Part 4

881 Words
NAPAKAGAT labi si Belle habang nakatitig sa entrada ng lupaing mahigpit na binilin ng landlady nila na huwag na huwag nilang papasukin noong isang gabi na dumating sila sa San Bartolome. Pagkatapos ay nilingon niya ang mga kapatid niya. “Bakit kailangan ko itong gawin?” tanong niya sa mga ito. “Dahil natalo ka sa jack en poy,” sagot ng ate Shyra niya. Lalo lang siyang nafrustrate. “Pero bakit ba kasi kailangang may pumasok sa loob ng property na iyan? Bawal nga diba?” Tinaasan siya ng kilay ng ate Beverly niya. “Isa ito sa mga dapat mong matutunan Belle. Kapag sinabing bawal, iyon ang dapat inaalam. Lalo na kung mayaman. Narinig ko sa mga tao rito na malaki raw ang bahay sa dulo niyan at nag-iisa lang ang lalaking nakatira. Aalamin mo lang kung gaano katotoo ang mga sinasabi ng mga tao rito. Dapat matutunan mo na ang kalakaran ng kabuhayan natin. Matanda ka na,” sermon nito sa kaniya. Marahas siyang napabuga ng hangin. “Ate, sabi ko naman kasi sa inyo magbagong buhay na tayo. Bakit kailangan nating sumunod sa yapak ng mga magulang natin?” Pinanlakihan siya ng mga mata ng mga ito. “Kung magkakaroon tayo ng sapat na pera para magbagong buhay sige. Pero sa ngayon wala pa. Kung sobrang yaman talaga iyang nandiyan at malaki ang makuha natin sige, magpapakalayo tayo at magbabagong buhay. Ayos na ba iyon?” Hindi niya alam kung nagsasabi na ba ito ng totoo pero tumango na lamang siya. Baka naman sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mga itong magbago. “Dali na. Dapat matuto ka ng tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi kami habambuhay na nasa tabi mo Belle,” sabi ng ate Shyra niya. Muli ay huminga na lamang siya ng malalim bago humarap sa entrada ng private property na iyon at nagsimulang lumakad patungo roon. Habang humahakbang siya ay papabilis ng papabilis ang t***k ng puso niya. Hindi lamang niya masyadong mawawaan kung takot ba ang nararamdaman niya. Basta may kung ano sa lugar na iyon na nagdudulot sa kaniya ng ibang pakiramdam. Na para bang may kung anong humahatak sa kaniya patungo roon kahit pa sinasabi ng isip niya na delikado iyon. Nang sa wakas ay nasa loob na siya ay muli niyang nilingon ang mga kapatid niya na nagsipagtanguan. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa tuwina ay iginagala niya ang paningin sa paligid. Sa totoo lang ay maganda ang bahaging iyon ng San Bartolome. Para sa isang tulad niya na madalas sa mataong lugar nakatira, ay bago sa paningin niya ang tila gubat na iyon. Matataas ang mga puno at malamig dahil hapon na. Ngunit dahan dahang napalitan ang paghanga niya ng pag-aalala nang pakiramdam niya at tatlumpung minuto na siyang naglalakad ay wala pa rin siyang nakikitang bahay. Baka naman niloloko lang sila ng landlady nila at wala naman talagang nakatira doon? Hanggang sa mapahinto siya nang sa wakas ay makita na niya ang napakalaking bahay na hinahanap niya. Ilang segundong napatulala lamang siya roon. Napakaganda ng bahay na iyon kaya lamang ay halatang napabayaan. Kupas na ang pintura na hindi niya malaman kung puti ba o beige. Mukhang dalawang palapag lamang iyon pero malawak na kahit sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang naglalakihang salamin na bintana niyon. Kung maliwanag lang sana ay baka masilip niya mula roon ang itsura ng bahay sa loob. Iyon ang klase ng bahay na masarap tirhan, kung hindi lamang sana iyon mukhang malungkot na tila haunted house. Dahan dahan siyang lumapit doon, pilit inaaninag kung nasaan ang may-ari niyon subalit tila wala namang bakas ng kahit na sino roon. Lumigid siya sa parteng hindi niya nakikita at napasinghap siya nang mabungad siya sa pinakamagandang lugar na nakita niya sa buong buhay niya. Isa iyong hardin na puno ng makukulay na rosas. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng halatang pagpapabaya sa malaking bahay ay tila alagang alaga ang hardin na iyon. Lumapit siya sa isang parte na puro pulang rosas at sinamyo ang bango niyon. Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang isa. Nagtatalo ang loob niya kung pipitasin ba niya iyon o hahayaan lamang doon. Pero gusto kong kumuha. Mukhang wala namang tao. Sa naisip ay napangiti na siya at nagsimulang pumitas ng mga bulaklak. Nakakatatlong bulaklak pa lamang siya nang may malaki at marahas na kamay na biglang humablot sa braso niya at hinatak siya palayo sa mga rosas. Napangiwi siya nang matusok sa mga tinik ng rosas ang mga daliri niya at halos mabali na ang braso niya sa rahas ng pagkakahatak sa kaniya. Ngunit hindi niya nagawang inspeksuynin ang mga iyon nang mapaharap siya sa kung sino mang humaklit sa braso niya. O mas tamang sabihing maharap siya sa malapad na dibdib na pamilyar sa kaniya ngunit hindi naman niya alam kung bakit. “Who the hell are you and what are you doing at my property?” galit na galit at halos dumagundong sa tainga niyang asik sa kaniya ng lalaki. Tiningala niya ito at sasagot sana siya ngunit tila bumara sa lalamunan niya ang tinig niya nang mapatingala siya rito at masalubong niya ang kulay abong mga mata na pinakamalamig at walang buhay na mga matang nakita niya sa tanang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD