Chapter 3

1127 Words
Sey POV Kanina ko pa kinakaladkad si Alexa simula doon sa mall, sa sakayan ng jeep at pati pauwi rito sa bahay. "Ano ba naman, Sey! Bakit mo ako hinihila? Bakit ayaw mong ipakita sa g*gong iyon na buntis ka? Huwag mo sabihing natatakot ka?" "Hindi ako natatakot." "Oh, iyon naman pala eh! Dapat sinugod nating dalawa yung g*gong iyon tapos ay isinubsob mo s'ya sa t'yan mo sabay sabing, iyan ang bunga ng paputok mo. One hit, two babies ang nangyari!" Muntikan na akong mapatawa sa sinabi sa akin ni Alexa kung hindi ko lang kaagad naisip na seryoso nga pala ang pinag uusapan namin. "Alexa, hindi naman gan'on kaagad iyon. Baka magulat s'ya na—" "Oo, magugulat talaga ang g*gong iyon na isang putok dalawang bata ang kinalabasan!" nagagalit na sabi nito na siya namang ikinatawa ko. "Huwag ka na ngang mainis, Alexa. Okay lang iyon," pagpapakalma ko sa kanya "Nakakainis lang kasi ng ginawa n'ya sa'yo. At ikaw naman tat*nga-t*nga at hinayaang maputukan sa loob!" "Oh teka, bakit naman ako ang sinisisi mo? Walang ganyanan." "Hay! Ewan ko sa'yo!" naiinis na sabi n'ya at pumasok na sa loob. Napailing na lamang ako sa inasta ng kaibigan ko. "Concern," natatawang sabi ko. Hapunan na ng lumabas si Alexa sa kwarto nya at dumaretso sa kusina para uminom. "You know what, Sey? I think kailangan na talaga nating ipaalam sa g*gong iyon ang nangyari sa'yo." Ito na naman tayo. "Ipapaalam ko naman talaga sa kaniya eh. Ang kaso hindi pa ngayon. Siguro pagkapanganak ko?" "Buti naman at naisip mo. Pero paano kung hindi ka nya panagutan?" Napatigil ako sa sandaling 'yon at ngumiti bago hawakan ang tyan kong malaki na. Ilang months na lang makikita ko na kayo. "Alexa, lumaki ang tyan ko nang ganitong kalaki nang wala s'ya. Nang ikaw lang ang kasama ko. Sa tingin mo ba kakailanganin ko pa s'ya?" "Siguro nga hindi mo sya kakailanganin pero paano ang mga bata pagkalabas nila? Hindi ba nila kakailanganin ng daddy?" Hindi ko ba kayang maging single Mom? Ngumiti ako sa kan'ya bago tumungo. "Hindi namin kailangan ng g*gong tulad n'ya. Papalakihin ko sila nang busog sa pagmamahal na dadating sa punto na hindi na sila maghahanap pa ng daddy." Kakayanin ko. Para sa mga anak ko. "By the way Sey, saan tayong school papasok? It's either sa Royal University o sa Herriot University since iyong dalawang school na 'yan ang pinaka malapit dito sa apartment natin." Saan nga ba maganda? "Kailangan na natin mapag isipan iyan para makakuha na ako ng form natin." Kagaya sa mga typical na nangyayari, magkatunggali ang school na 'yan. Ewan ko ba at nagpapataasan sila ng ranking samantalang sila lang naman ang nag iisip na magkatunggali sila sa lahat ng bagay. "Sa Royal University tayo," sabi ko. "Okay. Mamaya ay aalis na ako at pupunta ako dun sa University para makahingi ng form para maka enroll na tayo. Pero bago 'yon manganak ka muna!" Tatlong buwan na lang. Next week matatapos na ang March at sakto sa first week of June ang panganak ko. Siguro naman okay lang ang mga late student. Umakyat ako sa kwarto matapos ang pag uusap namin ni Alexa. Tinungo ko ang mga damit ng babies ko at inayos ko iyon. Kung ilalarawan ko, masyadong malaki ang tiyan ko para sa mga normal na buntis. Malamang dalawa kaya 'to! Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa mall.. Hindi ko maitatanggi na may tuwa sa dibdib ko ng makita ko ulit siya. Si Syx, ang lalake ng una kong minahal at ang Ama ng babies ko. May nararamdaman akong tuwa pero hindi iyon sapat para hindi ako magalit sa kan'ya. Inabandona n'ya ako, Kami ng mga anak ko. Naalala ko pa noong una kaming nagkita   "Miss isa nga po blueberry cheesecake," sabi ko sa cashier.  "325 pesos po, Ma'am," sabi ng cashier. Bumunot ako ng pitaka sa bag ko pero nang binuksan ko ay nanlaki ang mata ko dahil walang kalaman laman ang pitaka ko kahit piso. "Ah isMs, baka pwedeng balikan ko na lang?" nag aalinlangan kong sabi pero sinimangutan lang ako ng babae. Sh*t..  "Miss ano ba? Kung hindi ka magbabayad, umalis ka na sa pila!" sigaw ng nasa likod ko. Napapahiya akong umalis sa pila pero nagulat ako ng may tumawag sa akin. "Miss, ako na lang ang magbabayad n'yan." Nagulat ako ng may biglang humawak sa wrist ko at hinila ulit ako sa pila. "Magkano ba?" tanong ng lalake "325 po, Sir," halatang kinikilig na pahayag ng cashier. "Here," sabay abot ng 500 n'ya "Change nyo po, Sir." Ngumiti lang iyong lalake at kinuha iyong blueberry saka  ulit ako hinila palabas ng store pero ako, eto tulala pa rin. "Here," sabay abot n'ya ng blueberry. Umiling ako sa kan'ya dahil bakit ko kukunin? S'ya ang nagbayad. "Hindi na. Ikaw ang nagbayad kaya—" "Binili ko nga para sa'yo eh, tapos tatanggihan mo?" naka pout na sabi n'ya na s'yang ikinagulat ko. A-Ang gwapo! "P-Pero nakakahiya," sabay tungo ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ko na hinawakan nya ako ulo ko. "Walang nakakahiya," nakangiting sabi nito sa akin at nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin. "Ano, sige salamat," sabay kuha ko ng pagkain. "Syx," sabi nito na ikinalito ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nnaghihingi pa siya ng six pesos? "Sorry, wala akong pera," nahihiyang pag amin ko pero tinawanan nya lang ako. "I mean my name is Syx." Six as in anim? Sais? "S-Y-X," pag-spell niya at naliwanagan naman ako. Ah, akala ko kung ano "Sey. S-E-Y," pagpapakilala ko rin. Ngumiti ito sa akin at ginulo na naman ang buhok ko. "Sige una na ako. Sa susunod magdala ka na ng pera," natatawang sabi niya saka s'ya umalis.  Akala ko ay iyon na ang huli naming pagkikita pero nagulat na lang ako nang nakita ko siya sa school. Schoolmate ko pala. Kagaya ng ibang storya nagkita kami, naging close, naging magkaibigan na umaabot sa punto na lagi kaming magkasama, nagka aminan, naging kami, nadala ng kuryosidad, nabuntis, at ang ending iniwan, tinakbuhan. Na hit and run. "Umiiyak ka na naman," sabi nito na ikinagulat ko at napalingon ako sa pintunan at nandoon si Alexa. Pinahiran ko ang pisngi ko dhil ayoko ng umiyak. Sapat na ang mga luha kong nailabas. Hindi s'ya worth para iyakan ako. Lumapit sa akin si Alexa at niyakap ako. "Sey, magkaibigan tayo. Pwede mong sabihin sakin kung nahihirapan ka na at tutulungan kita. Kahit na talikuran ka ng buong mundo ako hindi.. Hinding hindi kita iiwan dahil para sa akin, kapatid na kita," concerned na sabi nito at ;alo akong naiyak sa sinabi n'ya kaya iyakap ko s'ya. "Salamat, Alexa. Maraming salamat," umiiyak na wika ko habang nakayakap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD