Sey POV Matapos nang mga nakita ko ay nagtatakbo akong lumabas ng room. Hinabol ako ni Harvey pero ang sabi ko ay iwanan muna niya ako. Nagpunta ako sa field ng school at umupo sa ilalim ng lilim ng puno. Napatingin ako sa langit at inalala ang nangyari kanina. Si Yura, na ang sabi ay nakipaghiwalay daw si Syx sa kaniya dahil sa akin kaya ako sinugod. Si Syx, na binantaan si Yura kapag inaway ulit ako. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ‘yon Syx. Hindi ko alam. Habang namamahinga ako dito sa ilalim ng puno ay nakakaramdam ako na parang may kasama ako, lumingon ako sa likod ko at napansin ko nga na may tao. Ang kulit talaga ni Harvey. “Harvey, ang kulit mo din eh, ano? Sabi ko sa’yo gusto ko mapag isa. Ikaw talaga,” natatawang sabi ko. “Paano kung sabihin ko sa'yong hindi ako si Harv

