bc

My Runaway Boyfriend

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.2K
READ
family
pregnant
brave
drama
comedy
sweet
bxg
lighthearted
brilliant
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Masakit maiwanan ng taong mahal mo. Pero mas masakit yung iniwan ka na nga, hindi mo pa alam ang dahilan kung bakit siya lumayo.

Meet Sey Pineda, ang babae na nagmahal, binuntis, nasaktan at iniwan. Makakaya kaya niya ang pagiging isang single Mom kahit na may tulong ng kaniyang kaibigan na si Alexa Fuentes? Ngunit, paano kung isang araw ay may makilala siyang lalake na handang akuin at tumayong Ama sa magiging anak niya? Handa na ba siyang magmahal muli? O hindi pa rin siya nakakatakas sa damdamin mula sa unang taong kaniyang minahal?

"I just wanted to have a normal life. I just wanted to have a happy family but why? Why did all of that tragedy happened?" - Sey

A painful story of Sey Pineda and Syx Ramos.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hoy Syx! Walangya kang g*go ka. Lumabas ka d'yan!" malakas na sigaw ko at puno nang galit habang nakatayo sa may labas ng bahay ni Syx. "Mommy, don't shout! And why the hell we are here?" tanong sa akin ng anak kong bunso na si Laurell Kim Ramos. "She's right, Mom. Don't shout! You look like the old landlady," supladong segunda naman ng aking panganay na si Mikey Simon Ramos. "Aba! Loko kayong dalawa ah. Nand'yan lang naman sa loob ng bahay na 'yan ang tarantado n'yong Daddy!" Sey POV "Pasensya ka na talaga, Alexa. Sobra na ang abala ko sa'yo," nahihiyang pahinging paumanhin ko sa kaibigan ko habang nandito sa may labas ng kaniyang bahay dahil nagbabakasali ako, na patuluyin muna niya hangga't hindi ko pa naaayos ang problema ko. "Hay naku! Wala 'yon, Sey. Para saan pa ang pagkakaibigan natin, hindi ba? At saka alam ko naman na kailangan mo ng tulong lalo na at buntis ka," mabait na wika nito at nahihiya naman akong ngumiti at nagpasalamat. Ito pa nga ang problema! Langya 'di ko akalain na sa murang edad ko ay makakalunok ako ng dalawang bata. Jeez! 20 years old pa lang ako! "Ipalaglag ko kaya?" walang kagatol-gatol na tanong ko pero kaagad akong binatukan ni Alexa. "Aray! Bakit ka ba nangbabatok? Nagbibiro lang ako!" naiinis na sabi ko. Batukan daw ba ako?! "Hindi magandang biro, Sey. Huwag na 'wag mong ipapalaglag ang mga 'yan! Kasalanan 'yon!" pangaral nito sa akin at napanguso naman ako. As if naman na wala akong takot sa batas ng tao at batas ng Diyos. "Pero Alexa, tignan mo ako! Tignan mo ang apartment ko? Hindi ko kayang buhayin ang dalawang 'to," pagtutukoy ko sa dalawang sanggol na ansa loob ng tyan ko. "Kaya nga tutulungan kita, hindi ba?" pagsisiguro nito sa akin. "Kung hindi lang kasi g*go ang tatay ng mga 'to. Jusko, na hit and run ako!" maktol ko ng maalala ko na naman ang nangyari. Oo, na hit and run ako. Dahil pagkatapos akong putukan ng g*go. Ayon, nawala na at ang malupet may iniwan lang na souvenir. Hindi lang isa kung hindi dalawa talaga! "Inaalala ko ang pag aaral ko, Alexa," pag amin ko sa kaibigan ko. "Hay, kaya nga tayo tumigil ng isang taon kasi buntis ka, hindi ba? Ipanganak mo muna ang dalawang 'yan tapos balik pag aaral ka na ulit." "Pero sino ang magbabantay?" problemado kong tanong. "Para saan pa ang yaya, hindi ba?" at umirap ang g*ga. "Wala akong pera," mabilis na sagot ko dahil wala na nga akong pambayad ng tuition, gagastos pa ba ako para sa katulong? "Don't worry. Sagot ko," sagot nitro at vigla naman akong nahiya. Nakakahiya na kay Alexa. Problema na lang lagi ang dala ko kapag nagkikita kaming dalawa. "Pasensya na talaga, Alexa. Wala na akong nagawang tama," nahihiyang sabi ko habang mahina ang aking boses. "Anong wala? Mayroon kaya. 'Yan! 'yang dalawang nasa loob ng t'yan mo. Hindi sila pagkakamali, okay?" nakangiting sabi nito at tumango na lamang ako. Tama, walang kinalaman ang mga bata sa ginawa sa akin ng Tatay nila. Hindi sila kasalanan. Sa aming dalawa, si Alexa ang mayaman. Hindi ko nga alam kung anong sumapi rito at naisipan na sumama sa akin kahit na may choice naman talaga siya na huwag na dahil sino ba naman ako? Kumpara sa akin, mas maganda ang buhay niya kaya walang mawawala sa kaniya kung mananatili ito sa puder ng mga magulang niya. "Teka, itutuloy mo pa rin ba ang pag tu-tourism mo?" tanong niya na siyang nakapukaw ng atensyon ko. "Oo. Iyon talaga ang pangarap ko eh," sagot ko. Sabihin man ng iba at alam ko rin na mahal ang kurso na gusto ko, sumila pagkabata, sa tuwing nakakakita ako ng eroplano ay pinangarap ko na talagang magtrabaho r'on at maging isang Flight Attendant. Hindi man kayanin ng tuition, lalo na at may mga anak pa akong bubuhayin, sisikapin at igagapang ko pa rin ang pag-aaral ko. Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay may katapusan at sa huli ay aasenso rin ako. "Buti naman at ipagpapatuloy mo. Ako rin. Ipagpapatuloy ko ang pagiging accountant ko. Alam mo na, para sa business namin," tila napipilitan na sabi nito at naiintindihan ko naman. Kagaya nga nang sabi ko kanina, mayaman sina Alexa. Parehong business tycoon ang magulang niya. At ako? Wala na. Mag isa na lang ako. Nakaramdam din ako ng hiya dahil kung pagtatabihin kaming dalawa, halata sa itsura ko na walang wala talaga ako kumpara sa kaniya. "Tara na. Bawal sa buntis ang mapuyat. Malapit ng lumabas sina baby!" magiliw na wika ni Alexa at napangiti naman ako dahil mas excited pa siya kaysa sa akin. "Excited na ako. Ilang months na nga pala sila?" "Six months. Sa awa ng Diyos, kahit may kalakihan na, at medyo nahihirapan na rin sa ibang mga bagay, malakas pa rin ang pangangatawan ko." "Oh right! Sa tingin ko kailangan na nating bumili ng mga damit at iba pa para ready tayo pagkalabas ni baby boy at baby girl." Nag aalinlangan akong tumango sa kan'ya dahil hindi sapat ang ipon ko. Inihatid ako ni Alexa sa kwarto ko at saka s'ya pumasok sa katapat lang na pinto. Pumunta ako sa harap ng cabinet at nagtimpla ng gatas. Kailangan ko 'to. Hinawakan ko ang malaki kong t'yan at saka dahan-dahan na humiga. Tumingin ako sa may kisame ng kuwarto at malalim na nag-isipi. Inisip ko ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakalipas na araw at inisip ko rin ang magiging buhay namin kung sakali man na lumabas na ang mga anak ko. Alam kong magiging malaking problema ang pera dahil sa araw araw na gastos na kailangan, ngunit hindi ako puwedeng panghinaan ng loob. Kailangan kong sikapin na huwag maging pabigat kay Alexa at sa mga magulang nito dahil sa madami na nilang naitulong sa akin, ayoko naman na magmukhang palamunin na lang dito sa bahay lalo na at ako ang kasa-kasama ng anak nila. "Ang swerte natin kay Tita Alexa niyo babies," nakangiti kong sabi bago nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook