"Will you be my date this Valentine's day?" He asked smoothly without a pause.
I remembered that we had a deal last month and I already forgot to call him for it. Sobrang na-busy na ako sa buhay kaya nakalimutan ko na siya, buti ay tumawag pa siya or else mawawala na talaga iyon sa aking isipan.
At least, he didn't bother me para lang sa isang date. Naghintay siya ng mahigit sa isang buwan bago niya ako tawagan rito sa aking opisina at ipaalala sa akin iyon. Wala rin siyang sinabi sa muntik ko ng hindi pagtupad sa aming deal. He is asking nicely in very timely manner.
So without apprehension, I said yes to him but declined his offer to fetch me here at Simplicitè. I have my own car to drive and I don't want to be the talk of the town come tomorrow if we will be seen together especially on a Valentine's day.
We will meet dinner time at 1870 Charleston as per what he said at hindi na ako uuwi pa para magpalit pa ng aking damit or else, I will be super late. In this day, good luck nalang talaga sa traffic dahil halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa ibang parte ng Maynila. Buti nga ay nakahanap pa siya ng resto na pwede naming kainan in the last minute.
The afternoon passed by so fast I didn't notice that it's almost 6 in the evening. Buti ay kinatok ako ni Christine na nagpapaalam na na umalis because for sure ay may date pa siya.
"Sure, go ahead. Aalis na rin ako in a few. Enjoy your date." I smiled.
Pag-alis niya ay saka na ako nag-ayos ng aking gamit at nagpunta ng banyo para tignan ang aking sarili sa salamin.
I've never been the woman who always wear make-up and dress up. I like comfy clothes and I am all set with just my lip tint. Buti nalang pala I wore a midi dress today and I have my cheetah pointy toe high heels in my car. Hindi rin ako mapag-heels but I always keep one with me for my business meetings. You'll never know when you'll need it, like tonight.
Sinuklay ko nalang ang aking buhok gamit ang aking mga daliri and of course, I wouldn't forget to smoothen my bangs. Just a lip tint would do. It's not like I want to impress him or anything. This is me and I won't pretend to be anything or anyone I am not.
Pag labas ko ng banyo ay napahawak ako sa aking puso sa gulat nang makita si Lloyd na nakaupo sa aking upuan.
"Gray? Really?" Bati ko sa kanyang suot.
Gray means not interested. It's what's posted on the board outside na pinamunuan ng design team. Ang lamya ng napili niyang kulay at siya lang yata ang naka-gray na nakita ko sa buong building.
"As expected, green." Tingin niya sa aking damit.
He knows that I don't go around and mess with just any guy out there. I know that it will come in God's perfect time, and it's gonna be worth the wait. So, I'll wait. I still have a lot of time and I am not in hurry. In fact, wala pa nga talaga sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend.
"Bakit nandito ka pa? Oras na." Tanong ko sabay kuha ng aking bag at laptop sa lamesa na nakaayos na.
"Dinner tayo, loner ako." Aya niya sabay tayo at kuha sa akin ng laptop na aking buhat.
"You should do dates, bug. Huwag ka masyadong attached sa akin." Asar ko habang papalabas kami sa aking opisina.
Hinatid niya ako hanggang sa aking kotse saka niya ako mapanuring tinignan nang kunin ko sa kanya ang aking laptop.
"May date ka kaya ayaw mo ko samahan ano? Ha?" Mapanukso niyang tanong at tinusok pa ang aking tagiliran.
I swiped his hand away and pushed him using my laptop.
"Huwag ka makulit, bug! Shoo!" Taboy ko. "Oh, wait!" Bawi ko kaagad.
I remembered that I bought him a gift at hindi ko iyon naibaba kanina. Kinuha ko ang paper bag sa backseat saka ko iyon iniabot sa kanya.
"Happy Valentine's day." I smiled.
Malapad siyang ngumiti sa akin pabalik. "Nag-abala ka pa. Umuwi ka na baka matunaw regalo ko sa'yo, pinadala ko sa condo mo."
Nanlaki ang mga mata ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you for the Ferrero's."
Kahit hindi niya sabihin, alam ko na iyon ang binili niya para sa akin. Every time he asks me what I want for every occasion, isa lang ang lagi kong sagot sa kanya at hindi ako magsasawa na hilingin iyon. It's the best in the world.
Buti nalang ay hindi na niya ako kinulit tungkol sa date at hinayaan na niya akong makaalis ng mapayapa. I don't want to lie to him but I don't want him knowing about this because he might jump into conclusion. Mahirap na, lalo't wala rin naman akong maipapaliwanag na maayos sa kanya.
Without anyone knowing, I went to the resto to meet my date instead of going straight at Westwinds to rest. I'm running a little late because of the traffic and I am praying along the way that he got caught in traffic too dahil nakakahiya na paghintayin ko siya ng matagal.
Pagpasok ko pa lang sa restaurant ay agad kong napansin kung gaano ka-elegante at ka-intimate ang lugar. While observing the place, a staff welcomed me with a warm smile.
"A reservation under the name of War-"
"Happy Valentine's."
I was cut off by someone's greeting behind me.
Napatalikod ako kaagad and saw Warayne smiling widely at me wearing a suit. I guess, gaya ko ay galling din siya sa kanyang trabaho at dumiretso na kaagad dito.
Tinakpan niya ang mukha niya ng hawak niyang bouquet kaya nalipat ang tingin ko roon.
It's a bouquet of dahlias. Two pinks and a lot of whites surrounding it wrapped in a lemonade pink paper with brown bow. It really gives a feminine, sweet, and whimsical nuance.
Maya-maya pa ay iniabot niya na ang napaka-gandang bouquet na iyon sa akin. I was really touched by his gesture, it's not every day that I receive something as beautiful as this. I didn't expect any from him kaya sa mga bulaklak pa lang ay nabuo na niya ang aking araw.
"Thank you, Warayne." I said looking down at the beautiful flower arrangement, then back at him. "Happy Valentine's." I smiled sweetly.
Napatitig pa siya ng ilang segundo bago niya binalingan at kinausap ang staff. They let us sat in the bar for a while to enjoy a cocktail before we were ushered to our table.
Habang sabay kami na naglalakad papunta sa aming lamesa na nakasunod sa isang staff ay inaamoy-amoy ko ang mga bulaklak. It's fragrance-free, wala namang amoy pero napakaganda ng mga bulaklak lalo na ang kulay pink.
We sat opposite to each other in a very comfy sofa chair. Together with the good ambiance, it immediately made me relaxed and feel at ease.
"I'm sorry hindi na kita natawagan. I'm just so busy at work and other priorities."
I kind of feel like being defensive because I don't want him to think that I am a snob. Na wala akong isang salita.
He smiled and it doesn't look fake to me. "No problem. You are here now."
We started off with some warm fresh bread, followed by delicious canapes while talking about ourselves. It's funny because I don't feel awkward towards him tonight, parang natutuwa pa ako na may nalalaman ako tungkol sa kanya na hindi ko nabasa o mababasa sa internet.
The sommelier selected the best wine pairing to our dishes and I enjoyed it. Then I took over comes my favorite part of the meal.
He just looked at me while I order our desserts. He doesn't look weirded out or anything because out of the corner of my eyes, I saw him smiling a bit and I don't feel embarrassed at all. What can I do? I love food.
After finishing the four desserts na halos ako lang din ang kumain ay dumating ang waiter na may dalang gold three-tier dish and said that it's a complimentary.
I looked at Warayne and smiled as the waiter arrange the dishes on our table.
"Coconut marshmallows, chocolate macaroon, jellies and some fudge." The waiter said.
Kaya ko naman na maubos ang lahat yet I still let him taste all the incredible desserts para naman matikman niya. I don't know if he is just shy to eat or hindi lang talaga siya mahilig sa sweets dahil pagkatapos ng isang subo niya ay hindi na siya kumukuha pa ulit.
"How do you burn all the foods that you eat?" He asked curiously.
"Gym. Cardio and all." I answered with a smile.
"You go to a gym?" He asked again and I nodded. "Where?" Dagdag niya pang tanong.
"Core Fitness Gym."
"Oh, yeah. I know where that is, great gym." Tango niya.
The whole dining experience was wonderful. Every dish is comforting, I loved it. The staff were really friendly and attentive. Plus, the interior is impeccable. No wonder it was awarded with a Michelin star even though it's quite small.
