Sey POV
Mabilis lumipas ang araw at talagang pinaghahandaan ko na ang panganganak ko dahil sabi ng Doctor ay mainam daw iyon para hindi masaydong masakit kapag nanganak ako.
"Sey, excited na ako sa pasukan at siyempre sa babies," natutuwang sabi ni Alexa sa akin.
Nandito kaming dalawa sa park at nakaupo sa bench. Naisipan kasi namin na minsan lang naman kasi makapag liwaliw dahil nasa loob kami palagi ng bahay kaya ito, nandito kami ngayon sa park. Tahimik kaming kumakain ng dirty ice cream ng may biglang nagtakip ng mata ko
"Guess who?" nagulat ako ng bigla n'yang ginawa iyon kaya nabitawan ko ang ice cream ko. Narinig ko pa itong tumawa.
"S-Sino ka?" kinakabahan kong tanong.
"Ay, nalimutan mo na ako Miss serious sa Book store?"
"Harvey?" Kasabay ng pagsabi ko ng pangalan na iyon ay syang pagtanggal n'ya ng kamay nya sa mata ko.
Lumipat ito ang pwesto at pumunta sa unahan ko. Lumingon ako kay Alexa na siyang naka nganga na ngayon kay Harvey at hindi na namalayan na tunaw na 'yong ice cream.
"Surprise?" nakangiting sabi ni Harvey.
"Ah yeah. Nakakagulat na makita ka ulit..... at dito pa mismo."
"Napadaan lang kami ng tropa ko at nakita kita. Noong una ay nag aalinlangan pa akong lapitan ka kasi hindi ako sigurado pero nang makita ko iyang tiyan mo ay dumaan na ako rito."
"Hi!" nakangiting bati n'ya kay Alexa na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa kan'ya at parang ul*l na biglang kumislap ang mata.
"09123456789, Alexa Fuentes. Single and ready to mingle with you." A-Ano raw? Mingle?
Kaagad kong hinampas sa braso n'ya si Alexa para matauhan s'ya habang tawa naman ng tawa si Harvey.
"A-Ano Harvey, pasensya ka na sa kaibigan ko ha? Gan6yan talaga yan kapag nakakita ng gwapo."
"So, you mean gwapo ako?" nakangiting tanong n'ya.
"O-Oo naman," nahihiya kong sabi.
"Great! Maganda ka naman eh tapos gwapo ako, meant to be kaya tayo?" banat nito sa akin at napatawa naman si Alexa
"Walang poreber, gag*," bulong ni Alexa pero narinig naman namin. "Sorry," napipilitang tawa nito sabay peace sign n'ya.
Tumagal ng halos kalahating oras ang naging usapan naming tatlo hanggang sa nagpaalam na si Harvey dahil may gagawin pa raw siya. Nagpaalam na rin kami ni Alexa sa kaniya hanggang sa naisipan na naming umuwi.
Hiyang hiya pa rin ako sa nangyari kanina sa park pero itong si Alexa ay panay ang tukso sa akin tungkol sa sinabi ni Harvey na "Great! Maganda ka naman eh tapos gwapo ako, meant to be kaya tayo?"
"Pero seryoso Sey, ang gwapo n'ya. Saka bagay kayo," panunukso niya sa akin. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinaasan n'ya ako ng kilay.
"Buntis na ako, Alexa."
"Eh, ano naman? Tanggap naman n'ya ang babies ah. Kung hindi n'ya tanggap hindi n'ya sasabihin 'yon." Tanggap kaagad? Big word.
"Magluto ka na lang. Wala ako sa wisyo para makipag bolahan sa'yo."
"Sus, wala raw samantalang kinikilig ka na eh!"
"Ewan ko sa'yo!"
"Pero seryosong usapan, kung sakali man na manligaw sa'yo si Harvey at handang akuin ang mga babies, pumayag ka na. Bihira lang sa mga lalake ang gano'n. Iyong buntis na nga pero pinupuri pa," saka s'ya umalis.
Manligaw? Ul*l walang poreber.
PANIBAGONG UMAGA NA NAMAN....
"How's my babies?" tanong ko sa napakalaki ko ng tiyan at naramdaman ko na sumipa sila kaya napangiti ako "Did you sleep well babies?" at sumipa na naman sila.
Nakakatuwa na hindi pa man sila nakakalabas ay active na sila.
"Sey, may bisita ka!" sigaw ni Alexa mula sa labas.
"Sandali lang!" siw ko mula dito sa kuwarto at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag tooth brush.
"Sino na— Ikaw pala Harvey," gulat na wika ko pagkakita ko sa kaniya na nakaupo sa isang sofa.
"HI! Good morning," katulad dati ay nakangiti pa rin ito na umaabot sa punto na nawawalan na s'ya ng mata.
"Hi. Good morning din," sagot ko at napalingon ako kay Alexa na nagtatago sa may kusina pero palihim na tumatawa.
"Uhm, sana okay lang na bumisita lang ako."
"Paano mo nga pala nalaman ang bahay namin?" tanong ko at umupo sa tabi n'ya
"Ha? Diyan lang kasi ako nakatira dalawang bahay mula dito eh napansin ko kasi ikaw kagabi." Tama, lumabas nga pala ako kagabi. Hindi ako umimik at nagsalita na naman s'ya.
"Sey," sabay kamot n'ya ng ulo kaya napataas ang kilay ko.
"Itatanong ko lang sana kung may lakad ka ngayon. Kung wala ay baka naman pwedeng lumabas tayo?" Lumabas? Kami lang?
''Wala naman akong lakad ngayon,'' pag amin ko sa kan'ya. Bahagya itong ngumiti at tumitig sa akin. ''Hintayin mo ako. Magbibihis lang ako.''
Ayokong sayangin ang effort ni Harvey kaya pumayag na rin ako at iyon lang 'yon! Kaagad akong naligo at nagbihis at nag ayos.
''Alexa, aalis muna kami ni Harvey,'' paalam ko.
''Sus, baka naman ang ibig mong sabihin ay mag de-date kayong dalawa.''
''Bahala ka kung ano man ang isipin mo. Aalis na kami,'' sabi ko at hindi na nakipagtalo.
''Okay. Ingat sa date!'' Napairap na lang ako sa sinabi n'ya.
Lumabas kaming dalawa ng bahay at inalalayan ako palabas ng gate ni Harvey.
''Sakay na,'' nakangiting sabi n'ya pagkatapos buksan ang pinto sa harap.
''Salamat,'' saka ako ngumiti at sumakay.
Pinaandar n'ya ang sasakyan nya at umalis na kami
''Saan tayo pupunta?'' tanong ko.
''May kabubukas lang na restaurant malapit dito. Nakakuha kasi ako ng coupons and since nakita kita, niyaya nakita. Salamat at pumayag ka.''
''Libre naman pala eh. Syempre papayag ako,'' pagbibiro ko at napatawa naman siya. "Nagugutom na ang babies ko. Hindi na kasi ako nakapag almusal,'' nahihiyang banggit ko pa.
"Mukhang kailangan ko ng bilisan. Nagugutom na pala ang babies mo,'' nakangiting wika nito. Maya-maya pa ay nakarating na kami.
''Bring-a-Chick'' basa ko sa pangalan ng restaurant.
''Tara sa loob. Masarap daw yan.''
''Ah sige,'' tsaka ako lumapit sa kan'ya at inalalayan n'ya ako.
''Ang cute!''
''Ang babata pa nila pero bagay na bagay sila.''
''Magaganda at gwapo siguro ang magiging anak nila."
Napalingon ako sa mga tao sa gilid ko at nakita ko na nagbubulungan sila. Nakita nila na nakatingin ako sa kanila kaya nginitian ko sila. Lumingon ako kay Harvey para sana humingi ng sorry kasi napagkamalan siyang asawa ko pero nakita ko na nakangiti s'ya habang naglalakad.
Hindi n'ya siguro narinig. Teka, asawa ba ang sinabi ko kanina? Wala namang sinabi 'yong mga babae ah?
Sinalubong kami ng mga crew at pinatungo kami sa lamesa..
''Anong gusto mo?'' tanong ni Harvey.
''Kahit ano na lang.''
''Okay," saka s'ya ngumiti. Tumayo si Harvey para umorder at maya-maya ay nakita ko na siyang may dalang tray at may nakasunod pa sa kan'ya.
''Ang dami naman yata?'' sabi ko ng nakalapit na s'ya.
''Sabi mo kasi kahit ano kaya hindi ko alam ang bibilhin ko. Tara kain na tayo.''
Binigay n'ya sa akin ang isang kanin na may gulay at baboy na inihaw tapos ay sabaw.
''Masarap ang sabaw kung ibubuhos mo sa kanin,'' sabi nya kaya ginawa ko at tama nga s'ya.
Maya-maya ay hindi ko na namalayan na ako na lang pala ang kumakain dahil nakatingin na sa akin si Harvey.
''B-Bakit?"pero umiling lang s'ya habang nakangiti pero maya-maya ay sumeryoso s'ya.
''Sey, alam ko na masyadong personal ang tanong ko pero pwede mo bang sabihin sakin kung bakit ka iniwan?" sabi n'ya na siyang nakapagpatigil sa akin sa psgkain.
Sasabihin ko ba?