Alinsunod akong nag-door bell sa condo ni Darlin, Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. I need someone to talk to. Ilang saglit lang bumukas na ang pinto. Agad akong yumakap sa matalik kong kaibigan na bakas ang gulat sa biglaan kong pagsulpot. "Oh! Remy? What happened??" Hagod niya ang likod ko na puno ng pagaalala at hindi ko na nga napigilan pa maging emosyonal. Humiwalay ako sa kanya ng yakap. "Can we talk?" I asked between my silent sobs. "Oo naman! Pasok ka." Dali-dali niyang nilawakan ang bukas ng pinto para papasukin ako at dinala niya ako sa salas. "Sandali ikukuha kita ng tubig," nagpaalam muna siya sandali at nagtungo na sa kusina. Naupo ako sa mahabang sofa nang magkadaop palad. Para akong basang sisiw, saktong umuulan pa sa labas pero nagawa ko naman makapagmaneho pa

