FINAL CHAPTER

1354 Words

Itinigil ko ang sasakyan sa tabing dagat sa may gilid ng kalsada kung saan madalas kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa. Hinubad ko ang suot kong takong na sapatos at naglakad sa buhanginan nang nakapaa lang gustong-gusto ang pakiramdam na umapak sa buhangin at damhin ang kagaspangan nito. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay sandali akong huminto para ipikit ang mga mata ko nang salubungin ako ng pagaspas ng malakas na hangin mula sa malawak na karagatan. Sa tuwing gusto ko ng pahinga at sa tuwing nilulukob ang isip ko ng hindi magagandang bagay dito ako pumupunta at ang lugar na tahimik na katulad nito ay ang nakakapagpakalma sa akin. Tanging malakas na alon at pagaspas lang ng hangin ang maririnig dahil hindi naman ito puntahin ng mga tao, mangilan-ngilan lang kung minsan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD