Sey POV
Nagkatingin pa rin kaming dalawa ni Harvey sa isa't isa at walang nagtangkang umimik.
"A-Ano kung gusto—"
"Nagkakilala kami sa isang tindahan ng mga cakes, wala akong pera that time kaya s'ya ang nagbayad para sa akin. Akala ko 'yon na ang huli naming pagkikita pero nagkamali ako, school mate ko pala s'ya. Tapos ayon, kagaya ng ibang love story, nagkita, naging close, nagka aminan tapos naging kami. Isang araw, anniversary naming n'on. Since hindi naman ako pala labas na tao noon sa bahay na lang kami nag celebrate. Wala pa n'on si Alexa. Masaya kami no'n na nagse-celebrate pero hindi ko alam na 'yon na rin pala ang huling araw na magiging kami. Nag celebrate kami no'ng araw na 'yon hanggang sa umabot sa punto na na-curious kami sa bagay na "yon". Ayon na nga, nangyari na. Pagkagising ko no'ng umaga wala na s'ya sa kama. Hinanap ko s'ya sa loob ng bahay pero isang note lang ang nakita ko. At ang nakasulat? "I'm breaking up with you" walang explanation, walang ba bye." Nakatungong kwento ko sa kan'ya.
Tumingin ako sa kan'ya at nakita ko na titig na titig s'ya sa akin kaya ngumiti ako para sabihin na okay lang ako. Doon naman magaling ang mga tao eh, ang sabihing okay lang sila kahit na sa totoo lang, sobrang sakit na.
"I'm sorry. Dapat hindi na ako nagtanong."
"Ayos lang iyon. Matagal na rin naming nangyari. Naka move on na ako. Sa katunayan nga n'yan, masaya na ako ngayon. Syempre nandiyan si Alexa at syempre ang babies ko."
"Pero masyado ka pang bata. Kaya mo na ba?" nag-aalalang tanong ni Harvey.
"Kakayanin ko at saka nandiyan naman si Alexa, tinutulungan n'ya ako," nakangiting sabi ko sabay tungo.
"Tutulungan din kita." Napa angat ako ng tingin dahil sa sinabi n'ya. "Sey, hayaan mong tulungan kita. Tutal kaibigan na din naman kita, `di ba?"
"Huh? Magkaibigan ba tayo?" pang aasar ko sa kan'ya
"Sey naman eh," nakangusong sabi n'ya at napatawa naman ako.
"Joke lang. Oo naman magkaibigan na tayo."
Tinapos naming ang pagkain naming at sabay na umalis.
"Ohmygad. Is that Harvey Ramos? Iyong isa sa mga....." Ano raw?
"Ohygad! oo nga. Pero sino 'yong kasama n'ya? Asawa n'ya? And look!! Buntis 'yong babae."
Lilingunin ko na sana sila kaso hinawakan ni Harvey ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya
"Hayaan mo sila Sey, Mga walang magawa." Curious man ako ay sinunod ko na s'ya.
Haist!! Ayan ka na naman Sey. Nang dahil sa pesteng pagka curious mo noon ayan, buntis ka!
Aral: Huwag papairalin ang kuryosidad.
"May pupuntahan pa ba tayo?" tanong ko.
"Maaga pa naman, siguro maglakad-lakad tayo sa park?" suggestion n'ya.
"Okay," maikling tugon ko hangang sa makarating kami ng park.
Umupo kaming dalawa sa bench ni Harvey habang may hawak na cotton candy.
"Kwentuhan tayo, Sey"
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa atin?" Huh? Ano bang meron kami?
"Ano bang mayroon tayo?" nalilitong tanong ko.
"I mean, tungkol sa mga sarili natin," paglilinaw n'ya.
"Okay."
"Harvey Alcantara, 21 yers old, nag aaral sa Royal University. May kapatid akong lalaki din. Gwapo, mayaman, habulin ng mga bab—"
"Teka teka! Okay na. Hindi na kailangan n'yan. Easy ka lang," at natawa naman s'ya.
"Sey Pineda, 20 years old. Wala na akong magulang, ulila na ako. Wala rin akong kapatid. Mag aaral na din sa R.U . Si Alexa ang bestfriend ko at s'ya rin ang kasama ko noon, pero mukhang may dadagdag," sabi ko sabay hawak sa tiyan ko at tumingin ako kay Harvey para malaman n'ya na isa rin s'ya sa mga tinutukoy ko. Napangiti naman ang g*go. "Mayroon akong Ex. Maagang lumandi kaya ito, may dalawang bata sa tiyan," dagdag ko pa at malakas naman siyang tumawa.
"So, magkakilala na talaga tayo ah?" Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.
Hinatid ako sa bahay ni Harvey at saka s'ya nagpaalam sa akin na uuwi na raw s'ya. Niyaya ko pa nga s'ya para makisalo sa amin sa pagkain pero umiling s'ya. Next time na lang daw.
"Aba, ang malanding buntis na may dalawang bata sa tiyan ay gabi na nakauwi. Oh? Ano'ng ginawa n'yo? Tatlo na ba 'yang nasa tiyan mo?" bungad sa akin ni Alexa pagkapasok ko sa loob ng bahaym
"Tigilan mo nga ako, Alexam Kumain lang kami tapos ay nagpunta sa park."
"As usual sa mga date. Oh sige na, kain ka na buntis."
"Hindi ka kakain?" tanong ko.
"Sa sobrang tagal n'yo, maiintay ko pa ba kayo? Syempre kumain na ako"
"Sunget!" Sigaw ko nang bigla siyang nagtungo sa sala.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay Alexa na kailangan ko ng matulog dahil nakakain at nakainom na ako ng gatas.
