"Ayos na bang lahat ng mga gamit mo? Make sure wala kang naiwan," tanong at bilin sa akin ni mommy habang katawagan ko. "Yes, Mom. Chinicheck ko na lang," sagot ko. May mga bilin pa siya sa akin na intindi kong lahat at saka nagpaalam na rin at may gagawin pa raw ito kaya tinapos na rin kaagad ang tawag. Sinigurado ko na wala akong naiwang importanteng mga gamit. Ngayon na ang araw ng alis ko, wala akong sinabihan kundi si Darlin lang. Ang mga gamit ko naman dito sa condo ko ay ibinilin ko na lang din kay Darlin, and even my car na binabalak ko na ibenta ay ito na rin ang bahala maghanap ng bibili, itong condo ko naman ipinabebenta ko na rin. Hindi maganda ang huling nangyari sa akin dito kaya mapagdedesisyunan kong ibenta na at hindi na rin naman ako babalik pa. Pinasadahan ko mun

