Sey POV
" Sey, won’t you Sey! Sey!" pagkanta ni Alexa isang umaga. "Sey, gumising ka na diyan! Bilisan mo. Mamimili pa tayo ng mga gamit nina Laurell Kim At Mikey Simon!”
Ano daw???
"Anong Laurell Kim at Mikey Simon?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko alam at maintindihan ang pinagsasabi ni Alexa.
" Edi, iyong magiging name ng mga babies!" abot matang ngiti niya.
"Huh? Saan mo naman nakuha ang pangalan na 'yan?"
"Sa internet kaya tara na. Bumangon ka na diyan at maligo. Nagluluto pa ako," at saka siya umalis sa kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tsaka ako dahan-dahan na naglakad papasok sa banyo para maligo.
Aaminin ko na hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin ng ex-boyfriend ko. Yah right, Ex-boyfriend ko ang naka buntis sa akin. At bakit hindi ako nagsisisi? Dahil kahit na iniwan n'ya ako ay binigyan naman nya ako ng dalawang blessings. Hindi ako nagsisisi na buntis ako ngayon... kahit aminado akong mahirap.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis, nag-ayos at lumabas. Pagkalabas ko pa lang ng kuwareto ay naamoy ko na kaagad ang friend rice na niluto ni Alexa hanggang sa nakarating na ako sa may kusina.
"Kain na," nakangiting sabi ni Alexa sabay sandok ng kanin nito at saka binigay sa akin habang papaupo ako. "Oo nga pala Sey, tumawag kanina sina Mom at tinanong kung ayos lang ba raw tayo. Kung hindi raw ba tayo nahihirapan dito kasi gusto n'ya na lumipat na tayo ng bagong bahay."
"Lilipat? Ayos naman tayo dito ah?" saagot ko pagkasubo ng isang kutsarang kanin.
"Kaya nga. Ayos tayo. Eh ang kaso, madadagdagan tayo ng dalawa, hindi ba? Sa tingin ko kailangan na nating lumipat sa mas malaking bahay. What do you think?"
"No. Ayokong umalis. Kung gusto mong lumipat ikaw na lang," mabilis na sagot ko dahil sa isip-isip ko ay sobra na talaga iyong nakakahiya para sa pamilya Fuentes.
"Duh! Bakit naman ako lilipat? Ayokong iwanan ka at ang mga babies," maarteng sabi niya. Lihim naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Napaka swerte namin kay Alexa.
"Tara na sa mall mamaya, ha? Ohmgee excited na talaga ako mamili!" Kung maka react naman 'to akala mo siya ang buntis!
Pagkatapos naming kumain at maglinis ay siya namang pagligo at bihis ni Alexa. Habang hinihintay ko siya sa may sala ay hinimas-himas ko naman ang tyan ko hanggang sa handa na kaming dalawa na umalis. Sumakay kaming dalawa ng jeep at si na Alexa kanina pa daldal nang daldal kasi excited daw talaga s'ya kaya hindi maiiwasan na pagtinginan kami ng ibang pasahero.
"Ay! Oo nga pala, Sey. Mamaya pagkatapos nating mamili ay papa check up ka. Saan mo muna gustong pumunta? Check up o mall?"
"Check up muna para wala na tayong bitbitin."
"Ay tama ka. Tutal parehong daan lang naman ang mall at ang ospital. Papara na lang ako."
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa isang Ospital.
"Para po!" sabi ni Alexa. Bumaba kaming dalawa at inalalayan ako ni Alexa na makapasok.
"Excuse me, nandiyan ba sa loob si Dra. Garcia? May check up kasi ang kaibigan ko," nakangiti at malumanay na sabi ni Alexa sa front desk.
"Oh! Inaasahan po talaga ni Dra. na pupunta kayo ngayon. Ayon po ang office n'ya," sabay turo niya sa amin ng babae.
"Tara na, Sey." Nagtungo kaming dalawa sa loob ng kwarto at nakangiti kaming sinalubong ni Dra.
"Kumusta? Ayos lang ba ang pagbubuntis mo?" tanong sa akin ni Dra.
"Ayos naman po Dra. Maigi nga at tapos na ako sa paglilihi stage," nakangiting tugon ko. Si Dra. Garcia ang doktor ko, ini-referred ito sa akin ng Mommy ni Alexa.
"Oo maigi talaga. Jusko Dra. Hindi n'yo alam kung ano ang inabot ko no'ng naglilihi 'yan. Gisingin daw ba ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko tapos ay nagpapabili ng cherry?" sabat ni Alexa na tila ba nagrereklamo na siya namang ikinatawa ni Dra.
"Pagpasensyahan mo na kung ganoon nga ang nangyari. Gano'n talaga ang mga pinagdadaanan ng mga buntis."
Pinaupo ako ni Dra. sa upuan at saka s'ya nagtanong ng kung ano-ano sa akin at nagbigay na naman ng mga vitamins na kailangang bilhin. Dagdag gastos na naman, puny*ta!
"Salamat po Dra," paalam namin ni Alexa.
"Oh! Narinig mo yung sinabi ni Dra? Bawal magpuyat! Bawal mag skip ng vitamins pero maigi naman at malakas ang kapit nina baby Laurell Kim at baby Mikey Simon," untag sa akin ni Alexa habang palabas kami ng ospital
"Oo na po. Paano ba nama ako makakatakas sa'yo eh, kulang na nga lang isungalngal mo sa akin ang mga gamot kapag hindi ako nainom." Totoo yun muntik na talagang mangyari na isungalngal sa akin ni Alexa. Nakalimutan ko daw kasi uminom.
Pagkatapos namin magpunta sa Ospital para magpa-check up ay dumaretso naman kaming dalawa sa Mall. Nagikot-ikot kaming dalawa sa loob ng department store at nang mapunta na kami sa babies section ay nagsimula na naman ang pagtatalo namin ni Alexa.
"Alexa naman!" naiinis na sabi ko. Paano ba naman. Kuha siya nang kuha ng mga damit. Ni hindi man lang tinignan ang mga presyo.
"Sey, huwag ka nga Kill Joy. First two babies mo 'yan. Dapat special ang mga damit!" at saka s'ya nagtatakbo na naman para kumuha pa. Special? L*tche wala akong pera!
Tumalikod ako palabas ng store at hinayaan si Alexa na mamili sa loob tutal may mga listahan naman s'ya ng mga kakailanganin. Naglista pala kagabi! Pagkalabas ko ng store ay nilibot ko ang mata ko sa paligid at iyon ang malaki kong pagkakamali. Nakita ko s'ya. Ang tar*nt*dong nakahit and run sa akin and guess what? Mukhang may bago na naman 'syang puputukan! Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at bumalik na lang sa loob.
"Oh? Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsusuot?" tanong sa akin ni Alexa habang nagbabayad sa cashier.
"Wala naman. Nakakita lang ako ng hayop sa labas," masama ang mukha na sabi ko dahil pinipigilan ko magalit dahil baka makasama sa mga anak ko.
"Hayop? Paano magkakaroon ng hayop dito kung bawal ang hayop sa mall?" takang tanong nito pero hindi ko na s'ya sinagot pa. Lumabas na kami ng store dala ang mga paper bags pero napatigil kami sa nakita namin.
Nakita namin 'yong naka hit and run sa akin kaya bago pa kami makita ay hinigit ko na si Alexa palayo pero ang g*ga nagsisisigaw pa.
"Sandali lang, Sey. Susugudin ko ang g*gong 'yon! Ang lakas ng loob nya para putukan ka pero nasaan ang bayag nya para panagutan ka?" nagpupumiglas na wika ni Alexa dahilan para tignan kami ng ibang mga tao sa mall.
Hanggang sa nakalayo na kami ay kanina pa inis na inis si Alexa pero ako? Galit na galit na. Magbabayad ang g*gong 'yon at malaki ang magiging singil ko!