THIRD PERSON'S POV: Walang salitang namutawi kay Rocco matapos makarating sa kanya ng nangyari at tanging takot at labis na pagaalala ang nangibabaw sa kanya para kay Remy. Wala na siyang sinayang na oras pa nang dali-dali na siya lumabas ng kanyang condo na tinutuluyan at tarantang dumiretso sa parking at sumakay na sa kanyang sasakyan. Mahigpit ang naging hawak niya sa manibela habang ang siko ay nasa hamba ng bintana at kagat-kagat niya ang hinlalaki. Mabilis ang pagpapatakbo niya at hindi alintana ang trapiko basta ang isip niya makarating agad sa condo ni Remy. Hindi niya alam ang iisipin at mararamdaman, ang malaman ang ginawa ni Elvin kay Remy ay talagang nagpakulo ng husto sa dugo niya kasabay nang panlalamig. Mabilis siyang nakarating sa condominium building kung saan ang u