"Kaunting araw na lang manganganak na ako," bulong ko sa sarili ko. "Grabe, nakakapagod pero masayam"
Mabilis lumipas ang araw at ang isang buwan at hindi ko na nakikita si Harvey, hindi na s'ya bumibisita sa bahay. Hindi naman sa may pakialam ako ah. Nagtataka lang.
"Sey, subukan mo na!" pangungulit sa akin ni Alexa.
"Ano na naman bang kalokohan iyan, Alexa?' tanong ko.
"Hindi yan kalokohan, Sey! kailangan mo iyan."
Anong ginagawa namin? Pinipilit lang naman nya akong gamitin iyong malaking bola na pink. Sabi n'ya sakyan ko daw tutal doon naman daw ako magaling kasi nagawa ko na daw iyon kay Syx. G*go `di ba?
"Para san ba iyan?"
"Para hindi ka mahirapan manganak at para kahit na buntis ka, sexy ka pa rin."
"Pero Alexa hindi ko kailangan—"
"Anong hindi? kailangan mo iyang birth ball na iyan. Bilis na, sakay ka na!"
Wala na akong nagawa kaya naman sumakay na ako doo sa birth ball daw ang tawag. L*tche, daming alam.
"Ayan, tapos medyo tumalon talon ka. Isama mo yung bola, ah?" Badtrip akong tumingin kay Alexa at sinunod na lang ang sinabi n'ya.
"Ayan, tama nga. Ganiyan-ganiyan ka lang ah. Next week na pala ang due date mo. Tsk tsk. Mag hi-hysterical na naman ako!" sabi niya na ikinatawa ko.
Naalala ko noong nalaman 6nya na buntis ako. Halos takbuhin nya ang buong bahay namin. Halos 15 minutes din akong naggaganon sa bola ng patigilin ako ni Alexa.
"Okay.. Breath in.... Breath out," at akong si t*nga naman. Sinunod nga.
"Good. Oh ito tubig," tsaka niya ako binigyan at ininom ko kaagad. Nagpahinga kaming dalawa ni Alexa at nanood ng TV.
"Teka, hindi yata pumupunta ditto si Harvey?" Napansin nya rin pala.
"Bakit? Kailangan ba na pumunta s'ya dito?"
"Pero diba may gusto 'yon sa'yo? Bakit wala s'ya?"
"Wala siyang gusto sa akin at pwede ba Alexa, tumahimik ka nga!" sabi ko.
"Parang hindi ka rin naman nagtataka. Siguro nakahanap na iyon ng mas maganda at 'yong hindi malanding buntis."
"Eh, ano naman kung may makilala s'ya? Magkaibigan lang kami ng tao, 'wag mo bigyan ng malisya," sagot ko.
"Whatever! Basta may gusto s'ya sa'yo. Period!" pamimilit niya. Napailing na lang ako sa lawak ng imagination n'ya.
"Tara Sey, practice tayo," sabay tayo n'ya sa sofa.
"Para saan?" tanong ko.
''Para sa due date mo. Para alam ko kung ano ang gagawin ko.'' Kailangan pa ba?
"Madali lang naman ang gagawin mo, dalhin mo lang ako sa ospital. Iyon lang.''
''Pero paano? Wala tayong sasakyan?''
''Ano pang sense ng tricycle?'' at hindi naman s'ya nakasagot.
"Hay naku! Oo na. Ako ang kinkabahan sa'yo!'' At ako naman ang kinakabahan sa bill.
KINAGABIHAN...
''Opo, Mommy. ''
''Mabuti naman po kami dito at saka ayaw po kasi ni Sey.''
''Hoy Sey!'' tawag sa akin ni Alexa kaya naman napalingon ako. ''Kakausapin ka daw ni Mommy.''
Kinuha ko ang cellphone tsaka kinausap si Tita.
''Hello po, Tita?''
''Sey iha, ang sabi ni Alexa hindi ka daw pumayag na lumipat?''
''Opo, Tita. Hindi naman po sa ayaw ko, pero okay na naman po kami dito,'' sabi ko.
''Good to hear that. Eh, ang pagbubuntis mo? manganganak ka na next week!'' excited na wika nito sa kabilang linya
''Oo nga po eh, Okay naman po, excited pero kinakabahan din.''
''Normal lang iyan, iha. Basta tandaan mo na nandito lang kami, ha? Ako ng bahala sa bill mo sa ospital."
''Po? Naku, 'wag na po. Hindi na po kailangan, Tita.'' Hiyang hiya na ako
''Okay lang 'yon, iha, magastos ang panganganak, wala kang trabaho at papasok ka pa. Hayaan mo na ako iha, para ka ng pamilya sa amin kaya wag ka ng mahiya.''
''Pero Tita, ang dami ko na pong utang na loob sa inyo.''
''Sige ganito na lang, Bantayan mo na lang si Alexa, iyon na lang ang kapalit.''
''S-Sige po. Salamat Tita.''
''Bye, iha,'' paalam nito.
''Bye, Tita.'' Saka nawala ang tawag.
''Anong sabi?'' bungad sa akin ni Alexa pagkatapos ng tawag.
''Sagot na daw ni Tita ang bill sa panganganak ko,'' sabi ko.
''Good. Mabuti iyon Sey para naman hindi ka na mahirapan.''
''Nahihiya na ako sa inyo.''
''Gusto mong makabawi?''
''Oo naman!'' wika ko
''Simple lang ang gagawin mo. Maging kayo ni Harvey,'' sabay tawa nito nang malakas.
''G*go! " sabay batok ko sa kan'ya.
''Binibiro ka lang naman, ikaw naman kinikilig na." Ul*l!