Sey POV "Sey! Dumating na 'yong mga uniforms natin!" sigaw ni Alexa mula sa labas ng aking kuwarto. Kaagad akong nagtungo mula sa kwarto ng kambal at pinuntahan si Alexa na may dalang mga malalaking kahon."Ohmygad, Sey! Sa isang araw na tayo papasok! I'm so excited!" masayang sabi ni Alexa pagkakita n'ya sa akin habang ibinababa ang mga kahon sa may sofa. "Patingin na ng akin," ngagalak na sabi ko at hinahanap 'yong kahon na may nakalagay na pangalan ko. Kagaya ni Alexa ay binuksan ko rin ang box at nakita ko ang uniform na gagamitin naming at hindi ko maitatanggi na maganda nga. "Sey! Ang ganda. Wait, isusukat ko," sabi nya sa akin at tumakbo pataas. Napailing na lang ako sa ginawa n'ya dahil bakas na excited na excited na nga talaga ito. Habang mag-isa ako sa may sala ay sandali akon

