko para makipagkuwentuhan sa kanila, avoiding his last question. Minsan talaga ay daig ko pa ang nagkaroon ng tatay sa kanya.
Mahigit isang oras pagkabalik ko pagkatapos ng fireworks ay nagkayayaan na rin ang lahat na magsibalik sa kanya-kanyang villa. Agad na rin akong natulog pagbalik dahil may maaga pa akong agenda.
Hindi na ako nagising ng maaga para makapag-gym dahil sa puyat at pagod galling sa party. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos na ng aking mga gamit para bibitbitin ko nalang ito mamaya pag-alis.
Wala naman akong dala na office work clothes dahil hindi ko naman alam na kailangan ko pa palang i-meet si Mr. Saavedra sa aming huling araw. Kaya kung ano nalang ang nadala ko ay siya nalang ang aking susuotin.
It's super casual at parang papasyal lang ako sa kung saan. Nevertheless, I fixed the tie in front of my pink and blue stripes top that has a bell sleeves and pulled down my white jean shorts a bit para medyo humaba ng kaunti. Medyo maikli kasi at ayoko naman na isipin ni Mr. Saavedra na kabastos-bastos akong babae.
I smoothed my hair after I blow dried it and brushed my bangs using my fingers before going out to meet Mr. Saavedra. I brought my body bag with me dahil nandoon ang aking check na ibibigay ko sa kanya, and my wallet if ever he will ask for some IDs.
Nagpunta ako kung saan kami nagkita kagabi sa may infinity pool and immediately look for him when I arrived at the entrance of the restaurant.
Nakita ko na ang likod niya at saktong palakad ako papunta sa kanya ay kinausap ako ng babaeng staff.
"Good morning, Ma'am. For how many po?" Magalang niyang bati.
"Good morning." I smiled sabay turo kay Warayne. "I'm with him."
Napabalik pa siya ng tingin sa akin na parang hindi makapaniwala bago siya ngumiti ulit at bahagyang yumuko as a sign of acknowledgement.
He is sitting at the corner facing the view of the beautiful sea. Sikat na ang araw pero hindi naman mainit doon at hindi pa masakit sa mata ang araw.
Tinignan ko kaagad ang damit niya paglapit ko ng kaunti beacause I am not well dressed for a meeting. Gaya ng kagabi, naka-shorts lang din siya and a white button down shirt na nakatupi ang sleeves hanggang siko. His hair though is not well groomed like last night and it's still a little damp.
"Good morning, Mr. Saavedra." Bati ko.
He stood up right away giving me a once over. Tumingin pa siya sa aking likuran na parang may hinanap and smiled at me after.
"Good morning, Ace." Bati niya at lumapit sa isang upuan.
Hinila niya iyon para sa akin at mahinhin naman ako na umupo saka siya bumalik sa kanyang upuan sa aking harapan. Lumingon ako sa aking likuran. I also want to see the view pero nakatalikod ako roon.
"Do you want to exchange seat with me?" He asked.
Napabalik ako ng tingin sa kanya and shook my head lightly.
"No, I'm fine." Sabi ko nalang sabay tipid na ngumiti.
Hindi naman siguro kami magtatagal dito dahil magbabayad lang ako sa kanya at magche-check out na then I'm gonna run away after.
I opened my bag to get the check para matapos na kami at para wala na rin akong isipin pa mamaya na babayaran pero natigilan ako at napaangat ng tingin nang marinig ko ang paglapag ng pinggan sa aking harapan.
Full breakfast pancake with sausage, egg, and beans are arranged properly on the plate. Ganoon din ang kay Warayne.
"Orange juice, or coffee?" He asked.
"Uh.. just water." I answered but he still asked two juice drinks to the waitress.
"Let's eat first, shall we?" He smiled.
Paglagay ng waitress sa dalawang juice sa aming lamesa ay agad siyang pumikit and clasped his hand together then he started murmuring something.
"...bless us....."
A prayer. I didn't expect him to be so religious, wala sa itsura niya. Hindi ko tuloy siya nasabayan sa pagdarasal dahil nagulat ako sa aking nasaksihan at napatitig nalang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
"Amen." He opened his eyes and smiled at me. "Let's eat."
Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at tahimik nalang na kumain. Nakakahiya na nakita niya akong nakatingin sa kanya habang mariin siyang nagdarasal. I am just so shocked to witness this side of him. Nag-iba tuloy ang tingin ko sa kanya, and not in a bad way. This time, a very positive one.
Inubos ko ang aking pagkain ng hindi siya tinitignan o kahit sinusulyapan man lang. Nakatitig lang ako sa aking pagkain hanggang sa maubos ko ito. And since he is in front of me, I observed that he has an excellent table manner.
Nang nailigpit na at nalinis ang aming lamesa ay saka ko na inilabas ang aking cheque. I could also pay using my card if he would like.
"How much should I write? Can I see my bill?" I asked.
"Thank you for having breakfast with me. You are free to go." He smiled.
I looked at him questioningly. "I can pay now." Sagot ko.
"I know but I already took care of it. Enjoy the rest of the day." Sabi niya sabay tayo.
Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa gulat, hindi ako makapaniwala na hindi niya ako pagbabayarin sa bill ko rito. I'm just kidding when I told him about the hundred percent discount.
Holding my checkbook and the pen, I stood up to follow him sana pero nakita ko na pabalik siya ulit papunta sa akin.
"If I were to ask you out on a date, would your answer be the same as the answer to this question?"
He shocked me again with his question but I already analyzed it before my brain went haywire. Whether yes or no, the answer would still be yes base from his question. He can't fool me with that one but I can't let him give me a hundred percent discount. This is business at nakakahiya naman sa kanya. Last minute na nga lang akong nagpunta sa kanya pagkatapos ay ako pa ang sobrang nakinabang.
"You'll have to let me pay my bill then I will answer you."
Sabay kaming nagpunta sa reception at agad na inasikaso ang aking bill. He still gave me a big discount but at least it's not free, it'll do. Ayaw na rin naman niyang magpapilit na babaan ang discount na kanyang binibigay.
"Thank you for the discount." I said politely.
"Thank you for saying yes. I'll see you in Manila?"
Even if I indirectly said yes just to pay for my bill, I have to somehow keep up to the end of our bargain. I could live with just one date, wala naman sigurong masama kung makikipagkita ako sa kanya. I'm single after all.
I didn't gave him my number, ang sabi ko nalang ay tatawagan ko siya since I already have his number na nilagay niya sa likod ng kanyang calling card. I'll call him when I'm ready but I don't know when will that day be. It's just gonna happen one day.
Nasalubong ko pa ang iba kong employees na nasa kabilang pool area nang pabalik ako sa aming villa. We still have an hour and half bago magcheckout at sinusulit talaga nila ang resort. Sayang lang at hindi namin na-try ang iba nilang activities, but we can always come back here for more. I want to see that sunset too.
Hinintay ko nalang na matapos ang mga kasama ko sa villa sa pag-aayos saka kami sabay-sabay na pumunta sa lobby para kitain ang lahat.
Natulog nalang din ako buong biyahe at pagkauwi ay tinuloy-tuloy ko na ang aking tulog hanggang sa umaga.
Masaya ang lahat pagpasok ko sa opisina. Ibang klaseng pagbati ang ibinibigay nila sa akin. I felt their renewed energy at parang Ganado ang lahat sa pagtatrabaho kaya I praised all of them after work before I left the building.
Buong buwan ay na-busy kami dahil sa bagong pasok ng taon kasabay ng 3rd anniversary ng Simplicité. Sa pagpasok naman ng February ay lahat kaming magkakapatid ay nag-attend ng annual gala na sinimulan ni Kuya Lorenzo ilang taon na ang nakalipas. First time na kasama ang baby nila Ate Hope rito and he is already showing the media and other guests how fit he is to take over the Hidalgo Industries with his impeccable behavior.
Kahit wala akong nakukuhang bid ay nagbibigay pa rin ako sa mga charity events na aming dinadaluhan. Ganoon na kaming magakakapatid simula noon kahit na hindi naman kami madalas sa mga ganitong events, si Ate Serene dati pero ngayon ay nag-lie low na rin sa mga social events.
Valentine's day came and I woke up early to check kung natuloy si Ate Serene sa kanyang pag-alis. Nagsabi siya kagabi sa akin na pupunta siya sa Tagaytay to see Kuya Dex. They really are meant for each other and I'm happy that they are okay now.
I wore a green dress to work as to the code that we have at the office for this day. Green is for someone who is single and willing to wait for the right time kaya ito ang kulay na napili ko.
Nangiti naman ako nang makita ko ang iba-ibang kulay ng damit na suot ng mga employees ko pagpasok sa building. Karamihan ay naka-blue that means ay single and ready to mingle.
I smiled as I saw Christine wearing red.
"Happy for you " I smiled saka na ako pumasok sa aking opisina pagkatapos niyang nagpasalamat.
At lunchtime, palabas na sana ako ng aking opisina para makapaglunch sa cafeteria pero bigla akong tinawag ng aking sekretarya for a phone call. I told her to transfer the call to my line and when I answered it, Warayne's pleasant sounding voice greeted me.
"Will you be my date this Valentine's day?"