THIRD PERSON'S POV: "Sabi sa iyo hindi magandang ideya pagpunta natin rito," dismayadong sinabi ni Austin habang nasa hotel sila na kanilang tinutuluyan. "Sino ba naman kasing hindi magagalit? Bigla ka na lang sumulpot." Inutusan pa siya ng kaibigan na bumili ng kape kaninang umaga sa coffee shop ni Remy at dahil hindi naman siya kilalang kaibigan ni Rocco kaya 'di nalaman ng dalaga na kasama siya ni Rocco dito. Palatak na lang na napaupo si Rocco sa mahabang sofa at hilot ang sintido. Hindi naging maganda ang bungad ng muling pagkikita nila ni Remy. "Hindi ko na napigilan ang sarili ko... para na akong mababaliw. Sa kagustuhan ko siyang makita sinadya ko siyang puntahan," rason niya. "Eh, ang tanong. Natuwa ba siyang makita ka? Ginalit mo lang. Ipinagsampalan tuloy sa iyo na hindi n

