Chapter 9

1243 Words
Harvey POV Matapos sabihin sa akin iyon ni Syx kanina ay agad akong napaupo.. Kaya ko ba? Kaya ko bang ipagkait kina Laurell Kim at Mikey Simon ang kanilang tunay na ama para lang sa kaligayahan ko na makasama si Sey? Kaya ko bang ilihim sa kapatid ko na may anak sila ng pinakamamahal nyang ex? Ang sagot ay hindi ko alam hanggang sa nag ring na lang ang aking telepono. ''Hello?'' sagot ko sa cellphone ko. ''Harvey? Pupunta ka pa ba?'' narinig ko mula sa kabilang linya. Tinignan ko kung sino ang tumawag at si Sey pala. ''Ah ano..." pag-aalinlangan ko noong una. "Oo pupunta ako. Pasensya na kung natagalan,'' pahinging paumanhin ko ''Okay lang. Take your time. Magkita na lang tayo mamaya. Bye,'' paalam nito. ''Bye, Sey. I like—" ngunit bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay naputol na ang tawag. Binaba n'ya. Nag ayos muna ako ng sarili ko tsaka sumakay sa kotse at pina andar iyon. Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nina Sey ay muli kong naalala ang sinabi ni Syx na gagawin n6ya ang lahat para makuha si Sey. Kaagad akong napahigpit ng hawak sa manibela dahil nakita ko na pursigido talaga s'ya. Pasensya na, Syx. Pero hinding hindi ko hahayaan na makuha mo sina Sey. Kahit ang anak n'yo ay hinding hindi ko ibibigay. Nasa iyo na si Sey noong una pero g*go ka para iwanan s'ya kahit na kung ano man ang rason na sabihin mo kaya mo sila iniwan ay wala akong pakialam. Kahit ngayon lang, sarili ko muna ang iisipin ko. Sey POV ''Sey, dadalhin ko muna itong si Laurell Kim sa taas. Tulog na eh,'' sabi sa akin ni Alexa. ''Okay, ako ng bahala dito kay Mikey Simon. Umiiyak kasi kapag inihihiga ko.'' Sa kambal kong anak, si Mikey Simon ang pinaka ayaw mawalay sa akin. Mommy's boy yata paglaki. Tuwing inihihiga ko kasi sa higaan ng kambal ay bigla na lang umiiyak tapos kahit ipabuhat ko kay Alexa ay umiiyak din pero kapag ako naman ang nagbubuhat ay tumatahan. ''Okay, ikaw na ang bahala kay Harvey mamaya. Pupunta s'ya, `di ba?'' ''Oo daw. papunta na iyon siguro,',' sabi ko at tumango s'ya bago umakyat sa taas. Makalipas ng ilang mga minuto pagka akyat ni Alexa sa taas ay napalingon ako sa pintuan nang may biglang kumatok.. Si Harvey na siguro 'to... at hindi nga ako nagkamali. ''Pasensya na natagalan,'' sabi n'ya habang nahihiya itong nakangiti. ''Okay lang. Dapat nga hindi ka na nagpunta. Gabi na oh,'' nakangiti kong sabi ''Okay lang. Malapit lang naman ang bahay namin pero pinili ko pa rin magkotse para mas mabilis," tumatawang sabi nya na ikinatawa ko naman ''Si Mikey Simon?'' tanong n'ya sa anak kong karga-karga ko. ''Oo, umiiyak kasi kapag ibinababa ko. Mommy's boy'' ''Ah, eh si Laurell Kim?'' ''Iniakyat na ni Alexa. Tulog na eh,'' nakangiting sagot ko hanggang sa niyaya ko na siyang pumasok. ''Tara sa kusina, may niluto si Alexa.'' ''Tamang tama gutom na nga ako," sabi ni Harvey. Nagtungo kaming dalawa sa kusina at pinaghanda ko s'ya pero dahil nga hawak ko si Mikey Simon at hindi pa ako gaanong makakilos ay sa huli sya na din ang nag asikaso. ''Teka Sey, puwede ba pagamit ng restroom?'' pagtatanong niya at tumango na lang ako. Nang makaalis si Harvey ay nakangiti ko munang tinignan si Simon hanggang sa napalingon ako sa lamesa at nakita ko ang cellphone ni Harvey na tumutunog. Kinuha ko iyon dahil may natawag, baka importante. Pagkatingin ko ay napangiti ako dahil wallpaper n'ya 'yong picture naming apat ng kambal na pinicturan ni Alexa noong nasa ospital kami. Ini-swipe ko ang lock pero hindi ko alam na pagka swipe ko ay bigla kong na accept ang call. ''Harvey?'' sabi ng boses na pamilyar na pamilyar sa akin. Tinignan ko ang caller ID at nakita ko ang pangalan n'ya. ''Syx,'' sala sa wisyong sabi ko at sandaling natulala pa. ''Hello? Sino 'to?'' pagtatanong n'ya pero hindi ako sumagot. Kung ganoon ay totoo nga, kapatid n'ya si Syx. ''Alam mo Miss, kung girlfriend ka ng step brother wala akong pakialam basta pakisabi na lang na 'wag n'ya kakalimutan iyong dinner namin bukas. Sige, salamat,'' at saka nawala ang tawag. Hindi n'ya nakilala ang boses ko. Bakit nga ba? Eh sa tagal ng panahon iyon. ''Sey, si Mikey Simon umiiyak na!'' Natauhan ako nang biglang sumigaw si Harvey at inagaw sa akin si Mikey Simon na namumula ang braso. H-Hindi ko alam. ''I-I'm sorry,'' natatarantang sabi ko habang buhay-buhat niya si Simon. ''T-Teka, umiiyak ka ba?'' nag-aalalng tanong n'ya. Dinampian ko ng kamay ko ang mukha ko at basa nga. ''Ano ba ang nangyari, Sey?'' kalmadong tanong nya pero umiling lang ako. ''I'm sorry Harvey. I'm sorry, baby Mikey Simon,'' naluluhang sabi ko. Lumapit sa akin si Harvey at niyakap ako saka paulit-ulit na sinasabi na okay lang daw. Makalipas ng ilang oras, nang kumalma na ako ay nagtanong muli si Harvey. ''Tell me Sey, what happened?'' ''T-tumawag siya,'' mahinang sabi ko. ''Sino?'' ''Si Syx. Tumawag s'ya sa cellphone mo,'' sabi ko at natigilan s'ya. ''I-I'm sorry Harvey, dapat hindi ko pinakialamanan ang cellphone mo. Kasalanan—'' ngunit kaagad na niya akong pinatigil. ''It's okay, Sey,'' sabi n'ya at hindi ako sumagot bagkus ay yumuko na lamang. Akala ko ay doon na natatapos ang sasabihin niya pero nagkamali ako at nagulat sa sunod niyang sinabi. ''Mahal mo pa rin ba?'' tanong ni Harvey. Mahal ko pa nga ba? ''H-Hindi ko alam,'' pagsagot ko. ''Please Sey, kalimutan mo na siya," sabi niya. "Nagmamakaawa ako sa'yo na ako na lang, Sey. Ako na lang,'' seryosong n'ya. ''Ayokong gamitin ka para makalimutan s'ya, Harvey, dahil ang gusto ko ay makalimutan s'ya nang kusa,'' sabi ko at napatigil s'ya. ''Bukas ay may dinner kami sa mansion. Gusto mo bang sumama?'' ''Huh? Bakit naman?'' sabi ko. ''Gusto kong ipakilala kay Mommy at Daddy ang babaeng gusto ko,'' sabi n'ya na ikinatigil ko. ''P-Pero—" ''Kung inaalala mo si Syx. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. Hinding hindi ka n'ya masasaktan pero kung ayaw mo ay okay lang,'' sabi n'ya. ''Hindi pa ako handa,'' pag-amin ko. ''It's okay, maybe next time?'' tanong n'ya at tumango ako. Taon na ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka move on. Oo nga madaling sabihin ang salitang "move on" pero napakahirap naman gawin. ''Tara kain na tayo?'' tanong n'ya para siguro matapos na ang topic na iyon at tumango ako. Matapos naming kumain ay inihatid ako ni harvey sa kwarto ko. ''Tulog ka na, Sey, ako ng bahala kay Mikey Simon. Ako na ang maghahatid sa kaniya sa kwarto. Pahinga ka na,'' nakangiting sabi n'ya. ''Pero okay lang—" ''Pagod ka na, Sey. Huwag kang mag alala,'' wala na akong magawa kung hindi ang pumasok sa kwarto ko tutal naman ay katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ng kambal. Pagod akong nahiga sa kama at naisip ang sinabi ni Harvey. Mahal ko pa nga ba si Syx? Mahal ko pa ba ang lalaking kauna unahan kong minahal noon at ama ng mga anak ko? Napakarami kong gustong itanong kay Syx katulad ng kung bakit n'ya ako iniwan? Bakit bigla na lang siyang nawala? At kung mahal n'ya ba talaga ako o minahal n'ya ba talaga ako. I f*cking need his explanation! ''Syx, bakit? Bakit mo ako iniwan?'' bulong ko sa sarili ko at bigla na naman akong umiyak hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD