CHAPTER 3

1178 Words
MARAHAN NIYANG INAYOS ANG KANYANG buhok at mas nilislis pa nito ang maikli niyang sexy dress bago humarap sa kanyang kaibigan. "Bakit pa nilislis mo pa! Ang ikli na nga inangat mo pa!" Sita ni Diane sakanya habang hindi ito magkanda humayaw sa paghila pababa sa suot nitong damit dahil sa kaiklian nun. Pinandilatan niya ang kanyang kaibigan at hinawakan ito sa braso. "Pwede ba Diane! Kelangan gawin natin to! Baka mamaya mapansin tayo nang bouncer na menor dw edad hindi pa tayo makapasok diyan! Ay naku!" Inayos nito ang bra niyang may nakapal na foam. Kelangan niyang gawin iyon kundi talagang talbog siya sa mga babae sa loob. Ayos naman ang kanyang hinaharap hindi nga lang masyadong pinagpala. "Halika na! Huwag kang papahalata!" Naglakad sila palapit sa lalaking nasa bukana nang Club X. Matangkad ito at may malaking pangangatawan. "Hi kuyang pogi" Bati niya dito at talagang maa niluwagan ang pagkakangiti. Alanganing ngumiti ito sakanila tyaka siya pinasadahan mula ulo hanggang paa. "Welcome to Club X maam..enjoy your night" Tyaka nito nilahad ang kamay papasok. Nginitian niya ito at tinapik sa balikat. Sabi na ngang makakapasok talaga sila. "See! Hindi niya tayo napansin!" Laking tuwa niya nang maglakad sila papasok sa loob. Patay sindi ang mga ilaw at ibat ibang kulay iyon na nakakahilo sa paningin. "Paano nating mahahanap ang mga iyon kung ganitong napaka crowded!" Sigaw ni Diane dahil sa lakas nang tugtog ay hindi na yata sila magkarinigan nito. Imbes na pansinin ang kaibigan ay hinila niya ito at inikot ang kanyang paningin upang hanapin ang binata. Nakailang ikot na sila nang bigla niyang mahagip ang isang pareha na hayok kung maghalikan. Biglang naningkit ang kanyang mga mata. How dare that b***h para halikan nang ganuon ang future boyfie niya! "I saw them..and I don't like it! Kelangan ko ang tulong mo" bulong nito sa kanyang kaibigang si Diane. Kunot noo itong napatingin sakanya at tinuro niya kung nasaan sina Akio at ang mga kaibigan nito. "Masakit?" Tanong nito sakanya. She rolled her eyes at nagisip nang plano. "Siguraduhin mong tatapon ito sa damit nang babaeng iyon!" Pinakita nito ang hawak niyang inumin na kinuha niya sa counter. "Kelangan eh magpunta siya sa CR at ako nang bahala doon." "Yun lang ba? Eh paano kung makilala ako nang kuya mo? O kaya si Akio? Naku!" Hinawakan niya ang kamay nito. Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawa. She really need her help. "Okay..gagawin ko na. After this at naisagawa muna ang plano mo uuwi na tayo!" Tumango siya at pinanood ang paglalakad nang kanyang kaibigan patungo sa kinatatayuan ni Amcee. Aksidenteng naitapon ni Diane ang hawak nitong inumin sa mismong dibdib nito. That was intentional.. Nakita niya kung paanong maghysterical ito at hindi namalayan nang mga ito ang pagalis nang kanyang kaibigan. Good job.. Nakita niyang nagtungo ang babae sa CR..pero may naging problema..Akio is on her back. Sinundan nito ang babae sa CR. Hindi siya tanga para hindi alam ang mga ganuong da moves! Tunakbo siya patungo sa CR nang mga babae kung saan nakita din niyang pumasok si Akio. Nasa bukana na siya nang mapatigil siya. "Uhmmm..Akio..uhmmmm! s**t!" She bit her lower lippara pigilin ang kanyang nararamdamang sama nang loob. "f**k! I want you Amcee..I want you now!" "Baka may..uhmmmmm..makakita satin? Oh Akio..I want you too" Putragis! Naiiyak na talaga siya. Parang ayaw na niyang gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. But no! Kelangan nilang tumigil! Kelangan niyang pigilan ang mga ito! Tinulak niya ang pinto at mula doon ay natulos siya. Umagos ang kanyang luha at umawang ang kanyang labi. Akio and Amcee having Orgy in public CR..biglang bumalik sa realidad ang kanyang isip nang mapansin niyang napatingin sa kanya ang babaeng katalik ni Akio. Mabilis siyang tumalikod at nanakbo palabas nang Club X. It hurts! "Bes ano na kumusta ang-- bakit ka umiiyak?" Pero imbes na sagutin ito ay niyakap niya ang kanyang kaibigan. Napakasakit pala talagang makita ang iyong minamahal na nasa iba lalo pa at below the belt ang ginagawa. "Bes ang sakit.." Hinagod hagod ni Diane ang kanyang likod at pinapatahan siya. "Sshhhh..tara na uwi na tayo bes" Inakay siya nito palayo sa Club X at mabilis na pumasok sa hotel. When they reached there room agad na nagpalit sila nang damit at walang imik na umupo si Myda sa may bintana at nakatingin lamang sa Club X na kanilang nilabasan kanina. "Mind to tell me kung ano ba talagang nangyari sa loob nang CR?" Umupo din ang kanyang kaibigan paharap sakanya at muli ring tumingin sa Club X. "I saw them" she paused for a while and bit her lower lip. Hindi niya alam kung kaya ba talaga niyang bigkasin iyon. "I saw them..kissing and--nag..gerger sila" Diane parted her lips in disbelief. Bigla din iyong tumikom nang makabawi sa kanyang narinig. Alam din naman niya ang ibig sabihin nun dahil naririnig nila iyon sa mga ilang kaklase nilang palengkera. "Masakit nga bes.." Sinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang palad at binuhos ang lahat nang sama nang loob niya. Parang pinapatay ang puso niya dahil sa kanyang nakita at hindi niya alam kung paano iyon makakalimutan. "Tama na kasi..hayaan mo na siya..madami pa namang iba diyan bes hamak na mas gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat mas magaling kesa Akio mo at mas kaedad mo" "No! Hindi! Hindi ako susuko!" Kinuyom niya ang kanyang palad at malakas na pinukpok iyon sa gilid nang bintana. "Hay naku..sige pakamartir ka at tignan natin kung dika lumuha nang dugo sa ginagawa mo" Suminghot siya at pinunasan ang mga luha niyang naglaglagan sa kanyang pisngi. Kung bakit naman kasi hindi nalang niya naginv kaedad si Akio para match naman sila. Pero ano bang masama doon? "Ano bang masama kung hindi kami magkaedad? Ganun ba talaga kabawal para magkaroon kami nang relasyon sa laki nang agwat nang edad namin? I mean! Hindi naman ganun kalaki talaga ang age gap namin ah 8 years lang! 8 f*****g years!" "Sabihin na natin na may age discrimination pagdating sa iba. Siyempre mas lalo sa posisyon niyo ni Kuya Akio..mantakin mo bang bestfriend yun nang kuya mo! Tyaka may mas malaki pang problema dun Mydz na siguro hindi mo nakikita. Know what? Dahil may gf si Kuya Akio at ang pinaka sa lahat..nakakabatang kapatid ang tingin niya sayo. See?! Yun ang pinupunto ko" Iningusan niya ito at napatingin sa kawalan. Ano kung may gf siya eh di gagawin niya lahat magkahiwalay lang ang mga ito. "Hindi naman yun problema Diane eh..kaya ko silang paghiwalayin isa pa kaya ko din naman siyang paibigin eh. " "At ano? Sisirain mo ang kaligayahan niya? Pagmamahal pa ba talaga yan Mydz? Tyaka..paano mo paiibigin? Pipikutin mo para maging iyo? Nahihibang kana ba?!" "Gagawin ko ang lahat Diane para lamang maging akin siya! Hibang na kung hibang pero hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba. Makasarili na kung makasarili pero handa akong sumira nang relasyon mapasaakin lang siya!" Napangiwi ang kanyang kaibigan sa kanyang tinuran. Kung diman kaya sa santong pakiusapan dadaanin niya sa santong paspasan. And no one will stop her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD