Sey POV Panibagong umaga na naman at puyat na naman ako. Hindi pala gan'on kadali mag-alaga ng baby. Ang matindi pa rito, dalawa pa. Ghad! wala pa akong sapat na tulog. Nakaka-iglip ako pero maya-maya ay magigising na naman dahil sa iyak ng dalawang bata. Kaagad kong tinali ang buhok ko in to a messy bun at saka nagpunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Pagkalabas ko ng banyo ay dumaretso ako sa kwarto nina baby Laurell Kim at baby Mikey Simon pero wala sila. ''Alexa! Nawawala ang dalawa!'' sigaw ko at nag hysterical na. Bumaba ako ng hagdan at nagmadaling nagtatakbo pababa at doon ko nakita silang apat. Si baby Laurell Kim na hawak ni Alexa at si baby Mikey Simon na hawak ni Harvey. Nakakapagtaka na hindi umiiyak si baby Mikey Simon at kabaligtaran pa n'on ang nakikita ko. H

