Sey POV Maaga akong nagising para tignan ang mga anak ko sa kwarto nila. Napangiti ako ng makita ko ang pwesto nila dahil nakadantay ang kamay ni baby Simonsa tyan ni baby Kim na para bang niyayakap n'ya ito samantalang si Laurell Kim naman ay gan'on din sa kapatid niya. Unti-unti na rin ay nasasanay na akong gumigising ng madaling araw para patahanin ang dalawa kong anak sa tuwing maririnig ko silang umiiyak. "Sey!" rinig kong sigaw ni Alexa sa ibaba. "Oh bakit?" tanong ko pagkatapos kong bumaba mula sa kwarto ng kambal. "Ito nga pala si Manang Ireng, 'yong sinasabi ni Harvey na tutulong daw sa atin sa pag aalaga sa mga anak mo," pagpapakilala ni Alexa. Napatingin ako sa isang matanda na biglang tumayo mula sa pagkakaupo at nakangiting bumati sa akin. "Napa aga ho yata ang dating n'y

