Sey POV
Maraming araw na ang lumipas, ibig sabihin malapit na rin ang pasukan at malapit na rin akong manganak.
"Sey!" malakas na tawag sa akin ni Alexa at napalingon naman ako rito.
"Oh? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya at malawak naman siyang ngumiti sa akin.
"Tara bili tayo ng mga gamit para sa school!" masayang tugon niya na medyo ikinakunot ng noo. Eh? Ngayon na?
"As in ngayon na?" nagtatakang tanong ko habang naka upo sa sofa at nanonood ng TV.
"No. Mamayang lunch tayo bibili."
"Okay," maikling tugon ko sa biglaang paanyaya niya.
Dumaan ang mga oras at nagawa na namin ni Alexa ang mga gawaing bahay hanggang sa napatingin ako sa orasan at nakita ko na malapit na mag-lunch. Kinausap ko si Alexa at sinabi sa kaniya na malapit na mag-lunch time kaya naman tumango ito at nauna nang maligo. Dumaan ang oras para makapag prepara kaming dalawa ni Alexa at nang natapos na kami ay doon na lang kami nagkita sa may living area ng bahay.
"Ano? Ready?" tanong sa akin ni Alexa matapos naming mag ayos. Tumango ako sa tanong n'ya bilang pag sang-ayon at iyon na ang hudyat para umalis kami. Lumabas kaming dalawa sa apartment at saka pumara ng jeep.
"Bayad po, dalawa. Sa starlight mall," sabay abot ko ng bayad namin ni Alexa.
Hindi ako gan'on kamanhid para hindi malaman na pinagtitinginan ako ng mga kasabayan ko sa jeep. Malamang, buntis kaya ako. Panigurado na iniisip nila na masyado pa akong bata para mag buntis.
Nang nakarating na kami sa mall ay bumaba na kami at pumasok sa mall t=at saka dumaretso sa National book store.
"Tig isang basket tayo ah?" sabi ni Alexa saka ako iniwan at nauna na. Kumuha na rin ako ng basket at saka nag umpisa na kumuha ng mga note book at iba ko pang kailangan.
"Notebook at ballpen muna bibilhin ko. Saka na iyong iba," bulong ko sa sarili ko para rin makatipid.
"Kumuha ka rin ng nga colors and ruler." Sa gulat ko ay napalingon ako sa gilid ko kung saan ako may narinig na nagsalita at gayon na lamang ang gulat ko na sobrang lapit pala ng mukha naming dalawa.
"T-Teka—" saka ako nagmamadaling dumistansya.
"Nagulat ba kita?" naguguluhang tanong n'ya.
"G*go ka ba? Sinong hindi magugulat kung bigla ka na lang susulpot diyan sa gilid tapos magsasalita?" tanong ko. Napakamot ito sa ulo saka nahihiyang tumingin sa akin.
"Pasensya na. Masyado ka kasing seryoso kaya pinuntahan kita." Jusko! Gan'on ba talaga ang itsura ko kanina?
"Sorry din. Nagulat lang ako," sabi ko.
"Harvey," sabay lahad n'ya ng kamay.
"Sey," nag-aalinlangan na sagot ko at tinanggap ang kamay n'ya. Habang nakikipag kamay ako ay nakita ko na tumingin s'ya sa tyan ko.
"Ow, buntis ka?"
"Hindi. Nakalunok lang ako ng pakwan," bagot kong sagot na siyang ikinatawa niya nang malakas.
"Sorry, nagulat lang ako. Masyado ka pa kasing bata," nahihirapang sabi nito nang makita niya na hindi ako natuwa sa pagtawa niya.
"Alam ko," maikling tugon ko.
"So? Asawa mo kasama mo tito?"
"Wala akong asawa," daretsong sagot ko.
"Huh? Edi boyfriend?"
"Wala din akong boyfriend."
"Eh paano? Wag mo sabihing na-r**e ka?" tanong nito at napakunot naman ang noo ko sa lawak nang imagination niya.
"Hindi rin ako na-r**e. Na hit and run ako."
"Huh?" nagughuluhang tanong nito. Hindi gets.
"I mean tinakbuhan ako. Putok sabay takbo ang—" ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tumawa na naman siya.
"Tinakbuhan ka? Sa ganda mong 'yan tinakbuhan ka pa?" Naku! Alam ko ang mga ganitong galawan. Naramdaman siguro nito na hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya kahit na sinabihan n'ya ako ng "maganda" kaya nag iba na naman sya ng topic.
"Ah, saan ka nga pala mag aaral?" tanong niya.
"R.U."
"Royal University?" tanong niya at tumango ako.
"Great. Well, see you then?" saka n'ya ngumiti at umalis.
See you then? G*go!
Pagkaalis ni Harvey ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pamimili ko bago ako dumnaretso sa cashier. Ang ipinagtataka ko lang ay hindi ko na nakita si Alexa sa loob at nandoon na pala sa may labas at hinihintay ako.
"Hoy Sey, nasaan ka kanina? Hinanap kita kanina r'on sa store pero hindi kita nakita. Lumandi ka, ano? tanong ni Alexa pagkauwi namin sa bahay. Inirapan ko naman siya dahil sa naging tanong niya.
"Buntis na nga ako., lalandi pa ba ako?"
"Aba malay ko ba kung hindi pa nawawala iyang kalandian mo?"
"Hindi ako TT hunter kagaya mo," sabi ko at halata naman ang gulat sa mukha niya. Kahit na ganito kami magsagutan ni Alexa ay kapwa naman kami hindi nagdadamdam dahil alam namin na magkaibigan kami.
"Aba't ako pa ngayon ang TT hunter samantalang ikaw nga buntis na eh!" G*go!
"Wala iyon," pagtatapos na sabi ko.
"Psh. Masikreto na ang g*ga!" sabi nito at saka s'ya nag walk out.
Gabi na nang magising ako mula sa pagkakatulog ko kanina at nakita ko ang mga paper bag na nasa sahig. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko na nag luluto si Alexa. Mag aala siete na pala.
"Buti naman at gising na ang malanding si sleeping beauty," pang aasar sa akin ni Alexa pero binalewala ko lang.
"Anong ulam?" tanong ko.
"Pinakbet para healthy sa dalawang baby!" Tumango ako rito at saka pumunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Hindi ka talaga mag ke-kwento?" sabi niya habang nagluluto.
"Tungkol saan naman?"
"Tungkol sa'o. Kung paanong posisyon ang ginawa nyo ni Syx at naging dalawa kaagad. Ilan bang putok?" sarcastic na tanong n'ya. "Malamang! Iyong nangyari sa'yo kanina. Saan ka ba nagsuot?" saka na naman n'ya ako inirapan
"May nakilala ako kanina. Harvey daw ang pangalan."
"Tignan mo na! Sinasabi ko na nga ba!" sabay tutok n'ya sa akin ng sandok
"Ano na naman?" naiinis kong tanong.
"Isa kang TT Hunter!"
"Pwede ba. Alexa! Tigil tigilan mo nga ako!" nabi-bwiset na sagot ko.
"Pero gwapo ba?" excited na tanong niya at tumango naman ako, Gwapo naman talaga si Harvey, eh.