Chapter 7

1288 Words
Sey POV Tatlong araw na lang... Tatlong araw na lang at makikita ko na sina Laurell Kim at Mikey Simon. "Sey?" tawag sa akin ni Alexa at napalingon naman ako sa kaniya. "Bakit?" pagtatanong ko. ''Kinakabahan ako,'' sabi niya na siyang ikina-kunot ko ng noo. ''Para saan?'' naguguluhan kong tanong dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. ''Sa'yo. Malapit ka ng manganak, kinakabahan ako.'' Napatawa naman ako sa sinabi niya dahil nababakas ko naman sa kaniyang ekspresyon na totoong kinakabahan nga siya. ''Bakit ka naman kinakabahan? Hindi ba dapat ako ang makaramdam ng kaba?'' ''Ah, basta. Syempre ako ang magdadala sa'yo sa ospital. Paano kung magkamali ako ng hawak sa'yo? Paano kung masaktan ka sa pagmamadali natin para makapunta sa ospital? Paano kung―" ''Alexa, kalmahan mo lang, okay? Magiging maayos din ang lahat. Huwag ka ngang kabahan. Ang gagawin mo lang ay pupuntahan mo ako kapag sumigaw ako, dadalhin ako sa ospital at 'yon na 'yon. Mga Doctor na ang bahala sa akin.'' ''Pero Sey―'' ''Alexa,'wag ka ngang kabahan,''pagpapakalma ko sa kaniya bago ako tumawa. ''Okay,'' at saka siya ngumuso Kinagabihan nang araw na iyon, habang mahimbing akong natutulog ay sandali akong naalimpungatan dahil sa hindi ko kumportableng oakiramdam. Nakangiwi ang aking mukha na dahan-dahan na umupo sa aking kama at hawak-hawak ko ang aking tiyan. ''Alexa!'' malakas na sigaw ko mula sa kwarto dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. Sa puntong iyon ay mukhang alam ko na. Sh*t! Bakit naman ngayong madaling araw pa? ''A-Alexa!'' kahit na masakit ang tiyan ko dahan-dahan akong tumayo at naglakad ako palabas ng kwarto para mapuntahan si Alexa sa kwarto niya. ''A-Alexa!'' mangiyak-ngiyak na sigaw ko habang kumakatok sa kaniyang kuwarto at laking pasalamat ko ng binuksan niya kaagad ang pinto. ''Sey," inaantok na bungad nito sa akin habang inaantok pa at kinukusot ang kaniyang mga mata. "Maaga pa. Hindi pa ako nakakapag-lu―" ''Alexa, manganganak na ako!'' malakas na sigaw ko na siyang nakapag pagising ng diwa niya. ''A-Ano!?" gulat na wika nito bago ako tinignan na namimilipit na sa sakit. "Sh*t! Sandali lang, Sey!'' at saka siya nagmadaling lumapit sa akin at inalalayan ako makalabas ng bahay. Tumutulo na ang aking mga luha habang inaalalayan ako ni Alexa maglakad. ''M-Masakit!!'' naiiyak kong sabi. Sh*t, masakit talaga! ''Omygaaad Sey! Hinga. Jusko, sandali lang!'' sabi ni Alexa hanggang sa makalabas kami ng apartment. Luminga-linga si Alexa sa paligid dahil kakaunti palang ang mga taong gising. For pete's sake! alas kwatro pa lang.. ''Sey, h-hindi ako makakita ng sasakyan,'' natatarantang sabi niya at bakas ko na nag-aalala siya para sa akin. ''A-Alexa,'' mahinang tawag ko na halos mawalan na ako ng malay pero nabuhayan ako ng bigla siyang sumigaw.. ''Harvey, tulong! Si Sey manganganak na!'' Napalingon ako sa direksyon kung nasaan si Harvey at nakita ko na mabilis na tumatakbo siya papalapit sa amin aat saka ako binuhat at namalayan ko na lang na nasa kotse na kami. Naka-unan ang ulo ko sa lap ni Alexa na tinutulungan akong haplusin ang tyan ko paibaba. ''Sh*t! Sey, can you hear me? Please speak,'' natatarantang sabi ni Harvey habang nagmamadaling sumakay kaagad sa driver's seat at pinaandar iyon. ''H-Harvey, masakit,'' lumuluhang sabi ko habang nagmamaneho siya nang mabilis ngunit tantsa ko ay malapit na rin akong mawalan ng malay. ''Hold on, Sey. Malapit na tayo,'' sabi niya at ngumiti ako bago tumango. Tinulungan akong ibinaba nila Alexa saka may nagpunta sa aming nurse at isinakay ako sa stretcher. ''S-Sey,'' napalingon ako kay Alexa na ngayon ay umiiyak na. Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na okay lang. Magiging maayos din ang lahat.. HARVEY POV Nagja-jogging ako tuwing madaling araw at papauwi na sana ako nang may biglang tumawag sa akin. ''Harvey, tulong! Si Sey manganganak na!'' Lumingon ako nang marinig ko ang pangalan ni Sey at oo nga, nandoon sila ni Alexa sa tapat ng bahay nila at ng makita ko ang kalagayan ni Sey ay kaagad akong tumakbo papalapit sa kanila. Hindi na muna ako nagtanong at inuna ko na dalhin sa kotse ko si Alexa at isinugod sa ospital.. Dinala sa delivery room si Sey at ang sabi ng isang Nurse ay isa lang daw ang pwedeng pumasok kaya naman sinabihan ko si Alexa na siya na lang pero tumanggi ito dahil ayaw daw niya na makitang nahihirapan si Sey kaya naman ako na lang ang pumasok sa loob. ''H-Harvey?'' tawag ni Sey sa akin at nginitian ko siya. ''Si Alexa?'' naguguluhan na tanong niya bago sumilip sa likod ko. ''Ayaw niyang pumasok kaya ako na lang.'' ''Mahina talaga siya sa mga ganitong bagay,'' wika ni Sey at matipid na ngumiti. ''Misis, since dalawang bata ang dinadala mo. Tiis-tiis muna sa sakit. Normal delivery ang gagawin namin, okay?'' sabi ng Doctor at sumagot ng 'Oo' si Sey. ''Okay Mister, paki-hawakan ang kamay ng asawa niyo,'' at nagulat man ako ay sinunod ko ang sinabi ng Doctor. ''Push Misis, okay?'' sabi nito habang nakatingin kay Sey at tumango naman ito bago ko nakita na malalim muna siyang huminga, ''One, two, three, push!'' sabi ng Doctor at sumunod naman si Sey. Nakita ng dalawa kong mga mata kung paano tumagaktak ang pawis ni Sey sa kaniyang mukha at kahit ako mismo ay pinagpapawisan na. Nakailang ire si Sey at kahit halatang hirap na hirap na ay hindi ito tumigil o nagreklamo hanggang sa narinig na namin ang iyak ng isang bata.. ''Misis, hangga't maaari ay wag kang mawawalan ng malay. May isa pa,'' paalala ng Doktor. ''One, two, three, push!'' at kagaya kanina ay umire na naman siya at isang iyak na naman ng bata ang narinig namin. Hingal na hingal si Sey sa pag-ire at makikita talaga sa mukha niya ang labis na panghihina. ''Congratulations, Mr. and Mrs. It's a boy and a girl!'' natutuwang sabi ng Doctor at nagpalakpakan naman ang mga Nurse. Tumingin ako kay Sey at napangiti rin siya. ''Congrats. Lalaki ang panganay mo,'' at saka ako ngumiti. Sey POV Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko kaya iminulat ko ang mata ko. ''Gising na si Sey!'' sabi ni Alexa na may karga kargang bata at 'yong isa naman ay karga ni Harvey. ''S-Sila na ba?'' tanong ko at ngumiti sila. Napaiyak ako dahil sa hinaba haba ng pagdadala ko kina Laurell Kim at Mikey Simon ay sa wakas nakita ko na sila. ''P-Pwede?'' tanong ko at inilahad ang kamay ko para buhatin sila. Lumapit sa akin si Alexa at ibinigay ang baby ko.. ''Iyan si baby Laurell Kim,'' sabi niyaat pinakatitigan ko naman ang maamong mukha ng isa kong anghel. Ingat na ingat ako sa paghawak sa kaniya at baka maipit ko siya. Lumapit sa akin si Harvey at umupo sa tabi ko hawak si Mikey Simon. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti sa isa't isa hanggang sa may narinig na lang kami na tunog ng isang camera. Napalingon kami kay Alexa na nakatayo malayo sa amin at may hawak na cellphone na nakatutok sa amin. ''A happy family,'' at saka siya ngumiti sa amin kaya napangiti din kami. ''Kumusta?'' tanong ni Harvey. ''Nakakapagod pero worth it naman,'' nakangiti kong sagot. ''Kamukhang kamukha mo sila,'' at ngumiti lang ako. ''Sorry nga pala, Harvey,'' wika ko at halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya napangiti ako. ''Ako dapat ang humingi ng sorry. Ngayon lang ako nagpakita sa inyo ni Alexa.'' ''Bakit nga ba? Saan ka ba nagpunta?'' tanong ko at sandali siyang natigilan ngunit hindi naglaon ay matipid na ngumiti sa akin, ''Wala naman.'' May tinatago siya. ''O-Okay,'' sagot ko na lang at napatingin kay Laurell Kim... ''Sey, kung okay lang sayo. Puwede bang ako muna ang tumayong Daddy nila?'' seryosong wika ni Harvey na miski si Alexa ay napalingon sa gawi namin. A-Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD