CHAPTER 1

1124 Words
"AYAN KA NA NAMAN SA MAGAZINE MO" Halos pabulong lamang ang pagkakasabi ni Diane sa kanyang tainga. Matalik niyang kaibigan ito mula pa nung first year high school sila. Maagap niyang itiniklop ang hawak na magazine at nginitian nang napakatamis ang kaibigan. "Kakabili ko lang kanina nito sa Mall noh! Papalampasin ko ba namang hindi matitigan ang 'boyfriend' ko?!" Agad siya nitong sinita dahil medyo hindi niya napigilan ang pagkakilig niya. Nasa kalagitnaan palang kasi sila nang klase sa algebra pero heto at iba ang inaatupag niya. "Kurutin ko singit mo! Baka mamaya makita ka ni Maam at sitahin kana naman. Tyaka anong boyfriend? Kuya mo yan..huwag kang feeling" Tinaasan ni Myda nang kilay ang kanyang kaibigan. Palagi nalang kasing nasisingit nito ang salitang kuya kapag ang lover boy na niya ang pinag-uusapan. "Diane naman eh! Huwag ka na kasing panira. Kelangan pa ba talagang lagyan nang kuya kapag tinatawag ko ang pangalan niya?" "Dapat lang ano! Mas matanda siya sayo!" "Oh eh kahit na! Matanda na kung matanda sakin pero sinasabi ko sayo..siya ang future boyfriend ko!" Napangiwi ang kanyang kaibigan sa kanyang tinuran. Hindi na ito naimik pa hanggang sa matapos ang kanilang klase. Nasa fourth year high school na siya at graduating na din. Balak niyang mag-aral agad nang kolehiyo pagkatapos. "Kung ako sayo ipatransfer mo na ang apelyido mong Dumo sa Zafra. Tunog mayaman kasi" "Ayoko nga! Masaya ako sa apelyido kong Dumo. Tyaka isa pa ito nalang ang natitirang ala ala nang mama ko sakin at tanging naipamana niya kaya ayokong palitan kahit pa tunog mayaman ang Zafra" She is the half sister of Soul Cade Zafra. Ang isa sa mga sikat na modelo sa Asya. Mula nang mamatay ang kanyang ina ay kinuha siya nang ama niya at ipinakilala sa kanyang kuya Soul. Mabait ito kaya hindi siya nahirapang pakisamahan at makapag adjust sa bahay nila. Wala na din kasi ang ina nito dahil maaga ring nawala. Ang ama na angay gustong palitan ang kanyang apelyido at gawing isang tunay na Zafra kaso ay tinanggihan niya iyon bagay na sinuportahan nang kanyang kuya Soul. "Teka! Bakiy ba nagmamadali ka?" Sita sakanya ni Diane habang naglalakad sila palabas nang klasroom. "Naku eh..nahuli ko kasing naguusap sa telepono si Kuya Soul tyaka si Akio kagabi at know what pupunta siya sa bahay ngayon kaya maaga akong uuwi" ngiti nito na abot na sa kanyang taenga. "Pero may group project pa tayo!" Maktol nang kanyang kaibigan pero hindi niya ito pinansin at binilisan lalo ang paglalakad kung kayat nakalayo na siya dito bago niya ito hinarap. "Gagawin ko nalang sa bahay yung part nang report natin. Bye bes!" May sinasabi ba si Diane pero wala na iyon sakanya. Walang laman ang kanyang isip kundi ang pagpunta ni Akio sa kanilang bahay. Napangiti siya habang naghihintay nang masasakyang tryckle papasok sa villa. Matagal na niyang nakikita si Akio. Elementarya palang siya nuong una niya itong makita sa bahay nang mga Zafra. Bagong dating siya noon sa tahanan nang mga ito at doon niya nakilala si Akio. Ang matalik na kaibigan nang kanyang kuya Soul. Mabait ito at gwapo. Lagi siya nitong pinapasalubungan nang chocolate sa tuwing nadadalaw sa kanilang bahay. Mula noon ay umosbong ang hindi maipaliwanag na pagmamahal sa kanyang puso. Alam niyang imposibleng mangyari na mapansin siya nito bilang isang babae dahil para sa binata ay isa lamang siyang batanh kinakapatid dahil sa agwat nang kanilang edad. Pero who cares?! Age adoesn't Matter ika niya. At wala siyang pakialam kung mas matanda man ang binata sakanya. 8 years lang naman ang agwat nila at hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga para sakanya ay ang pagmamahal nito sakanya. Pagmamahal na lihim niya. Mabilis siyang pumara nang tryckle at nagtungo sa villa kung saan sila nakatira. Pagkababa nito mula s bukana nang villa ay konting lakaf lang ay nakarating na siya. Halos hingal pa siyang tumakbo papasok nang kanilang bahay. Bigla siyang napangiti nang maulinigan ang boses nang binata. "Im here.." Pero nabitin ang kanyang ngiti sa ere nang makapasok sa loob nang kabahayan dahil sa kanyang nakita. Kitang kita niya ang isang babae na halos nakayakap na kay Akio. Biglang nagdilim ang kanyang mukha. "Lil sis! Andito kana pala" bungad nang kanyang kuya Soul. Dahan dahan siyang napatango ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa babaeng katabi ni Akio. "Hi Mydz! This is Amcee. And" tumayo ito at naglakad patungo sakanya. Feeling niya si Akio lamang ang kanyang nakikit. Pakiramdam niya ay naging slomo ang paligid niya dahil sa paglalakad nang binatan nang makarating ito sakanya ay agad nitong nilahad sa kanyang harapan ang isang toblerone. Pinakatitigan niya ang binata at hindi pinansin ang toblerone. Gwapo parin ito at walang pinagbago. Mapungay ang mga mata nito at matangos na ilong. Manipis na labi na parang napakasarap halikan. Para siyang nahihipnotismo sa mga titig nito kung saan ay hinila ang kanyang isip sa kung saan. "Let me..ki--" "Mydz! Are you okay?" Nabalik sa realidad ang kanyang isip nang hawakan ni Akio ang kanyang balikat at medyo niyugyog iyon. Napapikit pikit siya at napangiwi dito. s**t muntikan na! Hiyaw nang kanyang isip. Agad niyang inabot ang chokolateng hawak nito at matamis na nginitian. "Sa--salamat" wika niya "Myda magbigay galang ka sa nakakatanda sayo" sita nang kanyang kuya. Napakagat labi siya bago binalingan ang binata. Kahit man ayaw niya ay ginawa parin niya. "Salamat po..ku--kuya" Halos maiyak siya sa sarili niyang tinuran. Iyon kasi ang pinakaayaw niya sa lahat at tinatawag itong KUYA! Hindi ba nila alam na ito ang magiging future boyfriend niya? Ginulo nang binata ang kanyang buhok at nagsimula na itong maglakad patungo sa hagdan. Bumalik na din si Akio sa tabi nang babaeng pinakilala nito. Base sa kanyang nakikita ay hindi ito isang kaibigan lamang. Nagsimula siyang umakyat sa hagdan nang magsalita ang kanyang kuya Soul na ikinatigil niya. "Saan ba tayo bukas?" Tanong nito kay Akio. Teka! Kelangan niyang malaman kung saan ito pupunta bukas para alam niya kung saan ito susundan. "Sa X Club..okay lang ba?" Wika nang babae na ikinataas nang kanyang kilay. Bigla siyang nagngitngit nang makitanh inakbayan ito ni Akio tyaka hinalikan sa leeg. Akio is a Womanizer pero wala siyang pakialam basta para sakanya ay kanya ang binata. Nagpatuloy ito sa pagpunta sa kanyang kwarto. "X club pala ha! Well see you there my future boyfie! And I will make sure na magkikita tayo bukas!" Lahat ay gagawin niya para palagi itong nakikita. Stalker na kung stalker ang lagay niya pero wala silang magagawa. Akio Ace Arevalo..his future Boyfie..and future hubby. By hook or by crook.. "You will be mine!" Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. At itataga niya sa bato na bukas ay sisiguraduhin niyang mapapansin din siya nang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD