THIRD PERSON'S POV²: Kasalukuyang wala pa rin malay si Remy, ang mukha ay nagpasa ganoon din ang iilan parte ng katawan na agad kinuhanan ni Rocco ng litrato upang magsilbing ebidensya. Nasa kustodiya na ng mga pulis si Elvin, ang mga magulang ay hindi alam ang kabuang nangyari ngunit mabuti na lang mayroon cctv footage sa condo ng dalaga na ipinalagay noong nakaraan lang. Napag-alaman din ni Rocco na nagpa-double security ito ng unit matapos nang insidenteng naabutan niya ang dalawa na magkapatong, isa rin patunay na totoong pinilit nga lang ito ni Elvin noong gabing iyon at sa takot na maulit muli ay nagpahigpit na ng seguridad. Mariin napapikit si Rocco at naikuyom ang dalawang kamao sa pagiging hangal niya dahil hindi siya agad naniwala. Nakaupo sa silya sa gilid ng kamang hinihig