Warayne walked me back to my car and he was so quiet that it bothered me but I pretended that I didn't notice. Baka kasi nabusog lang at antok na.
I smiled to him holding the bouquet he gave me when we stopped in front of my car.
"Thank you for this wonderful evening." Sabi ko bilang paalam sa kanya.
Nawala naman ang ngiti sa aking labi nang hindi siya ngumiti pabalik because he is always returning my smiles. Nakatingin lang siya sa akin ng walang imik. I don't know how to leave without him responding to my goodbye because it's so awkward if I'll just turn my back to him.
"Are you my appendix?" He asked suddenly that made me blink my eyes a few times.
Did I hear him right? Appendix nga ba ang sabi niya o nabingi lang ako for a moment?
Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy. "Because I have a funny feeling in my stomach that makes me feel like I should ask you out again."
Napatitig lang ako sa kanya ng ilang sandali at unti-unti kong itinaas ang bouquet sa aking mukha covering half of my face. I don't know if ako ba o siya ang dapat mahiya pero nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi kaya tinakpan ko ang aking mukha.
"Will it be a yes?" He asked then nibbled on his lower lip while waiting for my answer.
"If there will be desserts then I'm in." I smiled.
Malapad siyang ngumiti sa akin. "I'll make sure of it." Masayang sabi niya.
We said good night to each other after and a smile was plastered on my face the whole drive back to Westwinds.
I couldn't believe that he got me to say yes that fast for another date. I didn't expect to ask me out again and for a follow-up. Hindi ko alam na appendix lang pala ang katapat ko. And to think of it, ang corny. Pero he got me there.
Kauwi ko ay napansin ko kaagad na wala pa sa parking lot ang Audi ni Ate Serene kaya alam ko na hindi pa siya nakakauwi. It's almost ten at ang sabi niya hindi naman siya sobrang gagabihin, wala naman din siyang text sa akin kaya hindi ko alam kung nasaan na siya.
Pag-akyat sa aming unit ay agad kong inayos ang bouquet sa vase para tumagal ang buhay nila. They look so pretty at bagay siya sa aking kuwarto kaya ipinatong ko ito sa aking side table para naman maganda agad ang gising ko sa umaga dahil iyon agad ang aking makikita.
I checked my phone again after taking a shower pero wala pa rin talagang text si Ate. Hindi ko naman alam ang numero ni Kuya Dex, siya sana ang tatawagan ko dahil hindi sinasagot ni Ate ang aking tawag.
Nakatulog ako sa sofa kakahintay kay Ate Serene. Hindi kasi ako mapakali na wala siya sa condo gayong sinabi niya sa akin na hindi siya papagabi at uuwi rin bago matapos ang araw na ito. Nagising nalang ako dahil sa ring ng aking phone.
"Hello, Ate?" Antok kong sagot.
"It's Dex, Ace. I'm still with your Ate Serene, nasa Laguna kami at ayoko na sana siya pauwiin dahil gabi na. I want her to meet my parents too kaya pinilit ko siya na magstay muna rito for a few days. Nasabi kasi niya na baka hinihintay mo siya pauwi kaya tinawagan kita." He said with a hoarse, tired voice.
Bumiyahe pa talaga silang dalawa papuntang Laguna galing Tagaytay. Ate Serene must really be tired, kaya siguro ganoon na rin ang boses ni Kuya Dex.
"Okay, Kuya. Restwell and tell Ate that I miss her already." I said and ended the call when he said okay.
I checked the clock on the wall at nakita ko na ilang oras nalang ay sisikat na ang araw at kailangan ko ng bumangon para mag gym. Pero every minute counts kaya humiga na ako ng tuluyan sa sofa at itinuloy ang aking tulog.
The sound of my alarm woke me from my deep sleep and I turned it off panicky. Usually, I wake up before my alarm but this time, my alarm beats me. This is so new.
I'm not in my best mood because I'm feeling a little tired pero pinilit ko pa rin na mag-gym dahil naalala ko kung gaano karami ang nakain ko kagabi and it's making me feel guilty. I can't slack off or else magiging balloon ako sa lakas ko ba naman na kumain.
I extended the hours of my exercise to burn off extra calories from last night. I think that I will also have to extend my hours tomorrow here sabay ng low carb diet. I will have to ban myself from eating sweets for a week. A week, that's it. Because I'm gonna die if I can't eat sweets for straight 2 weeks or more.
Ilang araw pa nag-stay si Ate Serene sa Laguna at pagbalik niya ay napansin ko kaagad ang sugat sa kanyang noo pero hindi ko nalang pinansin. Pati ang wrist brace niya ay nakita ko sa kanyang kuwarto nang naiwan niya itong nakabukas dahil sa pagmamadaling pumunta ng kusina.
I don't know what really happened to her in Laguna pero mukha naman na hindi sila nag-away ni Kuya Dex dahil she is glowing with love. Marahil ay may activity silang ginawa dahilan ng injury niya.
My days at work was normal. Pretty much busy all the time na hindi ko napansin na lumipas na ang isang buwan at wala na akong chocolates and other sweets sa bahay kaya kailangan ko na ulit dumaan sa grocery.
I texted Ate para samahan niya akong mag grocery mamaya pagkatapos ng trabaho pero sinabi niya na may dadaanan pa siya kaya itinanong ko nalang kung may mga kailangan siya para mabili ko.
May kumatok sa aking opisina at hindi ko alam kung sino iyon dahil ibinaba ko lahat ng blinds para makapagfocus ako sa aking trabaho. Maya-maya pa ay sumilip doon si Christine at nay itinaas na paper bag.
"Delivery for you, Ma'am." Ngiti niya sabay lapit sa akin at lapag ng paper bag sa aking lamesa.
"Uh.. Thank you, Christine." Medyo wala sa sarili kong sagot habang nakatitig sa black na paper bag.
It's a paper bag from Café Laurent, a café that is famous for their macarons. Minsan lang ako napapadpad doon dahil out of the way papunta rito sa Simplicitè at pauwi. Isa pa, traffic there gets heavy during rush hour kaya hindi na ako nakikipagsapalaran.
I sat down the paper bag on my lap and slowly opened it to look what's inside. Baka troll lang sa akin ni Lloyd ni ito para maglaway ako.
There are 4 boxes all in all. 3 mini white macaron boxes and one big rectangular box.
Inilabas ko lahat iyon sa paper bag and look for a card inside para malaman kung kanino galing iyon pero wala naman iba pang laman kung hindi ang apat na kahon at wala rin na nakadikit sa mga boxes.
I asked Christine over the phone about the sender but there is no information, it was anonymously delivered.
Inuna kong tignan ang maliliit na boxes and saw different colors of macarons in each box. Naglaway tuloy ako lalo dahil kailangan na ng katawan ko ng matamis. It's the time where I can eat sweets and not feel guilty about it.
I put the three boxes back in the paper bag and put it on my table saka ko naman inilagay sa aking kandungan ang malaking box.
Saktong paghawak ko pa lang sa magkabilang gilid ng puting kahon para buksan iyon ay saka naman walang pasabing pumasok si Lloyd sa aking opisina kaya umusog ako papunta sa lamesa para itago ang kahon sa kanya.
"Afternoon! What is this?" Tanong niya sabay silip sa paper bag na ipinatong ko sa aking lamesa.
"Macarons."
Kinuha niya ang isang box sa loob saka binuksan ng walang paalam.
"I guess naubos mo na ang binigay kong Ferrero kaya bumili ka na ng sarili mong stock?"
"Of course, kailangan ko ba pinatawad ang Ferrero?" Ngiti ko.
Noong isang buwan pa iyon at hindi naman nagtatagal sa akin ang Ferrero because I can't resist eating it. Hindi pwede ang isa lang sa akin, bitin. Sakto lang talaga ang pagdating nitong macarons na ito ngayong kailangan ko ng sweet refueling.
"Galing ka kaninang umaga rito?" Tanong niya na nakaturo sa pangalan ng paper bag.
"No. An angel sent it." Sabi ko na nakangiti sabay hawak sa box na nasa aking kandungan. "Na-feel niya ang pangangailangan ko."
Nanlaki ang mga mata ko nang kagatin niya ang isang pink na macaron sa aking harapan at nakuha pa niyang nginitian ako pagsubo nya ng kalahati pa.
"How dare you!"
He coughed non-stop that I thought he was just kidding me until his face turned red. I thought he will die kaya napatayo ako bigla hawak ang malaking box at nagpunta sa kanyang likuran para tapik-tapikin ang kanyang likod.
Nang mahimasmasan siya ay saka ako umalis sa kanyang tabi para kumuha ng tubig.
"Hindi kasi 'yan sa'yo, ayan tuloy. Lesson learned, I believe." Sabi ko sabay abot ng aking tumbler sa kanya.
I put the box on my drawer while he is not looking and smiled when he turned his head sideways to look at me. Mukha naman na hindi niya napansin ang hawak ko dahil busy niyang binubuhay ang sarili niya.
"May galit yata 'yang nagbigay sa'yo niyan. Muntik na kong mamatay." Inis niyang sabi sabay tulak palayo ng lalagyan ng macaron sa kanyang harapan.
Masaya ko naman iyong kinuha sa lamesa at marahang ibinalik sa loob ng paper bag habang masama niya itong tinitignan.
"Sino ba kasing nagbigay niyan?" Kunot noo niyang tanong.
"I don't know." Sagot ko sabay kibit ng balikat.
Mariin niya akong tinitigan na para bang sinasabi niya na nagsisinungaling pa ako sa kanya.
"I really don't know, Lloyd. Walang card na nakalagay." Giit ko.
If he doesn't want to believe me, then it's not my problem anymore. Kahit bali-baliktarin niya ang mga kahon at ang paper bag ay wala siyang makikita. Kahit ubusin niya pa ang macarons ay hindi lalabas ang nagbigay niyon.
"Tapon mo 'yan, baka may lason o gayuma." Pikon niyang sabi.
I hugged the paper bag on my chest and gave him a laser eye. Sweets are precious, I can't just throw these macarons just because he got choked. Kasalanan naman niya dahil masiba siya, dapat kasi ay nanghingi muna siya bago niya isinubo sa bibig niya. Iyon tuloy ang napala niya.
Hindi niya na ako nilubayan sa aking opisina hanggang sa matapos ang oras ng trabaho. Hindi tuloy ako makakuha ng tiyempo para malagay ang malaking box na nasa aking drawer pabalik sa paper bag para maiuwi ko sa condo.
"Let's go?"
"Una ka na. May tatapusin lang ako." Sagot ko.
"Hintayin na kita." Pilit niya kaya tumayo na ako sa aking upuan para mauna na siyang lumabas.
Alam ko na hindi ko siya matataboy at baka makahalata pa siya lalo sa kinikilos ko kung ipipilit ko pa ang gusto kong mangyari.
Pagtalikod naman niya sa akin ay saka ako nagpaalam na pupunta ng banyo saglit. I remained inside for a minute doing nothing and peeked outside to look if he is still inside my office.
"Faster, Ace!"
Rinig kong sigaw niya galing sa labas kaya nangiti ako at mabilis na bumalik sa aking lamesa saka inilagay ang malaking box sa paper bag. I know he will not touch this again kaya it will be safe inside.
Bago matulog, pagkatapos mag-shower ay saka ko lang ulit naalala ang aking macarons nang makita ko ito sa ibabaw ng aking kama.
Kinuha ko ang malaking box sa loob and slowly opened it.
Napatulala ako nang makita ko kung ano ang nasa loob niyon. Una ko ng napansin ang may kalakihang puting card na may black na border sa ibabaw kaya kinuha ko iyon para makita ng maayos ang kabuuan ng laman ng kahon.
8 French macarons in the shades of pink going to brown separated by a border where there is like a mini garden that has 4 red roses, 4 pink roses, 5 succulents, and a small rose quartz in the middle that has its own small box.
How beautiful.
While still standing at the edge of my bed, I flipped the card to read what's written on it.
'Made specially for ACE LOPÉZ. -WS'
Pagkabasa niyon ay agad akong napatingin sa vase na nasa aking side table. It's empty now dahil nalanta na ang mga dahlias but it still reminds me of him. And now this?
He is so sweet and he is giving me beautiful things that makes my heart flutter. How can I say no to this? to him?