Abala ako sa pagbibilang ng kinita ng shop magmula sa buong maghapon habang si Yemery hindi na talaga umalis. Nakitambay na talaga rito maghapon at ginawa niya na rin working place ang shop ko habang tutok lang sa laptop at panay ang kape. Mayroon akong dalawang staff pero mas gusto ko maging hands on sa negosyo ko, hindi naman ako mahigpit na boss sa mga empleyado ko madalas kapag kaya naman ng mag-isa ako na at hinahayaan ko silang magpahinga. Ayos na rin ang kita ng shop na ito at bukod sa nakakalibang na plus stress diversion pa. It's already 6:00 in the evening, 12 hours open ang shop pero ang mga employees eight hours duty lamang kaya nakauwi na sila kanina pa at kami na lang ng kapatid ko ang nandito. "Ate..." Lumapit sa akin si Yemery at niyugyug ang balikat ko habang nasa ma

