Sey POV
Gulat na gulat pa rin akong nakatingin kay Harvey dahil sa sinabi n'ya at miski si Alexa ay natigilan sa pagpi-picture sa amin.
''A-Ano'ng sabi mo?'' tanong ko dahil baka nagkamali lang ako nang narinig.
''I'm serious, Sey. Puwede muna akong tumayo bilang Daddy nila dahil alam kong hindi mo kaya. Handa akong tulungan ka.''
''P-Pero—"
''Good morning Misis, Sir and Ma'am, itatanong ko lang po muna kung ano ang names ng baby n'yo. Ayaw po kasing sabihin ng kaibigan n'yo kaya naman Mrs. and Mr Alcantara ang nilagay naming name sabi po ni Ms. Alexa.''
Mister and Mrs. Alcantara? Hindi ba iyon ang surname ni Harvey? Naku! Alexa talaga!
''Laurell Kim at Mikey Simon,'' sagot ko.
''Okay Ma'am, Laurell Kim and Mikey Simon Alcantara. Ang gaganda naman po ng pangalan. Panigurado gwapo at maganda ang babies n'yo paglaki. By the way, bagay po kayo.''
Magsasalita pa sana ako pero biglang umalis yung babae. Teka! Hindi sila Alcantara!
''Laurell Kim and Mikey Simon Alcantara. Nice name,'' sabi ni Alexa.
''P-Pero—''
''Lagot na. Paano iyon, Alcantara ang nakalagay? Edi wala na kayong choice ni Harvey kung hindi ang magpakasal?'' wika ni Alexa at sinamaan ko naman siya ng tingin.
''Anong kasal-kasal? Nababaliw ka na ba?'' sita ko kay Alexa pero tumawa s'ya
''Harvey, pasensya ka na talaga. Don't worry, ipapabago ko iyon,'' nag-aalalang sabi ko.
''No, it's okay, Sey. Bagay naman eh.'' Nahihiya akong ngumiti kay Harvey dahil sa sinabi nya ng biglang tumawa si Alexa
''Niloloko lang kita, Sey. Nasabi ko na r'on sa nurse na 'yon na Laurell Kim at Mikey Simon Pineda ang ilagay. Hinding hindi ako papayag na apelyido ng g*g*ng Ama nila ang gagamitin ng babies.''
''So? Palabas n'yo lang 'yong kanina?'' tanong ko at tumango naman silang dalawa..
F**k, at ayon na nga, natawa na sila. Badtrip diba!?
''Teka, pwede ko bang malaman kung sino ang daddy ng mga babies?'' biglang tanong ni Harvey.
Nagkatinginan kami ni Alexa at nagtitigan kung pwede naming sabihin.
''Ang pangalan nya ay Syx... Syx Ramos,'' sagot ko. At napatingin ako kay Harvey ng bigla siyang nagulat.
''Imposible,'' sabi n'ya. Huh? Ano'ng imposible?
Harvey POV
''Ang pangalan nya ay Syx... Syx Ramos," sagot ni Sey.
''Imposible,'' bigla kong sagot nang narinig ko ang pangalan na iyon
Si Syx? Syx Ramos? D*mn it. Bakit s'ya pa? Bakit ang step brother ko pa?
''May problema ba?'' tanong ni Sey ng makita ang pagkatahimik ko.
''Ah, wala naman.'' sagot ko at ngumiti.
Pero imposible, bakit kapatid ko pa? Tapos ang sabi nila ay sa R.U sila mag aaral? Doon din nag aaral si Syx. Posible kayang alam ni Syx ang tungkol dito?
''Ah Sey, alam ba ni Syx ang tungkol sa anak n-ninyo?'' tanong ko.
''Anong anak namin? Wala siyang anak! Anak ko sina Laurell Kim at Mikey Simon dahil simula nang iniwan n'ya ako, matagal na siyang walang papel sa buhay ko at bakit pa? Bakit pa kailangang malaman ng g*gong 'yon ang tungkol sa mga anak ko?''
Galit s'ya..
''Sabihin mo nga sakin Harvey. Kilala mo ba si Syx?'' nagdududang sabat ni Alexa.
S-Sasabihin ko ba na stepbrother ko s'ya? Ayokong magsinungaling. May tiwala sa akin si Sey, ayokong sayangin.
''Stepbrother ko s'ya, Sey,'' pag amin ko at tumingin kay Mikey Simon na nasa bisig ko.
''Ano!?'' sigaw nina Sey at Alexa.
''Pero maniwala ka. Hindi ko alam na naging kayo at n-nabuntis ka niya,'' pagsasabi ko ng totoo.
''Paano?'' tanong ni Alexa.
''Anak s'ya ni daddy sa ibang babae.'' Tinignan ko silang dalawa at halata sa mga mukha nila ang gulat.
''B-Bakit ikaw pa?''
''I'm sorry, Sey, kaya please hayaan mo ako. Hayaan mo akong maging daddy ng mga anak mo.''
''Pero hindi na kailangan.''
''Hindi na kailangan pero gusto ko!''
''Bakit?'' tanong n'ya. Sasabihin ko ba?
''I like you, Sey,'' pag amin ko at nagulat s'ya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
''Hindi ko alam kung bakit, paano at kailan nagsimula pero maniwala ka. I like you. Yung mga araw na nawala ako, sinadya kong hindi magpakita sa inyo... sa'yo dahil nga sa nararamdaman ko. Akala ko mawawala kapag lumayo ako pero nagkamali ako dahil imbis na mawala ay lalong lumala.Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang mga araw na 'yon na hindi kita nakikita. Sobrang hirap kaya please hayaan mo akong maging Daddy nila.''
''Pero may anak na ako..''
''Wala akong pakialam kahit na may anak ka sa ibang lalaki, Sey. Dahil kapag sinabi kong gusto kita. Gusto talaga kita.''
''H-Harvey,'' naluluhang sabi n'ya.
''Please, kahit hayaan mo lang ako sa tabi mo. Okay na sakin iyon. At 'wag kang mag alala, hinding hindi ko sasabihin kay Syx ang tungkol sa anak ny—mo.'' Hindi sumagot si Sey sa sinabi ko at tumungo na lang. ''Please,'' sabi ko
''Wala akong maipapangako sa'yo sa ngayon Harvey pero sige, hahayaan kong manatili ka sa tabi ko, sa tabi namin,'' tsaka s'ya tumingin sa mga mata ko at ngumiti.
''Salamat,'' wika ko.
Nagtagal pa sa ospital sina Sey ng ilang araw bago payagan ng Doctor na makalabas. Babayaran ko sana ang bill pero ang sabi ay bayad na raw. Inihatid ko sila sa apartment nila at nagpa alam na uuwi ako saglit pero babalik din ako kaagad.
''Hey, brother!'' at isang hindi inaasahang bisita ang nakita ko.
''Anong ginagawa mo dito, Syx?'' tanong ko
''Masama na bang bisitahin ang step brother ko?'' Umiling na lang ako sa sinabi n'ya.
''By the way Harvey, may dinner tayo bukas ng gabi sa mansion. Alam mo na, miss ka na ng Nanay mo.''
Hindi nya itinuturing na Mommy ang Mommy ko. Bakit? Dahil daw sampid lang naman daw s'ya. Naalala ko si Sey.
''Syx, dati ba may naging girlfriend ka?''
''Huh? Oo naman, marami. Bakit? Gusto mo bigyan kita?''
''Tss, no at wala akong balak na humingi. By any chance, paano kung may nabuntis ka pala?'' tanong ko at nagulat s'ya.
''Bro, imposible 'yon. Gumagamit ako ng proteksyon.'' Kung ganito ang sagot n'ya. Malabong tanggapin n'ya sina Sey.
''Pero alam mo, bro, may isa akong ex-girlfriend na minahal ko talaga,'' simula n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.
''Ha?''
''Mahal ko s'ya. Anniversary namin noon at may nangyari sa amin. Tandang tanda ko pa na hindi ako gumamit ng proteksyon noon dahil gusto ko siyang mabuntis at syempre gusto ko ako ang Ama. Pero dahil sa katangahan ko noon, nawala sya. Kasalanan ko naman eh, iniwan ko s'ya pero may dahilan naman ako at kung sakali man na makita ko ulit s'ya, Hinding hindi ko na s'ya papakawalan. I will do everything to win her back,'' saka sya seryosong tumingin sa akin
''A-Anong pangalan n'ya?'' tanong ko.
Please Syx, huwag si Sey. I'm begging you. Huwag si—
''Sey Pineda. Her name is Sey Pineda.''
At nang sabihin n'ya 'yon ay parang may bulkang sumabog sa dibdib ko. It can't be.. Bakit s'ya pa? Bakit ang babaeng gusto ko pa?