CHAPTER 2

1292 Words
ISANG MALAKAS NA PITIK sa harapan niya ang nakapagpabalik sa kanyang diwa habang lumilipad iyon patungo kay Akio. Takang napatingin siya sa kanyang kaibigan. "Tulala kana naman. Anong kalokohan na naman kaya ang laman nang utak mo ngayon?" Tumulis ang nguso niya habang nakatingin dito. Hindi parin kasi maalis sa kanyang isip ang nakita niya kahapon. Hindi maatim nang kanyang sarili na iyon ang babaeng kinababaliwan nang kanyang pinakamamahal. "Nakakabwisit lang kasi!" Bulalas niya habang nasa canteen sila ni Diane at nagmemeryenda. Hapon na at isang klase nalang ang hinihintay nila at matatapos na naman ang maghapon nila sa skwelahan. "Ano na naman bang problema? Kay Akio na naman? Sabi ko naman kasi sayo bes wala kang pag-asa doon" sabay subo nang order nitong pancit. "Kaibigan ba talaga kita o ano? Bakit parang mas pabor ka pa sa babaeng iyon kesa sakin?" Napaawang ang bibig nito nang tumingin sakanya. "Babae? Teka! Ibig sabihin ay totoo ang balita na may girlfriend na si Akio mo?" Nangalumbaba siya sa mesa. Nakakainis lang kasi at pati ang balita ay hindi nakikisama sa kanya. Mantakin ba namang isiwalat pa iyon nang media! Nakakaasar talaga! Sana nga eh siya yung babae kaso iba! "I saw that b***h yesterday..at nasa bahay siya. A model" Kilala niya ito..si Amcee Dela Vega. Ang isang sikat na International Model. Kasama din ito sa mga Victoria Secret Model. Pero ano naman sakanya kung Modelo nga ito?! b***h parin ang tingin niya dito. "Who?" Tanong nang kanyang kaibigan. Nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga. Maganda naman talaga si Amcee at sexy! Ang totoo nga niyan hindi rin lugi si Akio sa modelong iyon. "Amcee Dela Vega" Nanlaki ang mga mata nang kanyang kaibigan at biglang napangiti. "Gosh! Bes! Sikat iyon! At ang ganda pa! Nakita ko nga yung poster niya sa kalsada tiyaka pati yung larawan niya sa billboard..ang sexy at--" Sinamaan niya iyo nang tingin na ikinatigil ni Diane. "Tyaka..bitch" dugtong niya. "Ang bitter mo bes" inirapan niya ito at tinusok tusok ang spaghetting inorder niya. Hindi niya malaman kung bakit wala siyang ganang kumain. Siguro ay dahil sa mukha nang Amcee na iyon. Naumay tuloy siya. "b***h naman talaga iyon! Tyaka sige lang girlfriend niya ngayon..eh ano ngayon? Maghihiwalay din sila. Kasi kami ni Akio ang may forever" "Sus! Mangarap ka nang gising sa Prince Charming mo. Libre naman iyan bes" Biglang sumagi sa kanyang isip ang narinig niya kahapon na usapan nang mga ito. "Club X..tama!" "Ano na namang Club X ang pinagsasabi mo Mydz? Club House yun..ayun oh! May tinda pa sila" Nginitian niya ang kanyang kaibigan. Kahit kelan talaga ay inosente ito pagdating sa ganitong mga bagay. "Diane pwede huminging favor?" "Ano yun bes? Siguraduhin mong kaya kong ibigay yan ha.." Tumango siya at hinarap ito. "Diba dipa tapos yung group project natin?" "Tapos? Ngayon?" She bit her lower lip. "Sa bahay kana matulog mamayang gabi" Halos mabulunan ito dahil sa kanyang sinabi. Uminum ito nang tubig tyaka nagsaliya. "Mydz naman! Huwag ganun! Akala mo ba madaling hindi umuwi sa bahay nang isang gabi? Malate nga lang ako tinitira na ako nang amazona kung ate." Ang tinutukoy nito ay ang kapatid nitong nakakatanda sakanya. Bigla siyang nalungkot. Iyon nalang kasi ang planong naisip niya para ma-stalk si Akio. "Ako magpapaalam sa ate mo.no kaya sa nanay mo" "Mas nanay ang ate ko kesa sa nanay namin talaga! Desisyon niya ang nasusunod. Siya batas sa bahay" "Ako na ngang bahala. May naisip na akong paraan" ILANG MINUTO NA ANG NAKARAAN nang makaalis sila sa bahay nina Diane. Sa hinaba haba nang mga katanungan nang ate nito ay hindi magkanda humayaw si Myda sa kakaexplain. Nakarinig pa sila nang mga payo nito at malulutong na 'tandaan mo' bago pinayagan ang kanyang kaibigan. "Sabi ko na sayo eh.." basag nito sa katahimikan nila habang lulan sila nang taxi pauwi sa kanilabg bahay. "Oks na kaya huwag kanang magmaktol diyan. Buti nalang at umubra kahit papano ang eksplanasyon ko sa ate mong amazona" Natawa bigla ang kanyang kaibigan. Nang makarating sila sa kanilang bahay ay agad silang nagtungo sa kanyang kwarto. Alas sais na at kelangan nilang magmadali para isagawa ang kanyang plano. Inilabas niya ang mga dait niyang pinakatago tago niya at inilagay iyon sa isang bag. Takang napatingin si Diane sakanya. "Ano yan? Aalis ka? Akala ko gagawa tayo nang project?" Myda rolled her eyes at pinagpatuloy ang ginagawa nito. Damit, sandal, make up at kung ano-ano pa ang kinuha niya. Gustuhin man niyang magpalit na sila sa bahay nila pero baka hindi siya payagan nang kanyang ama kapag nakita siya nitong nasa ganuong ayos. "Tara na" aya niya sa kanyang kaibigan. "Saan ba tayo pupunta?" "Basta! Halika na" Hinila siya nito palabas nang kwarto at sakto namang nasa hagdan ang kanyang ama pababa at nakita sila. Napatingin ang kanyang ama sa kanyang kaibigan pagkatapos ay sa bag na dala niya. "Daddy si Diane po kaibigan ko" "Magandang gabi po" bigay galang nang knyang kaibigan. "May pupuntahan yata kayo?" Tanong nang kanyang ama. "Eh..may group project po kasi kami Daddy at gagawin namin iyon sa bahay nang kaklase namin" "Diba dito--" Bigla niyang siniko ang si Diane para tumahimik ito at mabuti nalang at tumigil ito sa kakasalita. "Ok sige. Tutal Saturday naman bukas ay papayagan ko kayo. Magpahatid kana sa driver natin" "Naku Daddy huwag na mag taci nalang kami. Salamat po alis na kami" humalik ito sa pisngi nang kanyang ama at nagmadali silang bumaba nang hagdan. Agad siyang pumara nang taxi at nagpahatid sa isang hotel. Yes. Afford naman niya ang magbayad sa hotel. Isang gabi lang naman iyon. "Bakit ba tayo dito nagpunta?" Hirit na tanong ni Diane nang makarating sila sa loob nang binayaran niyang kwarto. Eto ang hotel na kinuha niya para malapit lang sa Club X. Tanaw nga iyon mula sa bintana nang kwartong kinuha niya. Tumanaw siya doon "nakikita mo ba ang Club na iyan?" Wika niya sa kanyang kaibigan. Lumapit din ito sa kinatatayuan niya at tinignan ang kanyang tinuturo. "Oo nakikita ko bakit Mydz?" "Diyan tayo pupunta mamaya" Napatingin siya kay Diane nang napatampal ito sa bintana. "Ayan na naman kasi tayo Mydz eh! Sabi na eh iba tong papasukan natin! Di tayo makakapasok diyan..menor de edad pa lang tayo" Ngumiti siya na parang may naiisip na namang hindi maganda. "Kaya nga diba akong bahala! Ano pa bang gamit nang mga kinuha natin kung hindi natin gagamitin" Nilabas niya ang mga kinuha niyang gamit sa kanilang bahay. "Eti ang magiging damit mo ngayong gabi" Pinakita nito ang isang piraso nang damit na tube type. Parehas sila nang design at tabas pero magkaiba lamang nang kulay. "Ayoko nga! Tignan mo nga labas na kaluluwa ko diyan!" Kinuha nito ang damit at tinapat sa kanyang kaibigan. "Kelangan nating gawin ito para makapasok tayo!" Kapg sinuot nila iyon at nag-ayos nang buhok at nagmakeup hindi na sila pagkakamalang medor de edad. Matangkad din naman sila kaya hindi halata. "Naku eh..Mydz kasi! Hindi ba pwedeng ikaw nalang?!" Maktol nito sakanya. Kaya naman hinila niya ito at pinaupo sa harapan nang salamin. "Aayusan na kita. Uunahin na kita. Makisama ka naman Diane paano ko makukuha si Akio? Kelangan ko tulong mo bes!" Bumusangot ang mukha nito sakanya. "May magagawa pa ba ako! Eh andito na tayo? Magdadasal nalang ako na sana hindi tayo mabulilyaso dahil kapag nagkataon..patay ako sa ate ko!" Niyakap niya ito at hinalikan sa ulo. "Thanks bes! Ikaw na talaga ang partner in crime ko" "Tumigil ka Mydz! Accessory lang ako sa mga kalokohan mo! Hmp! Hindi kita matiis eh! Oh siya pagandahin mo na ako bago pa magbago ang isip ko!" Dali-dali niya itong inayusan para maaga silang makapunta sa Club X. Antay ka lang Akio..magiging akin ka din..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD